Wednesday, December 19, 2012

Bakit kinahihiya ko ang gustong mangyari ng isang Dean's Lister na congresswoman

I heard you got yourself banned in the Philippines for mocking their national idol and god-like icon Manny Pacquiao on your tweets...
Isang malaking kahihiyan para sa akin 'pag ang ganyang senaryo e nangyari. Lilinawin kong hindi ako fan ng putangnangto, pero pagdating sa usaping ito, hindi ako makakasang-ayon sa gustong mangyari ng isang Carol Jayne Lopez, konggresista ng party list na YACAP, sa panukala niyang ideklarang persona non grata si Beebs. Kung siya ang masusunod, gusto niyang ipagbawal ang pagtuntong ng mga umiindak na paa ni Beebs sa alinman sa 7107 na isla ng Pinas. 
Sa kanan: "Honorable" Carol Jayne B. Lopez
Ano ba ang persona non grata? Ayon sa wikipedia, Persona non grata (Latin plural: personae non gratae), literally meaning "an unwelcome person", is a legal term used in diplomacy that indicates a proscription against a person entering the country. It is the most serious form of censure which one country can apply to foreign diplomats, who are otherwise protected by diplomatic immunity from arrest and other normal kinds of prosecution.

Ito ang gusto nyang mangyari. Sinu-sino ba ang napersona non grata na? Tingnan nyo sa hindi kumpletong listahang ito na kinuha ko sa wikipedia. Isama ninyo na riyan si Beeber:
  • Syrian Ambassador Lamia Shakkour was declared persona non grata the French government declared on May 29, 2012, in response to the May 25, 2012 Houla massacre in Syrria.
  • Kurt Waldheim former Secretary-General of the United Nations and President of Austria, and his wife were given persona non grata status in the U.S. and other countries when he was accused of having known about Nazi War Crimes and not having done anything about them.
  • Justin Beiber, Canadian pop tweensation, was declared persona non grata by the Philippine government for posting photographs on his twitter deemed hurtful by Filipinos. 
Yup, bagay na isama si Beebs sa mga me kinalaman sa isang massacre at Nazi war crimes ang isang taong nagtweet ng ilang 'nakakapikong' pictures at comments. 

Sinulatan ko si Carol Jayne at pinamuka ko sa kanya ang kanyang gustong mangyari. Sinabihan kong naiiintidihan ko ang pakiramdam niya bilang isang fan at ang pagkapikon nya sa pangyayari, pero para gamitin niya ang kanyang pagiging kongresista para bumawi e isang pambabraso.
Pwede namang ganito ang ganti nya ke Beebs. Itweet nya rin ito.
Excerpt mula sa aking mahaba-habang sulat:

Para magpanukala ka ng ganito, isang bagay laang ang malinaw sa isang taong nag-iisip at hindi nagpapauto: lumilikha ka laang ng ingay para mapansin ka. Hindi ko alam ang agenda mo, pero ang matutukan ng midya minsan e sapat nang agenda sa kultura natin ngayong kinikilala ka laang ng mga botante kapag nakikita ka sa telebisyon o YouTube.

Unang reaksyon e "Putang katanga naman ng taong ito". Pero nung sinuri ko ang profile nya, nalaman kong Dean's Lister ito bilang isang Pol Sci major sa isang pamantasang hindi naman patakbuhin. Hindi tanga ang taong ito. Hindi ito naiboto dahil sya e isang artista at anak ng Senador na artista rin. Hindi mo sya mapapanood sa MMFF. Dean's Lister 'to kaya't alam niya ang ginagawa niya. Produkto ng isang magandang pamantasan. Ang kanyang thesis nyang "Sustainable Urban Development in the Popular Democracy Ideology" e hinirang na da best na thesis sa kanyang batch. Hindi ito nagpagawa laang ng thesis sa Recto. 

Iyon ang peligroso, ang isang matalinong taong magpapanggap na tanga para makauto ng mga lipon ng tanga. At ito, bukod sa kahihiyan ko para sa lahi ko, ang pinagpuputok ng butse ko.    

Winakasan ko ang sulat ko ng ganito: Maraming salamat sa iyong pakikinig. Maari mo akong sagutin at iwasto kung sa tingin mo e mali ang aking sinasabi.
Binigyan ko sya ng dalawang linggo para iwasto niya ako sa aking mga sinasabi't tanong. HIndi pa sya sumasagot hanggang ngayon, 19 December 2012. Meron pa syang hanggang 27 December 2012 pra sumagot. Pag hindi, itinuturing at idinedeklara kong tama ako sa ipiangmumutarga ko.


Note: Kababasa ko lang nito: http://www.theatlanticwire.com/entertainment/2012/12/philippines-wants-ban-justin-bieber/59948/


Tuesday, December 11, 2012

Pikon ba tayong mga Pinoy?


Aba’t totoo pala yung balitang tinitira raw ni Justine Beaver si Pacquiao sa kanyang mga tweets. Mga biro lang naman, pero maraming Pinoy ang naaasar. Bago ko sabihin ang pakiramdam ko sa bagay na ito, gusto kong malaman ninyong hindi ako fan o Beleaver o kung anuman ang tawag ninyo sa mga lupon ng 10-14 year old girls na sumasamba sa kanya.

Ito ang mga tweets nya, mga amateurish na photoshop ng pictures ni Manny, na umani ng poot ng isang bansa. Reaction ko, “Meh.” Yun lang? Nagpapakita laang ito na bukod sa nakakairita nyang mga kanta, e wala ring kwenta ang sense of humor niya. Siguro me matatawa run sa leaning na photo nya, pero sa totoo laang ‘di ko makuha yung mensahe nung leyong nanggigising sa kanya. Di na pinapatulan ‘yun. Pero, syempre ‘pag talo, mainit ang ulo mo kaya’t alam ko kung bakit ganito na laang ang pagkaasar ng maraming Pinoy.

Alam ko ring napakanotorious natin bilang isang lahi sa pagiging pikon ‘pag ginagamit tayo sa mga biruan, gaya nung pagkakataong ininsulto raw tayo nung isang Korean singer, sa comment ni Claire Danes sa karumihan sa Pilipinas noong 90s, joke ni Alec Baldwin sa Filipina bridesmaid sa Letterman, yung Filipino doctors sa Desperate Housewives, sa Lucy Liu remark na magmumuka raw syang Pinay, atbp. samantalang napakabulag natin sa sarili nating racism sa mga kung tawagin natin e Bumbay, Intsek o sa mas malala e Tsekwa at negro, egoy o egot. Pati si Buddha na sa tingin ng iba e alkansya laang e ginamit na patawa sa isang ‘sitcom’ (o sa pamantayan noon ng isang sitcom) na Aalug-alog.

Hindi ito isyu ng racism, pero ‘pag nakakakita ako ng ganitong sitwasyon e hindi mawala sa isip ko ang tanong na “Pikon ba tayong mga Pinoy?” Alam kong malakas tayong mang-asar. Pumunta kayo sa isang comedy bar na merong nagpeperform na mga bading na komedyanteng singer rin (I refuse to acknowledge it as stand up comedy) at makikita nyo ang ibig kong sabihin. Tawang-tawa ang karamihan sa mga pumupunta roon at handang-handang gumasta ng pinaghirapang sweldo para makakita ng mga kapwa kostumer na iniinsulto sa kanilang timbang, pananamit, itsura ng muka, probinsya atbp.

