Thursday, October 25, 2012

Paano Ipapaliwanag Sa Iyong Anak ang Kwento ng Tangkang Pagpatay ni Abraham sa Anak Nyang si Isaac

Para sa isang llibreng field trip e dinala ko ang anak ko kagabi sa tabing-kalsada kung saan me nagbebenta ng mga domba o tupa. Paborito kasi ng anak ko si Shawn the Sheep. Naglibang-libang kami sa katitingin ng mga tupang bilang na ang mga araw.

Bukas e isasakripisyo ang mga tupang ito para sa isang Islamic feast, ang Eid al-Adha. Ang okasyong ito e ginagawa bilang pag-alaala sa pagpayag ni Ibrahim o Abraham na isakripsiyo ang kanyang anak sa isang boses na tanging sya laang ang nakakarinig. 

Syempre, hindi ko sinabi sa anak kung ano ang sasapitin ng mga paborito nyang cute na hayop. At hindi ko rin ipapaliwanag at hindi ko maisip kung pano ipapaliwanag sa isang limang taong gulang na bata ang karumal-dumal na bagay na sana e gagawin ni Abraham.

At ito ang ikukwento ko sa aking anak sakaling magtanong sya:

Noong unang panahon, merong isang lalaking namuhay at nakilala sa pangalang Abraham. Isang araw, meron syang narinig na tinig na tanging sya laang ang nakarinig. Ayon sa kwento sa isang librong kung tawagin e bibliya, ito raw e ang Dios. Sinabi nitong patayin nya raw ang anak nyang si Isaac, sunugin at ialay sa kanya.

Tandaan mong noong mga panahong iyon e madaling mauto ang mga tao noong araw at madaling mapapaniwala. Kung ngayon nga sa panahon natin e kung anu-anong kalokohan ang pinagpapaniwalaan ng mga tao sa mga broadcast na messages sa Blackberry Messenger at Facebook, ‘yun pa kayang mga taong hindi dumaan sa uri ng edukasyon at teknolohiyang tinatamasa natin sa ngayon? Sa ngayon nga meron pang naniniwalang gawa raw ng Dios ang pagpapabaha para hindi matuloy ang RH Bill.

Ah basta! Pinaniwalaan ng mga tao ito kahit na si Abraham laang ang nagsasabing nagpakita raw sa kanya ang Dios kahit wala namang ibang nakakita. Tandaan mo ring, meron akong pinsan, si Tito Oyi mo na nagsabing nakita nya raw ang Dios at mga kung sinu-sino pa sa ulap sa kalangitan. Mabait syang tao, magmano ka pag nakita mo pag umuwi tayo ng Pinas. Architect na ngayon ‘yun, pero ‘di ko alam kung pinaniniwalaan nya pa rin ang sinasabi nyang nakita raw niya noon.

Yung boses na iyon raw e ang Dios mismo, sabi sa librong tinutukoy ko kanina. Pero mas kapani-paniwalang me naririnig laang syang boses sa ulo nya. Kung sa panahon natin nangyari ito, malamang nakulong na sa mental hospital iyon. At malamang ito rin ang gagamitin ng abugadong kukunin nya sa oras na maisakatuparan niya ang pagkatay na binabalak niya sa sarli niyang dugo’t laman. Ito ang tinatawag na insanity defense.
At hayun, iginapos niya ang anak nya, hindi malinaw kung nanlaban ito o hindi, pero sigurado akong kung ikaw ‘yun e aangal ka sa paraang aangal ka sa tuwing pinapapaligo ka namin ng nanay mo sa umaga. Ngayon, nung mismong ibababa na niya ang punyal na kikitil sa napakaigsing buhay ng anak niya, meron raw sumulpot na anghel na pumigil sa kanya. Me narinig uli syang tinig na nagsasabing isang ‘test of faith’ laang ang lahat. Sa tingin ko kunsensya yun o nanumbalik ang katinuan nya.

Bilang kapalit sa iaalay na bata, meron raw ibinigay na isang ram o tupa ang Dios para iyon na laang ang isakripisyo. Pero sa ‘ting dalwa, tsambahan na laang na merong tupa sa lugar na ‘yun. Hindi naman imposibleng magkaroon ng tupa sa lugar na ‘yun. Ngayon, kung balyena ang sumulpot, medyo kataka-taka nga.

Tandaan mo ‘to: Kung totoong isang diyos ang gumawa nun bilang test of faith, isa syang kupal, anak. Baket? Anong klase ng diyos ang magsasabing patayin mo ang anak mo para ipakita ang pagmamahal at takot mo sa kanya? Bakit kailangang ipakita natin laging takot tayo sa kanya? Bakit hindi na laang pasakitin ang yagbols ni Abraham? Pag nadadale ako sa yagbols, ‘dun ko nararamdamang mahina ako, ako’y isang tao laang, aking anak, at naaalala ko na ang Dios ang mananalo, sakali mang hamunin ko sya ng one-on-one na suntukan.

