Friday, August 31, 2012

Spinach Syndrome


Naaalala nyo ba yung panahong binibisita kayo ng DENR o kung anumang sangay ng gobyerno ‘yun sa inyong eskwelahan? Binisita kami noon nung ako e mga grade 4 yata. Tigil ang klase namin noon noon at merong lalakeng nagsalita tungkol sa kahalagahan ng mga gulay at sustansyang makukuha nila run. Binentahan nila kami ng mga butong dapat itatanim namin sa ‘ming bakuran. Nagsibilihan kaming lahat ng mga kaklase ko. At ang binili ko syempre e walang iba kundi spinach.



Di ko alam noon kung saan ‘yun sa lyrics ng ‘Bahay Kubo’, pero ‘yun ang gulay na nagbibigay ng lakas ke Popeye. At sa mura kong isipan, iniisip kong mapapalakas ako nun. Hindi naman sa mala-cartoons na magpapalit-anyo, pero umaasa akong lalaki ang mga braso ko noon.

Ang problema e ang pagtatanim. Sinong 10 years old ang magtyatyagang magbungkal ng lupa, magsilid ng mga buto sa hukay at tabunan ito? Kung pupwede nga laang na tumubo ito sa bulsa ng bag, malamang meron na akong hardin ng spinach.

At makikita ko na laang uli ang mga binhing ito makalipas ang ilang buwan, kapag pinaghahanap ko na ang mga test papers o homework sa aking bag.

Noong 1998, nung ako e katatapos laang ng kotrata sa isang trabaho at isa nang full-grown adult, nagpunta kami ng mga kaibigan ko sa Baguio. Isa sa mga binisita naming lugar e ‘yung nagbebenta ng mga binhi. Hulaan nyo kung ano ang binili ko. Tama, spinach. Hindi na ko syempre naniniwalang magiging ala-Popeye ako noon, pero sa isip-isip ko:

“Ito na ang pagkakataon para itama ko ang hindi ko natapos na misyon noon –ang magtanim ng spinach. Wala akong trabaho at wala akong ginagawa. Nasa akin ang lahat ng oras at kayang-kaya kong tapusin ‘to sa loob ng limang minuto,” pangako ko sa sarili ko, hawak-hawak ang maliit na plastic bag ng mga buto ng spinach sa harap ng araw.

At sa awa ng dyos, ngayon e 2012 na, wala akong ideya kung saan ko napabayaan ang mga binhi. Ito rin ang dahilan kung bakit ‘di ko natapos ang ginagawa  kong pelikula (na nashoot na ang opening scene), ideya sa nobela at komiks. Kung merong ningas-cogon, ako naman e merong tinatawag na Spinach Syndrome.  Walang ningas, natutulog laang sa bulsa ng imahinasyon o nababon na lamang sa limot.   


Thursday, August 30, 2012

Isang Paggunita sa Dahilan ng Bago Kong Facebook Account


Isang taon na ang nakakaraan nung meron akong ipinost na ikinaasar at ikina-unfriend ko sa isang high school crush ko. (Naakatanggap rin ako ng private message sa isang kasamahan sa tarbaho’t tinanong ako kung ano ang reliyon ko.) Nagsimula ‘to sa isang post ng isang ‘friend’ ko sa Facebook. Dahil ayokong mag-comment doon, sa sarili kong wall ko ito isinulat. Ito ‘yung isinulat ko noon:

I'm getting sick and tired of people claiming to know what god thinks: from horoscope-like daily verses to quotes. Three of 5 posts I'm seeing are about god this and that. Here's something: why don't you people just live up to it and let your actions show what your mouths are running (or your fingers are typing)? Live up to it and you don't have to advertise how religious you are.


Sa totoo laang, ‘di ko makita kung paanong naging ‘offensive’ ‘to sa kanya o sa iba pang katulad nya.


  1. Hindi ko pinangalanan ang reliyong sinasabi ko. Maaring Islam, Kristyanismo (Katoliko,  Protestante o The Door of Faith sa Daang Amaya sa Tanza), Zoroastrianismo o Hinduismo. Para magreact ka rito e para kang nagreact na galit na galit sa tanong na “Sino’ng umutot?” na hindi naman pala ikaw.  
  2. Wala rin naman akong sinabing masama tungkol sa reliyon nila o pagkakaroon ng reliyon in general. Kahit mismong mga tagasunod ng alinmang reliyong ito e sasang-ayon sa aking mas mahalaga kung paano sila mamuhay ayon sa turo ng kanilang reliyon kesa sa mga app-delivered verses at copied-and-pasted na quotes. Sa totoo nga, dapat ikatuwa nila ang mensahe ko dahil hinihimok ko silang mag-step up at maging tunay na halimbawa ng reliyon nila. (Sa listahan ng konting nag-like, isa run ang alam kong reliyoso.)
  3. Ang dapat maasar run e ang mga ipokrito, sanctimonious, self-righteous, judgmental religious buffs na akala ko e hindi sila magrereact dahil masyado silang ipokrito, sanctimonious, self-righteous, judgmental religious buff para mapansing sila pala ang tinutukoy ko.
May sinabi ba akong sacrilegious na katumbas ng pagdodrowing ng cartoon ng isang propeta? O sabihing me anak si Hesus? O sabihing nagtitina laang ng balat nila ng asul ang mga dyos nila? Ang isang taong matino at kumikilala ng katwiran e magsasabing WALA.