Bago ka tumalon at makisawsaw sa pagkapoot ke Beeber, tanungin mo ang sarili mo: “Hindi kaya pikon laang ako?” Ginawa rin ito ke Hatton dati ang boksingerong itinumba ni Pacquiao. Nagalit ka ba nang ganito? Hindi mo ba nakitang ibinigay rin ni Hatton ang lahat gaya ni Manny, pero kinapos at lumagapak? Asan ang respeto mo ke Hatton? Asan ang respeto mo sa isang atleta? Ang respeto mo ba sa isang manlalaro e kumikilala laang sa kalahi’t kabandila? Umalma ka rin ba? E kung gayon, hwag ka nang sumubaybay sa sports at tumayo ka na laang nang tuwid sa flag ceremony. 

Hindi ko sinasabing karma ni Pacquiao ito dahil ganun ang ginawa niya sa kalaban niya. Hindi ko rin sinasabing mali ang magalit sa pang-aasar na ito. E yun na nga ang punto ni Beeber, ang mangantyaw, papaapekto ka? E papatulan pa ba ang isang ganitong klaseng fan na walang class? Kungsabagay, ayos lang magcomment sa tweet nya bilang ganti. 

Ang sinasabi ko e dapat irespeto ang isang manlalaro o atleta, lalo na sa panahon ng pagkagapi. Sinasabi ko rin laang na merong mga plastik na sinasabing irespeto si Manny, samantalang sila mismo e nakiloko sa pagtimbuwal ni Hatton noon. 
"Sino ba yung kupal na halimaw na matabang mayabang na iyon?" tanong ni Mrs Hatton. 
E itong sinabi ni Justine tungkol sa hindi na raw deserving na labanan ni Mayweather si Pacquiao?

Ano sa tingin mo? Kung ikaw si Mayweather at ganoon ang konteksto ng dahilan ng hindi ninyo paghaharap dati, walang gustong pumayag sa termino ng isa’t isa, pagdating sa pera’t drug testing, pagbibigyan mo pa ba ang isang boksingerong dalawang beses nang natalo sa mga huling laban niya? Isa sa isang hindi gaanong kilalang Bradley at isa sa mga pinataob mo dating Marquez. Ano ang mahihita mo sa labang iyon?

Masakit lang tanggapin at lalong mas masakit tanggapin mula sa isang mukang patong teenager na kumanta ng “Beybi-beybi ow” at mukang lalamya-lamya, pero meron syang punto. Kahit anong bagay, kailangan mong timbangin ang ‘risk’ sa ‘gain’ e. Malaki ang nakataya ke Mayweather at maliit laang ang kanyang aanihin. Ano nga naman ang patutunayan nya sa pagtalo sa isang Pacquiao na naolats sa isang ‘di-kilalang Bradley at bumuwal isang 39 year-old na Mexicano? Hindi na ito ang Pacquiao na katumbas (o higit pa, kaya nga gusto nating magsagupa sila’t nang magkaalaman) ni Mayweather. Sa puntong ito ba, bukod sa mga Pinoy, meron pa bang pagdududa? 

Masakit ang katotohanan, pero ganun talaga. Hindi na mangyayari ang Pacquiao-Mayweather. Hindi na yun kakagatin ni Mayweather (na merong mga paratang na namimili ng madadaling kalaban). Mula sa isang kababayan ninyo, na isa ring fan, alam kong hindi na ‘to mangyayari. Lumagpak na sa listahan ng priorities ni Mayweather si Pacquiao at kailangan niyang akyatin iyon muli kung gusto niyang makasagupa si Mayweather, parang Punch Out lang.
At least sa isang King Hippo agad siya, hindi na sya babalik pa ke Glass Joe.
At kung seryoso syang seryosohin uli ng mundo bilang boksingero, tanggalin na nya ang kanyang paghohost at pagsulput-sulpot sa TV at shobis, pag-aaksaya ng panahon sa pag-aaral ng bibliya (na ayon ke Dionisia e pinagkakapuyatan niya), at tanggalin niya ang mga alipores nya at bawiin ang kanyang 'Eye of the Tiger'. Pwede bang me magpahiram ng Betamax ng Rocky III ke Pacquiao? Kahit hwag na ang pangongonggreso at wala namang gaanong ginagawa ang isang konggresman.     
You became civilized!
Kung maiinis ka man ke Justine Beeber, e maraming bagay na kaiinisan, mula sa buhok niya, musika niyang nakakairita at sa ideyang sumisikat ang gantong klase singers samantalang ang mga bandang gaya ng Intermidya e hindi mo man laang mahanapan ng album. Kung pwede nga laang bigyan ni Manny ng isa ang putang nang batang ‘yun e. 
Hwag nyong sabihing 'di nyo gustong sapukin ang mukang 'yan


Thursday, December 6, 2012

Mamatay kayo sa ingget!


Just woke up from an afternoon nap. There’s no other way to perk me up, but with a sachet of 3-in-1 Indocafe Coffee Mix delicately poured in a transparent Boneeto promotional glass of boiling water, painstakingly stirred in a counter-clockwise motion. I take out my handy and trusted red Snowman V-5 0.7 tipped ballpoint pen to write down my workout for the day on a sheet of 70 Gms ISO-certified E Multi-Purpose Paper.

My 3210 Nokia beeps a special tone for me. It’an SMS from a friend. He wants to meet up with me for a game of pickup basketball at their half court sa kanto. I check the Indomaret Convenience Store promotional calendar on my wall to see if I have marked an appointment somewhere. I’m free so I send him a reply on my Unlimited Texts Plan.

I check my mass-produced coffee mix and find that it has gone too cold for my refined taste. Not to worry though! I open my two-door, five-foot Astor Refrigerator and take six ice cubes and pop them into my now cold coffee. I get one Fresh International Drinking Straw and sip the rich taste of my newly-transformed-into-iced-coffee coffee. I finish the glass. I see some residue left on the bottom of the glass. Carefully measured to its coffee mix-water ratio, the residue can still be enjoyed by a connoisseur like me. I add a trickle of hot water into the glass and stir it to perfection. Now it is a teaspoonful treat of Indocafe which is still consistent to its texture, aroma and blend. Indocafe, good to the last drop!

I then dine with a bowl of Indomie Mie Goreng with a dash of chili pepper paste to carbo-load me up for my workout in my backyard. I consume it while watching an Indonesian-dubbed Mexican prime-time drama series on my 15-inch Toshiba black and white TV. After partaking at such a royal dinner, I get up and head to my backyard to do my supercharged workout using my personally-crafted barbell constructed from recycled Boneeto tin cans filled with gravel and Tiga Roda cement. I take a sip of water cooled and stored in a recycled Gatorade bottle to rehydrate me from the sweat I have lost.

Kung sa puntong ito e hindi nyo pa nararamdaman ang nagmumutargang panunuya ng entry kong ito, hayaan nyong ipaliwanag ko ang ibig kong sabihin. Ilan sa mga kaibigan ninyo ang display nang display ng kung ano man ang meron sila sa kanilang Facebook? Gadgets. Brands. Pagkain. Kahit ano. Akala mong mga endorser sila ng produktong kanilang binibili.

Kalimitan naman e mga taong nag-eenjoy ng kanilang mga sarili ang nagpopost ng ganito. Tipong, “Uy, sarap nitong hamburger sa ________! Lintek, maa-unhinge ang panga mo sa kapal nito!” o “Lumabas na sa wakas ang hinihintay kong Illustrated Xerex!” Minsan ginagawa nila ito dahil alam nilang me mga kaibigan silang gusto rin ito, tipong binabahagi nila ang kaligayahan nila. Wala akong problema sa mga taong ito. Yan yung tinatawag e trip. Kahit sino maiintindihan ito. 