Alam mo kung ano kapareho nito? Mga masters sa frat sa initiation. Sasabihin nilang tumalon ka sa tulay o kung anumang istupidong ideya. Pag ‘di mo ginawa, sasabihin sa ‘yo e hindi mahalaga ang frat sa ‘yo kaya’t ‘di ka karapat-dapat sa frat nila. Pag ginawa mo naman, sasabihin nilang gamitin mo ang kukote mo’t mag-isip.

Anyway, yan ang dahilan kung bakit karaming tupa ngayong binebenta sa kalsada.

Pahabol: Sabi nga pala ng religion teacher ko noon ang Isaac raw e ibig sabihin e joy kaya’t ang kaligayahan raw ni Abraham ang isasakripisyo nya, hindi ang literal na anak nya.



Monday, October 22, 2012

Unless You’re Jerry Seinfeld or His Guests, I Don’t Give a Fuck About You Getting Coffee

Kape? San ang phone ko't mainstagram na kagad 'to habang mainit!

Kung hindi ka si Jerry Seinfeld o bisita sa show nya, wala akong pakelam sa ‘yo at sa pagkakape mo. Walang ibang grupo ng tao na mahilig magpopost ng kanilang inumin o pagkain, kundi ‘yung mga mahilig magkape. Hindi ko sinasabing lahat ng mahilig magkape e ganito, pero kalimitan sa mga ganitong post nang post ng pagkain o inumin e ‘yung mahilig magkape.

Ano ba ang meron sa ‘mahilig kuno sa kape’ at sa kape nila’t ‘di sila mapigilang magpost ng mga pictures nila at ng kape nila na parang isang cool na bagay ang magkape? Hindi kasama rito ‘yung nag-get together kayo ng mga kaibigang matagal na hindi nyo nakikita at nag-coffee shop kayo. Kumbaga, hindi ang kape ang punto ng post ninyo, kundi ang sandali ng pagsasama ninyo na nataon lamang na meron kayong kape. Hindi ‘yun ang tinutukoy ko kundi, ‘yung mga taong akala nila e naglelevel up ang cool points nila sa tuwing makikita sila sa isang larawang me kape. 

At hindi laang ito sa Facebook actually, kungdi pati sa araw-araw na pag-uusap. Ito ‘yung mga tipo ng mga taong nakakahanap ng pagkakataong maisingit sa pag-uusap ang pagkahilig nila sa kape, kung paanong hindi sila umiinom ng instant at tanging de-tatak ng coffee shop laang ang iniinom nila, na nagbubunyi pag nalamang mahilig rin kayo sa kape, na tipong gusto nyong maglaman ng tyan e sa coffee shop magyayaya, na kesyo grumpy raw sila sa umaga ‘pag hindi pa nakakainom ng kape kaya’t hwag munang kakausapin, atbp. Para bang sila e mga misyonero ng pagpapalaganap ng kape bilang isang bagong reliyon.

Listen, I get it. Umiinom rin ako ng kape. Sa coffee shop man na me pangalan o wala, sa loob ng bahay o sa labas, brewed man o instant, mainit man o malamig, binili o libre, galing sa lamay ng patay o sa pagsasalu-salo ng mga buhay. Masarap ang kape. Sa katunayan nga, sinasabayan ko ang kanta ng Radioactive Sago Project na “Kape” at nagkakape habang tumitipa ng mga talata tungkol sa kape. Alam nating lahat na masarap ang putang ‘nang kape. Kung pupwede nga laang makipagsex sa kape. Sino ba ang hinde gusto ng kape?

Mahilig ako sa burgers, pero hindi n’yo ko makikitang nagpopost sa tuwi-tuwina ng mga iba’t ibang hamburgers na kinakain ko. Alam nyo ba kung ano pa hilig ko bukod sa kape? Sex. Pero hindi nyo ko makikitang nagpopost ng mga picture ko habang nakikipagsex ako.

Pero ano ba ang punto ng mga post nang post ng pagkakape nila? Kung wala kayong idaragdag na opinyon o mensahe kundi ang muka nyo sa tabi ng tasa ng kape, di ko makita ang punto. Alam nyo, marami rin akong larawan ng kape. Heto, isaksak nyo sa baga n’yo.

Alam nyo kung ano ang ginagawa nung ibang nagpopost ng larawan ng pagkain? Ginagawa nila iyong parang review. Nagsusulat sila ng essay kung gaanong kaganda o kapanget ng karanasan nila sa pagkain nila sa isang restawran o kahit pagkaing-kalye, lalo na kung ang pagkain e hindi kasing-karaniwan ng menudo. Sa kanilang posts, makakabuo ka ng ideya kung dapat mong pagkagastahan ang pagpunta sa mga ganitong lugar. 

Napapalayo na ko sa kape, malamang dahil sa caffeine sa utak ko kaya’t halina’t bumalik sa punto ko. 