Meron ba akong ini-imply bukod sa aktwal kong sinabi? Sa tingin ko e kasing-linaw ng kristal ang mensahe ko. Kung gusto nyong malaman kung sino mismo ang tinutukoy ko e ito e mga Kristyano, lalo na ‘yung mga Protestants na mas mahilig sa verses. Sila ang mas mahilig mag-quote-quote sa bibliya. 

Either ito o murder-rapists laang naman na gusto ang virginity ng dalaga mong anak.

Merong santambak akong quotes na nabasa na ikinaasar ko sa puntong gusto kong ipamuka sa kanila ang kanilang pinagsasabi. At hindi ko ginawa sa dalawang rason: (1) Dingding nila ‘yun, bisita ako, kaya’t kabastusang tirahin ko sila sa sarili nilang bahay. At ‘ika nga sa ngayon ko laang natuklasang buzzword at revised golden rule “Walang basagan ng trip”. (2) Inutil ang makipagtalo tungkol sa reliyon sa reliyoso.

Ang resulta ng pangyayaring ‘to e ang aking sariling version ng Noah’s Ark. Binaha ko ang luma kong account (actually inactive laang, binibisita ko once every three months, pero mas dramatic ang ideya ng baha) at nagligtas laang ako ng iilang friends na inimbitahan ko. Mas madali kasi kesa magbura ng friends sa luma.

Ngayon nga e isang taon na ang account ko, isang taon na rin akong hindi napepeste ng mga ‘On this day, god wants you to... shut the hell up already about claiming to know how the fuck I feel.’ Karamihan rito sa friends ko e (sa tingin ko) mga taong merong matinong pag-iisip at kontroladong sayad para maintindihan ang punto ko. Kung me naligaw man sa inyo rito e maari rin kayong tahimik na i-unfriend ako kung ikanapipikon nyo ‘to.

Comments are welcome. Hindi mababasag ang trip ko. Siguruhin nyo laang na walang mababasag sa inyo.  


Wednesday, August 8, 2012

Para sa mga Anti-RH Bill na naninisi sa mga pro dahil sa baha (dahil hindi ko na kayo iiisip pa ng magandang pamagat)

Kuntento na akong mangutya noon sa Simbahang Katoliko sa pamamagitan ng pagpopost ng videong 'Every Sperm is Sacred' ng Monty Python sa pelikula nilang 'The Meaning of Life' sa aking Facebook wall.  Mapapanood nyo ito ang clip na ito dito.  

Pero dahil nairita ako sa isang nabasa ako kung saan sinasabi ng mga anti-RH Bill na ang mga pag-ulan at pagbaha sa Metro e senyales na kontra ang dyos (nila) sa pagpasa nito, ako e nagising sa kwebang kinatitigilan ko. Tama na ang kamangmangang ito at kelangan nang patulan. At oo, gumawa pa ko ng bagong blog entry dahil sa pangyayaring 'to.

Pag-aralan natin ang mga sinasabi ng mga 'to. Umuulan at bumabaha raw ngayon dahil gustong ipakita ng dyos na kontra sya sa pagpapasa ng RH Bill, isang bill na sa kanilang paniniwala e hahadlang sa kautusan ng dyos na humayo't magpakarami. Teka, hindi kaya mensahe 'to ng dyos na dapat ipasa ang RH Bill dahil gusto nyang magbawas ng populasyon? Ibalot ninyo ang kukote nyo sa ideyang 'to, mga taong anti-RH Bill. (Paumanhin sa mga namatayan. Magkakampi tayo, hintay laang.) 


Pero, kaistupiduhan ang pag-iisip na ganito. Ang panahon (weather kung di mo alam ang Tagalog) e talagang gay-an. Di ba't me mga panahong inet na inet kayo't humihiling ng ulan? Umaaraw, umuulan, umiinet, bumabagyo. Iikut-ikot at mag-iiba 'yan. E ganito ang klima't panahon sa planetang 'to. Ano gagawen? Kung gusto nyo maghanap kayo ng ibang planeta na iba ang klima. 



Gusto ko sanang ipaliwanag sa inyo sa pamamagaitan ng agham kung pano nangyayare 'to, pero mukang hanggang sa ngayon e akala nyo e dyumidyinggel ang mga aso ni San Isidro kaya umuulan at nagbobowling si San Pedro kaya't kumukulog. Hwag na laang at sayang laang ang 'tinta' sa inyo. 

Paliwanag kung bakit merong ulan

Gusto pala ng dyos na magbigay ng mensahe tungkol sa RH Bill? Bakit 'di na laang maglabas ng higanteng kamay mula sa mga ulap ang dyos at pumirma ng kontra sa RH Bill para malinaw kung ano gusto nya (nang hindi nadadamay at namamatayan ang ibang walang kinalaman). 



Kung totoong kinasusuklaman ng dyos ang pagsasayang ng tamod e di dapat e matagal nang nagunaw ang ating daigdig dahil santambak ang 'nasasayang' sa tuwing merong nagsasariling sikap. Bibigyan ko pa ba kayo ng datos base sa isang research o tatanggapin nyo na laang ang salita ko? 

Hetong datos ko. Random search result para sa pangalang Heather sa Google: 


Ang utak e hindi pabigat sa bungo at pambalanse ng katawan, ginagamit 'yan. Gusto ko pa sana kayong paliwanagan at kumbinsihin, pero ilang siglo na ang dumaan ganyan pa rin ang pananaw nyo. 

Sabay-sabay nating kantahin: 

Every sperm is sacred 
Every sperm is good
If a sperm is wasted
God gets quite irate.

Alisin nyo na ang mga mata nyo ke Heather at baka 'magkasala' pa kayo.