Meron rin namang kinaiinisan ng marami, 'yung tipong mararamdaman ninyong ang pakay e magdisplay ng gamit. Ayokong gamitin ang salitang mang-ingget dahil hindi ako tatablan ng ingget sa mga materyal na bagay at ayokong magkamali silang naiingget ako kaya ko sinulat 'to. Sorry, pero hinde. Siguro, maingget sa kahusayan ng iba, oo. Sana kasinglupet ako ni _________ magdrowing! 

Gusto mong malaman kung alin ka sa dalawang ito? Get your very own black Snowman V-5 0.7 tipped ballpoint pen and take this test. Pag kukuhanan mo ng litrato ang gamit mo at ipopost ito sa Facebook e:
  • dahil masaya ka laang at gusto mong makihalo sa kaligayahan mo ang mga kaibigan mong kapwa mahilig dito? (A) Yes (B) No.
  • dahil gusto mo talaga ang bagay na ito at hindi relevant ang presyo nito. Kung sakaling branded ito e alam mong sulit naman at hindi iyong presyo ng produkto ang punto ng post mo. (A) Yes (B) No.  
  • iniisip mo bang, “Kamputa big time ang dating ko rito ‘pag nakita nila ‘to! At mamatay kayong lahat sa ingget”? (A) No (B) Yes.
  • sinisiguro mong walang matatakpang logo ng brand ng mga pinamili mong gamit sa mga shopping bags habang nagpo-pose ka sa harap ng mall na pinamilhan mo nito? (A) No (B) Yes.
  • sinasalansan mo ba ang mga gamit mo na parang Impressionist na still life bago iinstagram ang kukunan mo ng litrato? Yun bang tipong: “my new lip stick”, tapos sa background e yung bag ng camera mo, kahon ng i-phone mo, resibo ng kinainang ninyong restawran, tablet o kung anumang gadget mo, etc. (A) No, aba’y hinde! (B) Kakahiya mang aminin, pero yes.
Kung ang sagot mo sa mga tanong na ito e tumataginting na (B) lahat, ikaw ang sinasabi ko. Oo, ikaw nga. Ikaw. 
Kung wala rito ang paborito mong produkto, pasensya na'y ito laang ang na-google ko
      
You know what? Brands don’t impress people. Or at least yung mga taong may saysay at nilalaman. Ang mga tipo ng nai-impress sa mga ganyang bagay e ang mga hagom o/at mahina ang kukote. Sila yung mga tipong: “P’re nakita mo ba ‘yung i-phone ni ______? Lupet, p’re! Merong ganito-ganyan.”

Kahit ano pang damit o gamit ang ikulapol mo sa katawan mo, hindi nun mababago kung sino ka. Kung isa kang butangera, butangera ka pa rin. Kung isa kang kupal, kupal ka pa rin. Kung banban ka sa tarbaho o pag-aaral, banban ka pa rin sa tarbaho o pag-aaral. Ang pinagkaiba laang e meron kang nabibili o naarbor na gamit/ damit/ pagkain. Kumbaga kung unggoy ka noon, unggoy na nakabihis ka na ngayon. 

Kung nakasalalay ang kaligayahan nyo sa ideyang meron kayo ng isang bagay, pero ang mga kaibigan nyo e wala at ito ang kinasisiya nyo, kailangan nyong ire-evaluate ang buhay nyo. Kung ‘in comparison to’ sa iba ang ideya nyo ng kaligayahan, limitado itong ganitong uri ng kaligayahan dahil siguradong merong mas mayaman sa inyo sa grupo ng mga kaibigan mo.
At least ganyan ang tunog nyo kung hindi man ganyan itsura nyo

Sa totoo laang, pinagtatawanan laang kayo ng iba ninyong kaibigang mas marami o mas mamahalin ang mga gamit sa inyo. Ito ang sinasabi nila nang lihim ‘pag sila-sila na laang ang nag-uusap, “Ano ba naman ‘yung si _________, pinopost pa ‘yung gamit nyang ganun, akala mong ngayon laang nakahawak ng ______.  Tingnan mo, ipinost pang nagcheck in sila sa _________ na akala mong ngayon laang nakatuntong ng isang ___________.” Yan yung mga tipong karaniwan na sa kanila ng mga ganung bagay na hindi na nila pinangangalandakan ang bawat bagay na nabibili nila, lugar na napupuntahan nila, pagkaing nakakain nila.

Gusto mong makita sarili mo? Imagine-in mo ang itsura mo na para kang nanonood ng pelikula kung saan ang bida (ikaw) e nagsasalansan ng mga logo ng bawat binibili mong bagay at makikita mo kung gaanong kalungkot ng buhay mo. "Yan, kita lahat ng logo ng pinamili ko!" Hindi isang malaking product placement ang buhay mo.

Spare yourselves the embarrassment and spare us the misery of having to put up with every post of your every purchase. Tantanan ninyong sarili nyo’t pinagtatawanan laang kayo nang lihim ng nakararami.   

Click nyo laang ang ilang related posts:
The Facebook Ref #2: Sa pagpopost ng bawat maliliit na bagay at 
Pagkakape


Thursday, November 29, 2012

Bakit may dalang index cards ang mga SAS students nung late 80s pag nagsisimba


Noong ako e high school, required kaming magsimba tuwing Linggo nang alas nwebe ng umaga suot ang aming school uniform. Mantakin ninyong, gigising ako bago mag-alas nwebe dahil mag-aalmusal, maliligo at maglalakad ako papuntang simbahan. Ibig sabihin nun e 8:30 na ang pinakatanghali kong pwedeng igising. Sa araw ng Linggo! Alam ba ninyo kung gaanong kaaga nun para sa isang teenager? Para mo na rin akong pinagsimbang-gabi nun. Tapos, uniporme pa. Gusto kong imagine-in ninyong ako e naglalakad, dumaraan sa ang aming kalsada’t nakikita ng mga kalaro ko sa basketbol na nakapambasketbol na me hawak na bola ng basketbol at tinatanong ako ng, “May pasok kayo ng Linggo? Di nga?”

Not in photo - ang religion teacher
At mauupo ako nang mga halos isang oras para makinig ulit sa mga kwentong gaya ng tungkol sa tax collector at 'yung mga binhing itinanim sa iba't ibang klaseng lupa. Bukod sa nabasa ko na ‘yun sa Gospel Komiks e narinig ko na rin ‘yun sa Religion teacher ko at sa mismong paring nagmimisa sa mga nakaraang misa. (Nga pala, alam ba ninyong ang nagdodrowing dati sa Gospel Komiks na si Rey Arcilla e nagdodrowing rin ng bold komiks nung mismong panahong nagdodrowing sya ng Gospel Komiks?)

Pagkatapos ng misa, aabalahin namin ang pari o yung lay ministers para sa kanilang pirma sa aming index cards na magpapatunay ng aming pagsisimba. Siyempre, dahil hindi laang ako ang gagawa nun kaya’t kelangan kong pumila. (Kung pila ke Hesus ‘to, e bubutas ako ng bubong para mauna sa pirma.) Isipin nyo ang hassle nun sa akin at sa pari mismo. Sa dinami-dami ng gagawin ng pari, pipirma pa sya ng santambak na index cards ng mga estudyante? Sa lay ministers siguro hindi hassle yun dahil kahit papano, nagmumuka silang may silbi. Nakakapag-feeling silang me kapangyarihan o may saysay ang kanilang posisyon. Sa set up na iyon e kulang na laang e bigyan muna nila kami ng test bago nila pirmahan ‘yung aming attendance.

