Wednesday, September 12, 2012

Obscure Bible Verses #2 Nahum 2:1: Ingatan ang inyong yagbols


Matapos ang una kong post tungkol sa mga crotch-grabbing wives, hayaan nyo akong ibahagi sa inyo ang isa pang obscure bible verse na me kinalaman dito.



Tandaang malaking bahagi ng Lumang Tipan ang mga gera. Kung walang narereyp o inuutusang magsakripisyo ng kung anu-ano, merong kaaway ang mga Hudyo, mga tribung iba ang sinasambang diyos. At sa bawat digmaan, mahalaga ang taktika. Hindi pupwedeng sugud na laang nang sugod. 

At sa larangan ng mga istratehiya, sikat na sikat si Sun Tzu. Naiintindihan niya ang kahalagahan ng pang-uuto at sabi nya:
"All warfare is based on deception. Hence, when able to attack, we must seem unable; when using our forces, we must seem inactive; when we are near, we must make the enemy believe we are far away; when far away, we must make him believe we are near. Hold out baits to entice the enemy. Feign disorder, and crush him."

Naiintindihan ito ng Dios ng Lumang Tipan. Alam nya ang kahalagahan ng mga espiya sa gera. Para maprotektahan ang kanyang lupon ng tagasunod, ang mga Anak ng Israel, iniwan niya ang paala-alang ito sa pagdepensa laban sa mga espiya. Bukod run e meron pa syang bonus na paalala: ang kahalagahan ng pagpoprotekta ng mga yagbols.


Malamang isang lupon ng mga Ric Flair ang madalas makasagupa ng mga Hudyo noon kaya’t pinoprotektahan nilang masyado ang kanilang jewlels. Marurumi sigurong makipaglaban ang mga iyon kaya't laging doon ang atake. O kaya naman e mala-unano ang taas nila kaya't hanggang yagbols laang ang inaabot ng kanilang mga sibat. O baka naman mga misis ng kalaban nila ang mga mala-ahas na sumusugod at nanghahablot ng ari nila. 

Sa paanong paraan kaya niya pinag-iingat ang mga Hudyo noon? Cups? Defensive maneuver? Preemptive na pagpuputol ng kamay ng mga misis ng kalaban?

World Champ Ric Flair at ang isa sa kanyang mga sandata
Bakit kaya ginawa pang mahinang bahagi ng katawan ng lalaki ang yagbols? Ito kaya e parang 'cheat' o ‘secret strategy’, parang mga kalaban sa Punch Out,gaya ni King Hippo?  

Siguro naman e alam kung alin dito ang weak spot. 
   


Ewan ko kung bakit masyadong preoccupied ang Old Testament god sa bahaging yaon ng katawan ng tao, pero meron parang maraming syang 'sinulat' tungkol dito. 


No comments:

Post a Comment