Teka, ‘yun nga pala ang ginawa ng guro ko sa Religion noon sa high school –45 items ng aming Quarterly Exams e galing sa labinlimang Linggong aming isinimba. Ano yung 45 items na 'yun? Ang bersong pinaghugutan ng homily, Salmong Tugunan at Panalannging Bayan. Sasauluhin yun dapat. Naabala na nga akong gumising nang maaga, magsuot ng uniporme, hindi na nga makapagbasketbol, magtetest pa? Para akong Hudyong matapos ipasailalim sa gas chamber, e ipasasaulo pa sa akin ang mga symbols, number of electrons (o kung anuman yun) ng bawat element ng kemikal na nasa gas. 
Nickel? Cansium? Iron? Cobalt? 
Buti sana kung ang test e tipong essay tungkol sa mga parables ni Hesus. Pwede akong mambullshit para umiskor nang mataas. Pero hinde, kinailangan naming sauluhin ang berso kung saan nanggaling ang homily, ano ang Salmong Tugunan at ano Panalanging Bayan sa bawat Linggong nasasakop ng quarter o grading period na yun. 
7. What did Jesus do to the fig tree that he encountered while he was... 
Alam nyo ginawa ko? Hindi ko sinaulo ang putang inang mga iyon dahil hindi ako utu-uto at mas mahalaga sa aking manood ng 21 Jump Street, Perfect Strangers o mangulangot. Ano ako sira? Sasauluhin ko ang 45 na items na ‘yun, para saan? Para mapangiti ko ang aking guro at mapaisip na napakabanal ng estudyante nya’t nasaulo ang ilang walang saysay na kataga? Sa katunayan nga ginagamitan ng overhead projector yung mga Salmong Tugunan at Panalanging Bayang iyon noon dahil hindi kailangang sauluhin. Hindi kailangang sauluhin dahil nagpapalit iyon linggu-linggo. Sa susunod na Linggo e lipas na ang mga ‘yun at iba na ang gagamitin. Pano ko mapapakinabangan noon ang matandaan ang mga 'yun?

At pano ko gagamitin iyon ngayon, mga 20 taon na ang nakakalipas? Kung dasal iyon gaya ng Hail Mary, nakikita ko kung bakit kailangan. Not necessarily, dahil gusto kong dasalin ang Glory Be, pero nakikita ko ang punto. Ang mga dasal na yaon e ilang daang taong gulang na (baka libo, i-check na lang ninyo sa wikipedia para me pangontra kayo sa akin) at naisalin na sa iba’t ibang wika. Ang mga Katoliko na gustong magpaka-Katoliko e dapat alam ang mga yaon. Kaya’t sa ayaw mo man o hinde, ‘pag sa isang Catholic school ka inenrol ng mga magulang mo, wala kang magagawa kundi sauluhin ang mga dasal na ‘yun. Pero ang Salmong Tugunan at Panalanging Bayan? 

Pagtutuunan ko pa ba ng pansin ‘yun samantalang merong ibang pwedeng pagtuunan ng pansin, gaya ng: 

  • pagrarap ng Florante at Laura. Kapag binasa mo nang mali ang pause mo sa isang bahagi nun e magiging ganito: Ang laki sa layaw ay karaniwang hubad...
  • O magbasa ng - kung tawagin ng kapatid ko e - soap opera ni Jose Rizal, ang Noli at El Fili. Mas masaya ring magdrowing at sumulat ng mga buod ng kabanata, lalo na't hindi naman chinecheck ng aming guro ang aming notebook: "Mapanglaw ang gabi at unti-unting ginagapi ng pagkabagot ang magkapatid. Dinadalaw na sila ng antok sa tore ng simbahan, habang naghihintay sa pagbabalik ng sakristan mayor. Upang hindi tuluyang maalipin ng antok, pagkabagot at kapagalan ng katawan, tinalakay nila at  pinagpustahan kung sino ang mananalo sa Ginebra at Tivoli sa semis ng PBA."  
  • Pagkalkula sa Trigo ng anggulo ng anino na nililikha ng flag pole sa tanghaling tapat. Okay, sinong niloloko ko. Wala rin akong pakialam run, pero alam kong merong mga natutuwang ibang tao run na gusto yung gamitin sa aplikasyon ng pagtatayo ng building o kung saan talaga ginagamit yung mga cosecant. 
In short, mas maraming mas mapapalang ibang aralin, bukod sa mga putang inang Salmong Tugunan at Panalanging Bayang iyon. 

May saysay pa siguro yung mga pinasasaulong berso kung pinasaulo o at least pinatandaan sa amin ang ibig sabihin ng mga bersong ginamit sa homily. Kaso ang pinagawa laang sa amin e sauluhin ‘yung mga pangalan ng books, chapters and verses laang, hind ‘yung nilalaman. Hindi kami nirequire na sauluhin ang nilalaman ng John 3:16. Hindi sa gusto kong magsaulo nun, pero kakayanin ko naman siguro dahil nasaulo ko at one point ng preamble ng constitution. 

Alam nyo katumbas nito? Para kang pinagtest sa literature na walang ibang gagawin kundi isusulat mo laang ang page ng lesson ninyo nung bawat Huwebes na nagkita kayo sa loob ng isang grading period. 
14. Ang istorya ng Beowulf e makikita sa page #__ ng ________. 
Pagdating sa verses, alam ninyo ang kabisado kong verse? Yung ke Stone Cold, ‘yung Austin 3:16. “You talk about Psalms, you talk about your John 3:16. Austin 3:16 says, I just whipped your ass!”

Hindi ko sinasabing iyan ang at tanging iyan laang ang dahilan kung bakit hindi ako nagsisimba ngayon, pero hindi rin nakatulong ang ideyang sapilitan kang gigising nang 8:30, magsusuot ng uniporme, magpapapirma sa pari (at kukuha pa ng test na basically e pang-unggoy) para dakilain at bolahin ang isang makapangyarihang lumalang sa sanlibutan. 
Kung ganito ang uniporme ng mga babae sa school namin noon, wala nang dahilan para ipost ko ang blog entry na 'to


Monday, November 26, 2012

Not-So-Obscure Bible Verses #2: Mark 2:1-12 WWJD sa Mga Taong Sumisinget?


Narinig ko ang istorya ng nagpagaling ng isang paralitiko si Hesus nung bata pa ako. Meron akong problema sa kwentong ito nung narinig ko ito sa unang pagkakataon sa aking Religion teacher.  
Humayo ka't napatawad na ang iyong pagkakasala, pati na ang pagbutas mo ng bubong ng bahay na 'to.
Hetong sitwasyon: Meron kang sakit. Sabihin na nating bulag ka. Narinig mong sa ibang ibayo e merong nagpapagaling ng mga ketongin, pipi, bingi, lumpo’t bulag. Hindi ka man ganap na makapaniwala dahil marami-rami na ring sumulpot na ‘manggagamot’ noong panahong iyon, gaya ni Yehohanan, e nagkaroon ka ng pag-asang makakitang muli. Sa wakas, ang makakita, magisnang muli ang kagandahan ng sanlibutan, ang masilayang muli ang mga muka ng mga mahal mo sa buhay, makakitang muli ng mga tsiks! (O nga pala, ‘di ko nasabi sa ‘yong nakakakita ka dati at hindi ka ipinanganak na bulag kaya’t alam mo ang ibig sabihin ng makakitang muli.)

Sa aba mong estado, naglakbay ka, at naglakad laang kasama ang isang kamag-anak (na ang tingin sa iyo e pasanin ka laang) dahil hindi pa uso ang jeep noon at mayayaman laang ang nakaka-afford ng mga asno o kabayo. Binuno mo ang alabok sa daan, ang nanlalampasong paso ng init ng araw, ang nakapanlalambot na hininga ng kasama mong kamag-anak dahil hindi pa naiiimbento ang sipilyo noon para makarating sa bayan kung saan narinig mong merong Jesus’ Healing Tour. Nakipagsiksikan ka, nakipagbanggaan sa kapwa mong me sakit, nakipagdikitan ng balat sa mga ketongin, nakipagsigawan, nakipagdumugan, nakipaghamagan para maabutan mo ang naghihimalang si Hesus. At nung malapit ka  nang gamutin at sa tingin mo’y malulunasan na ang iyong pagkabulag, narinig mong merong natutungkab na bubong, napabahin ka sa bumagsak na alikabok sa iyong muka at sinabi ng kasama mo kung ano ang nangyari. “Merong putang inang suminget at nagtungkab ng bubong!"



Tapos ang maririnig mong paliwanag mula sa naghihimala e malakas ang pananampalataya ng lumpong ulupong na iyon na merong pambayad sa apat na lalaking nambutas ng bubong ng may bubong at magbuhat sa kanya. Malamang e mapapabulalas ka ng ganito, "Aba’y kung hooliganismo laang pala ang tanda ng pananampalataya, sana e naghukay ako sa ilalim ng lupa –kung hindi laang ako putang inang bulag!" 


At iyan ang problema ko sa tuwing ako e masisingitan sa pila. Kasi kung iyan ang basehan sa pila, e 'di 'yung pinakagutom na ang unahin sa pila sa handaan o food court. Sa pagkuha ng lisensya sa PRC e unahin na 'yung mga bahagyang pumasa sa mga board exams bilang pabuya sa ideyang mabuti nga't pumasa pa sila. Sa panonood ng sine e unahin ang pinakanumero unong fan ng Hary Potter. Maari ko pang punuin ito ng ilang halimbawa, pero alam nyo na ang punto ko. Ang pila e pila at ang singet e singet. 





Tuesday, November 20, 2012

Pogi Tips #1: How to Shave Your Rambutans


Sa panahon ngayon, nilulunod na sa kumunoy ng kabirhinan ang mga lalaking hindi man laang nasasayaran ng gunting o pang-ahit ang jolbu. Malamang nag-aahit kayo o naggugupit; hindi na masama 'yun. Pero, hindi kumpleto ang tarbaho mo kung hanggang front lawn lang ng tore mo ng ginu-groom mo, pero napabayaan mo naman ang mga rambutan sa tabi nito. 

Malamang iniisip mong hindi naman nakikita 'yun ng gf o misis mo. Pero sa aktong meron syang ginagawa run, ang pinakahuling bagay na dapat mong inaalala e kung sumasagi sa isip ng gf o asawa mo kung uso na ang rambutan at dapat na ba siyang bumili na sa palengke.   

Sa pogi tip na ibibigay ko sa iyo e pihadong makadaragdag sa pogi points mo. Tuturuan ko kayo kung pano mag-ahit ng jolbu sa rambutan nyo.


Kung eksperto ka na’t hindi mo na kelangan ‘tong tip na ito, aba e sori, hindi lahat ng mambabasa ng blog na ito e nang-oorgy linggu-linggong kagaya mo. Sa mga mga hindi makapaglakas ng loob na mag-ahit ng parteng iyon, isinulat ko ito para iyo.

Ang short cut sa bagay na iyan e gupitin ng gunting. Pero, ang mahirap diyan e ‘yung pagtantya ng distansya ng gunting sa balat. Tapos, mahirap pa ang anggulo mo kaya’t mahirap sipatin ang pinupuntirya mo; kaya’t kahit na magupit mo ang bawat hibla, me natitira pa rin diyang ilang millimeters ng buhok, ‘di gaya ng kumpletong linis ng pag-aahit.

Pag natutunan mo ‘tong pag-aahit, maiisip mong mas madaling paraan itong maituturing. Ang mga kailangan mo e ang mga sumusunod:
  • malamig na tubig galing sa shower o balde ng tubig
  • Schick Lady’s No-nip Razor at shaving foam
  • OST ng The Last Samurai ni Hans Zimmer

Too many mind! No mind!


Dahil unang pagkakataon mong gagawin ito, kailangan mo ng OST ng The Last Samurai. Pag nagiging bihasa ka na, pwede mo nang hindi ito gamitin. Dalhin mo sa banyo ang mp3 player mo at i-on ang music mo. Imagine-in mo ang eksenang nasa larawan sa itaas at isipin ang sinabi ni Nobutada, isang samurai, ke Algren: “Too many mind. No mind!” na ibig sabihin e tanggalin mo ang lahat ng distractions sa paligid mo, lalung-lalo na ang takot mo, ang takot mong ma-mutilate mo ang sarili mo. I-set mo ang utak mo sa ideyang alam mo ang ginagawa mo’t hindi ka masusugatan sa gagawin mo.  



Alam nyo na ang ideya
Kapag nakuha mo na ang sapat na lakas ng loob, magshower ka ng malamig o magbuhos ng tubig na merong yelo. Ang punto ko, dapat e malamig ang tubig mo. Malalaman mong tama na ang temperatura ng tubig mo pag umurong na ang yagbols mo’t nawala na ang kulubot. Kung gusto mong makasiguro - sino ba’ng hinde? –idikit mo sa yagbols mo ang yelo ng ilang minuto. Pag okey na, pumunta sa susunod na hakbang. (Sa puntong ito malamang e masisira ang epekto ng OST ng The  Last Samurai kaya’t ilagay mo sa level 11 ang volume ng mp3 player mo.)

Maglagay ng shaving cream sa lugar ng misyon. Walang sikreto sa bagay na ito’t para ka laang nag-aahit ng balbas. Ang mahalaga e binili mo ang sinasabi kong pang-ahit, ng Schick no-nip razor. Ito e pambabaeng razor. Ginagamit nila ito para sa mga braso’t binti nila, baka sa kili-kili rin.  Hindi ako binayaran ng Schick, pero ito ang alam kong razor na nakagagawa ng trabahong ito. Kung ibang tatak e ayos laang. Ang mahalaga e iyong ngipin ng razor e merong bakod na patayo o pa-vertical. Ito ‘yung pang-iwas hiwa. Ito yung no-nip technology ng razor na ito.
Kita nyo yung vertical na 'rehas'? Yan ang no-nip technology na sinasabi ko.
Tapos, mag-ahit ka na habang hindi mo iniisip na hindi sa ‘yong yagbols ang inaahit mo. Teka, panget pakinggan ‘yun. Ibig kong sabihin e para ka laang nag-aahit, pero sa imbes na yagbols, ibang bahagi ng katawan mo ang inaahit mo. Kunwari e tenga. Kung me problema ka sa paniniwala sa ideyang ito dahil para sa iyo e magkaiba ‘yung dalawang ‘yun ng hugis, isipin mo na laang na magkaiba rin ang palad mo at ang bubaeng pinapantasya mo sa tuwing napapatagal ka sa banyo.



Pag pumalpak ka sa bagay na ito, kelangan mo munang magtraining. Bakit hindi ito muna ang isinulat ko bago kita ipadala sa misyong iyon? Kasi hindi ko na pinagdaanan ito’t umaasa akong kaya mong dumiretso na rin sa landas na ito. Ganto gawin mo: Bumili ka ng isang buong manok sa palengke, hindi ‘yung buhay, kundi ‘yung pangturbo. Gamit ang no-nip razor, pagpraktisan mo ang manok, sa bawat singit-singit nito at sa lahat ng surfaces hanggang magkaron ka ng kumpyansang kaya mo nang gawin ang pogi tip na ito. At sundan mo ang unang step na itinuro ko kanina. Sa pangyayaring tinamaan ka ng kaba, imagine-in mong manok ang inaahitan mo’t hindi yagbols mo.

Mas magandang magkaibang pang-ahit ang gagamitin mo sa tunay at sa ensayo



Friday, November 16, 2012

Not-So-Obscure Bible Verses #1: Ang Pagkakataong Inabuso ni Hesus angKanyang Kapangyarihan

May pagkakataon kayang si Hesus e nang-abuso ng kanyang super powers? O ginamit niya ito hindi para sa kapakanan ng iba? Alam nating lahat na 'pag ginamit ni Hesus ang kanyang kapangyarihan ito e para tumulong sa iba, gaya nung nagpaparami ng siya isda't tinapay, nagpapagaling ng mga me sakit at bumuhay ng mga bangkay. Pero alam ba ninyong, merong pagkakataong inabuso nya ang isa nyang kapangyarihan para sa isang halamang wala namang ginagawa sa kanya? 

Ayon sa Mark 11:12-14, naglalakad si Hesus at tomguts na sya nung mga oras na yaon. Meron syang nakitang isang fig tree na walang bunga, dahil hindi pa panahon ng fig, hindi pa tagbunga. At sa halip na gamitin ang kapangyarihan niya para pagbungahin ang isang punong wala pa sa uso, isinumpa niya ito na hwag nang magbunga magpakailanpaman. Ang pangyayaring ito e nasaksihan ng mga disipulo nya.

Sabi ng mga bihasa sa bibliya ito raw e simbolismo na me patungkol sa Israel, na noong panahon pa ni Hosea. Bukod sa isang puta, inihambing rin daw kasi itong Israel sa isang fig treeng baog sa Hosea 9:10. At ito raw e simbolo ng pagsumpa ng Dios sa Israel. 

Pero, mabalik tayo sa panahong ito e nangyari. Malinaw na pang-aabuso ito ng kanyang kapangyarihan. Pupwede naman nyang pagbungahin yun. Hwag mong sabihing makakabuhay sya ng bangkay, tapos magpapabunga laang ng prutas na wala sa season e hindi kaya ng powers nya? Tapos, ipapalusot ng mga bible scholars sa na iyon raw e simbolismo sa pamamagitan ng pagturo sa isang berso sa Hosea. Ano ang simbulo run, nakita nya ang Israel na hindi pa handang tumanggap ng kanyang aral kaya't mas mabuti pang baugin na laang? Mga spin doctors nya ang nagpapaliwanag nito sa panahon natin. Sa pagitan ng anti-Semite na mensaheng ito at sa ideyang gaya ng karaniwang taong nato-Tom Jones at nabuset, mas pipiliin ko na ang huli.

Aminin na laang kasing nabad trip sya nun dahil gutom sya. Isinumpa niya ang fig tree sa sobrang pagkaaburido. Walang nakaintindi ng simbolismong iyon kuno sa panahon niya. Ano naging silbi nung inakto nya nung oras na yaon? Wala. Nagmuka laang siyang kupal sa harapan ng mga disipulo nya nung ginawa niya yun. 

Talagang high blood na sya nun sa pagkagutom at ang natagpuan nya pang puno e walang bunga kaya nya nagawa yun. Sa katunayan nga, sa sobrang bad trip nya nung araw na yun, nung nakita nyang me mga nagkakalakal sa isang templo, nagwala siya't pinagtataob ang bawat makita niya. 
Kung meron mang aral na makukuha rito sa bersong ito, yun e "Hwag nyong babadtripin si Jesus 'pag gutom." dahil walang siyang kaliwang pisnging ihahain sa iyo. 




Friday, November 2, 2012

Pagpapasimuno ng Palakpakan


Alam ninyo kung ano ang isang masarap gawin? Magpasimuno ng palakpak. Lagi itong nangyayari. Hindi naman sabay-sabay na nagtitinginan ang mga tao at bumibilang ng ‘one.. two.. three’ bago pumalakpak. Merong nangunguna nito. Minsan lumingun-lingon ka, baka isang kalbong me balbas ang nagpasimula sa grupong kinalalagyan mo. Maliban na laang kung bahagi ka ng isang live audience ng isang noon-time show walang maghuhudyat sa inyong magsimula ng palakpakan. Merong isang taong me lakas ng loob na magsisimula nito. 

Ano nga ba ang ibig sabihin ng pagpalakpak? Ayon sa wikipedia, ito ay isang expression of approval at isang non-verbal mass approval. At ito ang dahilan sa isang high na natatanggap ko sa tuwing ako ang nagpapasimuno ng palakpakan. Dahil ibig sabihin nito, ako ang nagpasimuno ng isang mass approval sa isang sinabi o ginawa ng isang tao. Kumbaga, ikaw ang unang naka-appreciate ng kanyang sinabi o ginawa. Para na ring ikaw ang unang nakatuklas ng isang cool na obscure na rock album na ngayon e pinagpipiyestahan ng mga kaibigan mo.

Una ko itong ginawa sa isang mass baptism nung fiesta ilang taon na ang nakakaraan. At ang mga tao e napapagaya talaga ‘pag me pumapalakpak. Human nature ito. 

Sa isang gathering o event e laging merong ganitong pagkakataon para magpakita ng pagsang-ayon o paghanga sa pamamagitan ng palakpak: pagkatapos ng isang opening remark sa isang event, sa isang valedictory address, sa isang talumpati ng kandidato sa eleksyon, sa isang sayaw ng mga preschool na anak ninyo o ang paghahalikan ng mga ikinakasal. Marami pang pagkakataong nagsisipalakpakan ang mga madla. Ipapaputol ko ang braso ko kung ni isang bes e hindi kayo napapalakpak dahil lahat e nagpapalakpakan.  
Sa susunod na mapapunta kayo sa isang handaan, conference, seminar o anumang pagtitipon, subukan ninyong magpasimuno ng palakpak, gaya ng ginagawa ko. Kalimutan na ninyo ang mga araw na kayo'y isang bulag na tagasunod sa isang masigabong palakpakan. Maging pasimuno ng masigabong palakpakan!  

Tips sa Pagpapasimuno ng Palakpakan:

Unahan laang iyan. Makinig at magmasid sa nangyayari. Mahuhulaan mo kung kelan ito mangyayari. Ito ang mga sitwasyong sigurado kang makukuha mo ang madla na sumang-ayon sa iyo’t makipalakpak dahil ito ang mga karaniwang hinahangaan at kinatutuwaan ng madlang pipol. Halimbawa: 
  • Sa isang valedictory address na Inggles, sa oras na mag-Tagalog ang valedictorian, karaniwan e isa iyong biro o isang napakahalagang mensahe 
  • Sa isang talumpati ng kandidato, sa oras na banggitin niya ang kalaban o ang administrasyon
  • Sa isang konggregasyon ng mga reliyoso, 'pag nagsabi na ng "Amen" ang pastor o lumalakas na ang boses nya 
  • Anumang sasabihin ng boss mo sa inyong meeting
Pag nakita mo ang mga sitwasyong ito, pumalakpak ka kagad bago maunahan ng iba. Dapat me pulso ko sa nangyayari at mahirap mang gawin, dapat nakikinig at nagmamasid ka sa nangyayari sa imbes na ikaw e nakatanghod sa iyong mobile device.


Lalo na't pag bagut na bagot ka nang tawagin ang kamag-anak mo, masarap magpasimuno ng palakpak.
Dapat merong yagbols ang palakpak mo. Ang isang half-assed na palakpak o nahihiyang palakpak e hindi makakakuha ng simpatya sa iba. Dapat malakas ang iyong palakpak. Kung kelangan mong pagpraktisan ‘to sa libre mong oras (at alam kong meron kang libreng oras dahil nag-aaksaya ka ng panahon sa blog ko), mas makabubuti. 

Pero, dapat tama ang timpla mo. Kapag napasobra naman ang lakas e baka magmukang over ecited ka’t mapalingon sila sa ‘yo’t mapaisip na parang me sira sa madla. Tamang timpla ang susi. Pag nakuha mo na ang tamang lakas ng palakpak mo, ang dapat mong pagtuunan ng pansin e ang ritmo ng palakpak mo. 

Ang pinakamagandang halibawa nito e ‘yung ke jaime Fabregas sa Kamagong nung pinalakpakan niya si JC Bonnin sa kanyang pag-eensayo ng arnis, sabay anunsyo ng, “Su-per-yor! Su-per-yor!” Pero, hwag muna kayong babangka ng “Su-per-yor! Su-per-yor!” kung beginner level pa laang kayo at mahirap pangatawanan ang ganyang klase ng pag-epal.
"Kelangang puno ng conviction ang palakpak mo. Kung hindi, hwag ka nang umepal." -Jaime Fabregas sa set ng 'Kamagong'
Kapag nagawa na ninyo ito nang ilang beses, mga lima-sampung beses, sundan ninyo ang mga yapak ko sa tinatawag kong Extreme Clapping Experience. Mas malakas ang high, mas mataas ang rush, mas malupet ka ‘pag ito ang iyong nagawa. Ang pumalakpak sa mga hindi inaasahang sandali ng isang event. Yung mga inilahad kong sitwasyon kanina e mangyayari kahit hindi ka magpasimuno. Kaya't parang hindi ka rin pasimuno nun. Para magawa ninyo ito, simulan ninyo sa basic-situation clap. Ilalagay nito sa mood ang madla para pumalakpak sa mga susunod na pagpalakpak ninyo. At kapag nasa palad na ninyo ang madla, susunod ang mga siliw sa susunod mong palakpak, kahit na wala namang kwenta ang sinabi ng speaker. 


At kapag namaster na ninyo ito, gawin ninyo ang kasalukuyang pinagdadalubhasaan ko: magpasimuno ng standing ovation. Simulan nyo ito sa tinatawag sa Hollywood na slow clap. Ito 'yung mga pinakamataas na uri ng pagpalakpak at pagpapakita ng paghanga sa isang matapang at makapanindig-balahibong sandali sa isang pelikula, na kalimitang inilalaan sa pagtatagumpay sa gitna ng matinding paghihirap, gaya nung nanalo si Rocky sa Russia sa Rocky IV. Pag nagawa nyo ito, papalakpak pati pwet ko. 


Thursday, October 25, 2012

Paano Ipapaliwanag Sa Iyong Anak ang Kwento ng Tangkang Pagpatay ni Abraham sa Anak Nyang si Isaac

Para sa isang llibreng field trip e dinala ko ang anak ko kagabi sa tabing-kalsada kung saan me nagbebenta ng mga domba o tupa. Paborito kasi ng anak ko si Shawn the Sheep. Naglibang-libang kami sa katitingin ng mga tupang bilang na ang mga araw.

Bukas e isasakripisyo ang mga tupang ito para sa isang Islamic feast, ang Eid al-Adha. Ang okasyong ito e ginagawa bilang pag-alaala sa pagpayag ni Ibrahim o Abraham na isakripsiyo ang kanyang anak sa isang boses na tanging sya laang ang nakakarinig. 

Syempre, hindi ko sinabi sa anak kung ano ang sasapitin ng mga paborito nyang cute na hayop. At hindi ko rin ipapaliwanag at hindi ko maisip kung pano ipapaliwanag sa isang limang taong gulang na bata ang karumal-dumal na bagay na sana e gagawin ni Abraham.

At ito ang ikukwento ko sa aking anak sakaling magtanong sya:

Noong unang panahon, merong isang lalaking namuhay at nakilala sa pangalang Abraham. Isang araw, meron syang narinig na tinig na tanging sya laang ang nakarinig. Ayon sa kwento sa isang librong kung tawagin e bibliya, ito raw e ang Dios. Sinabi nitong patayin nya raw ang anak nyang si Isaac, sunugin at ialay sa kanya.

Tandaan mong noong mga panahong iyon e madaling mauto ang mga tao noong araw at madaling mapapaniwala. Kung ngayon nga sa panahon natin e kung anu-anong kalokohan ang pinagpapaniwalaan ng mga tao sa mga broadcast na messages sa Blackberry Messenger at Facebook, ‘yun pa kayang mga taong hindi dumaan sa uri ng edukasyon at teknolohiyang tinatamasa natin sa ngayon? Sa ngayon nga meron pang naniniwalang gawa raw ng Dios ang pagpapabaha para hindi matuloy ang RH Bill.

Ah basta! Pinaniwalaan ng mga tao ito kahit na si Abraham laang ang nagsasabing nagpakita raw sa kanya ang Dios kahit wala namang ibang nakakita. Tandaan mo ring, meron akong pinsan, si Tito Oyi mo na nagsabing nakita nya raw ang Dios at mga kung sinu-sino pa sa ulap sa kalangitan. Mabait syang tao, magmano ka pag nakita mo pag umuwi tayo ng Pinas. Architect na ngayon ‘yun, pero ‘di ko alam kung pinaniniwalaan nya pa rin ang sinasabi nyang nakita raw niya noon.

Yung boses na iyon raw e ang Dios mismo, sabi sa librong tinutukoy ko kanina. Pero mas kapani-paniwalang me naririnig laang syang boses sa ulo nya. Kung sa panahon natin nangyari ito, malamang nakulong na sa mental hospital iyon. At malamang ito rin ang gagamitin ng abugadong kukunin nya sa oras na maisakatuparan niya ang pagkatay na binabalak niya sa sarli niyang dugo’t laman. Ito ang tinatawag na insanity defense.
At hayun, iginapos niya ang anak nya, hindi malinaw kung nanlaban ito o hindi, pero sigurado akong kung ikaw ‘yun e aangal ka sa paraang aangal ka sa tuwing pinapapaligo ka namin ng nanay mo sa umaga. Ngayon, nung mismong ibababa na niya ang punyal na kikitil sa napakaigsing buhay ng anak niya, meron raw sumulpot na anghel na pumigil sa kanya. Me narinig uli syang tinig na nagsasabing isang ‘test of faith’ laang ang lahat. Sa tingin ko kunsensya yun o nanumbalik ang katinuan nya.

Bilang kapalit sa iaalay na bata, meron raw ibinigay na isang ram o tupa ang Dios para iyon na laang ang isakripisyo. Pero sa ‘ting dalwa, tsambahan na laang na merong tupa sa lugar na ‘yun. Hindi naman imposibleng magkaroon ng tupa sa lugar na ‘yun. Ngayon, kung balyena ang sumulpot, medyo kataka-taka nga.

Tandaan mo ‘to: Kung totoong isang diyos ang gumawa nun bilang test of faith, isa syang kupal, anak. Baket? Anong klase ng diyos ang magsasabing patayin mo ang anak mo para ipakita ang pagmamahal at takot mo sa kanya? Bakit kailangang ipakita natin laging takot tayo sa kanya? Bakit hindi na laang pasakitin ang yagbols ni Abraham? Pag nadadale ako sa yagbols, ‘dun ko nararamdamang mahina ako, ako’y isang tao laang, aking anak, at naaalala ko na ang Dios ang mananalo, sakali mang hamunin ko sya ng one-on-one na suntukan.

Alam mo kung ano kapareho nito? Mga masters sa frat sa initiation. Sasabihin nilang tumalon ka sa tulay o kung anumang istupidong ideya. Pag ‘di mo ginawa, sasabihin sa ‘yo e hindi mahalaga ang frat sa ‘yo kaya’t ‘di ka karapat-dapat sa frat nila. Pag ginawa mo naman, sasabihin nilang gamitin mo ang kukote mo’t mag-isip.

Anyway, yan ang dahilan kung bakit karaming tupa ngayong binebenta sa kalsada.

Pahabol: Sabi nga pala ng religion teacher ko noon ang Isaac raw e ibig sabihin e joy kaya’t ang kaligayahan raw ni Abraham ang isasakripisyo nya, hindi ang literal na anak nya.



Monday, October 22, 2012

Unless You’re Jerry Seinfeld or His Guests, I Don’t Give a Fuck About You Getting Coffee

Kape? San ang phone ko't mainstagram na kagad 'to habang mainit!

Kung hindi ka si Jerry Seinfeld o bisita sa show nya, wala akong pakelam sa ‘yo at sa pagkakape mo. Walang ibang grupo ng tao na mahilig magpopost ng kanilang inumin o pagkain, kundi ‘yung mga mahilig magkape. Hindi ko sinasabing lahat ng mahilig magkape e ganito, pero kalimitan sa mga ganitong post nang post ng pagkain o inumin e ‘yung mahilig magkape.

Ano ba ang meron sa ‘mahilig kuno sa kape’ at sa kape nila’t ‘di sila mapigilang magpost ng mga pictures nila at ng kape nila na parang isang cool na bagay ang magkape? Hindi kasama rito ‘yung nag-get together kayo ng mga kaibigang matagal na hindi nyo nakikita at nag-coffee shop kayo. Kumbaga, hindi ang kape ang punto ng post ninyo, kundi ang sandali ng pagsasama ninyo na nataon lamang na meron kayong kape. Hindi ‘yun ang tinutukoy ko kundi, ‘yung mga taong akala nila e naglelevel up ang cool points nila sa tuwing makikita sila sa isang larawang me kape. 

At hindi laang ito sa Facebook actually, kungdi pati sa araw-araw na pag-uusap. Ito ‘yung mga tipo ng mga taong nakakahanap ng pagkakataong maisingit sa pag-uusap ang pagkahilig nila sa kape, kung paanong hindi sila umiinom ng instant at tanging de-tatak ng coffee shop laang ang iniinom nila, na nagbubunyi pag nalamang mahilig rin kayo sa kape, na tipong gusto nyong maglaman ng tyan e sa coffee shop magyayaya, na kesyo grumpy raw sila sa umaga ‘pag hindi pa nakakainom ng kape kaya’t hwag munang kakausapin, atbp. Para bang sila e mga misyonero ng pagpapalaganap ng kape bilang isang bagong reliyon.

Listen, I get it. Umiinom rin ako ng kape. Sa coffee shop man na me pangalan o wala, sa loob ng bahay o sa labas, brewed man o instant, mainit man o malamig, binili o libre, galing sa lamay ng patay o sa pagsasalu-salo ng mga buhay. Masarap ang kape. Sa katunayan nga, sinasabayan ko ang kanta ng Radioactive Sago Project na “Kape” at nagkakape habang tumitipa ng mga talata tungkol sa kape. Alam nating lahat na masarap ang putang ‘nang kape. Kung pupwede nga laang makipagsex sa kape. Sino ba ang hinde gusto ng kape?

Mahilig ako sa burgers, pero hindi n’yo ko makikitang nagpopost sa tuwi-tuwina ng mga iba’t ibang hamburgers na kinakain ko. Alam nyo ba kung ano pa hilig ko bukod sa kape? Sex. Pero hindi nyo ko makikitang nagpopost ng mga picture ko habang nakikipagsex ako.

Pero ano ba ang punto ng mga post nang post ng pagkakape nila? Kung wala kayong idaragdag na opinyon o mensahe kundi ang muka nyo sa tabi ng tasa ng kape, di ko makita ang punto. Alam nyo, marami rin akong larawan ng kape. Heto, isaksak nyo sa baga n’yo.

Alam nyo kung ano ang ginagawa nung ibang nagpopost ng larawan ng pagkain? Ginagawa nila iyong parang review. Nagsusulat sila ng essay kung gaanong kaganda o kapanget ng karanasan nila sa pagkain nila sa isang restawran o kahit pagkaing-kalye, lalo na kung ang pagkain e hindi kasing-karaniwan ng menudo. Sa kanilang posts, makakabuo ka ng ideya kung dapat mong pagkagastahan ang pagpunta sa mga ganitong lugar. 

Napapalayo na ko sa kape, malamang dahil sa caffeine sa utak ko kaya’t halina’t bumalik sa punto ko. 

Tatlo ang nakikita kong dahilan ng pagsasalpak ng mga ‘to ng larawan ng kape: (1) na gusto nilang ipakitang kaya nilang gumasta para sa ganoong klase ng kape, (2) na kaya nilang pumili ng masasarap na kape mula sa isang listahang sigurado ka namang masarap halos lahat at (3) ang unang sinabi kong akala nila e tumataas ang ‘cool points’ nila sa tuwing makikitaan silang me kapeng bitbit sa kanilang mga kamay.

At ito ang sagot ko sa bawat isang ‘to:
  1. Anumang kape ‘yan, anuman ang halaga nyan, meron ring kayang tumapat sa halaga nyan at bilhin ‘yan. Starbucks, J.CO, 99ers, etc. Hindi kayo laang ang natatanging kayang bumili nyan. Lumingon kayo sa kaliwa’t kanan nyo’t alam nyong sinasabi ko. Kaya’t kung akala nyo e kayo laang ang ‘nakaka-afford’ at nakakaingget ang pagkakape nyo, mag-isip-isip kayo nang konti.  
  2. Ang akto ng pagipili ng kape mula sa isang menu e hindi nagpapakitang eksperto kayo sa kape. Ang kelangan nyo laang naman e kakayahang umamoy, magbasa, tumingin sa larawan, makaalala mula karanasan kung alin ang masarap na kape at pumili ng order ng kape mula sa isang listahan. Subukan nyong magbasa ng kasaysayan ng kape sa iba’t ibang rehiyon ng mundo, magtanim, mag-ani, gumawa ng sarili nyong kape at umimbento ng sariling timpla ng kape. Sa oras na magawa nyo ‘to kikilalanin ko kayong mahuhusay sa kape at hindi ako magrereklamo sa tuwing magkakape kayo sa Facebook.
  3. Hindi kayo nagmumukang matalino dahil laang sa umiinom kayo ng kape. Ano man ang impresyon ng mga tao mula sa pinaggagawa mo nung nag-aaral kayo, sa panahong nakakusap nila kayo, sa klase ng pagtatarbaho nyo, sa personal hygiene nyo, sa mga sineng pinipilahan nyo, sa mga binibitawan nyong comments sa Facebook, sa Crocs nyo, hindi ito mababago ng kahit ilang tasa ng kape.
Uy, kuhanan mo ko ng picture kasama ang iphone at Starbucks cup ko. 
Alam nyo kung ano ang isa pang gusto kong inumin bukod sa kape? Iniinom ko rin ‘to pagkatapos magkape. Isa pang clue: ingredient rin ‘to ng misteryoso nyong kape. Tubig. Isa o dalwang basong malamig na tubig na galing sa ref at dinagdagan ng tatlo o apat na ice cubes, pinagpapawisan sa labas ng baso sa lamig, nakakangilo sa ngipin sa lamig, nakakaginhawa sa lalamunan at nakakapuno ng tyan, nagtatanggal ng basura sa katawan. Tubig.

Note: Save me your tears. Kung alam nyong mga isa-dalawang beses nyo laang ginawa ‘tong magpost ng kape, hwag na kayong magreact. Alam na ng mga pretentious sonsofbitches kung sino sila.