Tatlo ang nakikita kong dahilan ng pagsasalpak ng mga ‘to ng larawan ng kape: (1) na gusto nilang ipakitang kaya nilang gumasta para sa ganoong klase ng kape, (2) na kaya nilang pumili ng masasarap na kape mula sa isang listahang sigurado ka namang masarap halos lahat at (3) ang unang sinabi kong akala nila e tumataas ang ‘cool points’ nila sa tuwing makikitaan silang me kapeng bitbit sa kanilang mga kamay.

At ito ang sagot ko sa bawat isang ‘to:
  1. Anumang kape ‘yan, anuman ang halaga nyan, meron ring kayang tumapat sa halaga nyan at bilhin ‘yan. Starbucks, J.CO, 99ers, etc. Hindi kayo laang ang natatanging kayang bumili nyan. Lumingon kayo sa kaliwa’t kanan nyo’t alam nyong sinasabi ko. Kaya’t kung akala nyo e kayo laang ang ‘nakaka-afford’ at nakakaingget ang pagkakape nyo, mag-isip-isip kayo nang konti.  
  2. Ang akto ng pagipili ng kape mula sa isang menu e hindi nagpapakitang eksperto kayo sa kape. Ang kelangan nyo laang naman e kakayahang umamoy, magbasa, tumingin sa larawan, makaalala mula karanasan kung alin ang masarap na kape at pumili ng order ng kape mula sa isang listahan. Subukan nyong magbasa ng kasaysayan ng kape sa iba’t ibang rehiyon ng mundo, magtanim, mag-ani, gumawa ng sarili nyong kape at umimbento ng sariling timpla ng kape. Sa oras na magawa nyo ‘to kikilalanin ko kayong mahuhusay sa kape at hindi ako magrereklamo sa tuwing magkakape kayo sa Facebook.
  3. Hindi kayo nagmumukang matalino dahil laang sa umiinom kayo ng kape. Ano man ang impresyon ng mga tao mula sa pinaggagawa mo nung nag-aaral kayo, sa panahong nakakusap nila kayo, sa klase ng pagtatarbaho nyo, sa personal hygiene nyo, sa mga sineng pinipilahan nyo, sa mga binibitawan nyong comments sa Facebook, sa Crocs nyo, hindi ito mababago ng kahit ilang tasa ng kape.
Uy, kuhanan mo ko ng picture kasama ang iphone at Starbucks cup ko. 
Alam nyo kung ano ang isa pang gusto kong inumin bukod sa kape? Iniinom ko rin ‘to pagkatapos magkape. Isa pang clue: ingredient rin ‘to ng misteryoso nyong kape. Tubig. Isa o dalwang basong malamig na tubig na galing sa ref at dinagdagan ng tatlo o apat na ice cubes, pinagpapawisan sa labas ng baso sa lamig, nakakangilo sa ngipin sa lamig, nakakaginhawa sa lalamunan at nakakapuno ng tyan, nagtatanggal ng basura sa katawan. Tubig.

Note: Save me your tears. Kung alam nyong mga isa-dalawang beses nyo laang ginawa ‘tong magpost ng kape, hwag na kayong magreact. Alam na ng mga pretentious sonsofbitches kung sino sila. 


Friday, October 12, 2012

Obscure Bible Verses #9: Gen. 19 Lot Offers His Virgin Daughters to Rapists and Proceeds to Lay With Them in One Wild Night of Wine


Malamang e alam na ninyo ang istorya ng Sodom at Gomorrah, ang mga bayang nilipol ng Dios dahil sa kanilang kasamaan. Hanggang sa ngayon e ito pa rin ang tawag sa mga makakasalanang lugar. Sa salitang Sodom nagmula ang salitang sodomy o pang-ooros o pamumwet.
Ang pamangkin ni Abraham na si Lot e taga-Sodom. Nung parurusahan na ng Dios ang bayang yaon e nagpadala sya ng  dalawang lalaking mga anghel para balaan si Lot at ang kanyang pamilya. At maaaring natatandaan ninyo ang kwento ng asawa ni Lot na naging asin dahil sa pagsuway sa utos ng Dios na huwag lilingon sa bayan habang pinupuksa nya ang mga ‘to. 
Aba’y ilang beses ka ba nga namang makakakita ng bayang nililipol sa gayong paraan?
Ang hindi ikinukwento ng mga pastor at pari ninyo sa misa e ang bahagi ng istorya kung saan inialok ni Lot ang dalawa nyang birheng dalaga sa mga balak mangreyp sa dalwang anghel. Tama ang binasa nyo. Kumakatok sa pinto ni Lot ang mga hayok na reypist para kanain ang dalwang anghel. Sa halip na ibigay sa kanila ‘to e inialok nya ang kanyang mga birheng dalaga sa mga manyakis.
Tangkakupal na Lot ‘yun. Kesa mapahiya at masabihang ang mga bumibisita sa kanya e narereyp, inialok nya ang mga birhen nyang dalaga. At hindi run natapos ang kasaysayan nila. Mas malupet malasing si Lot kesa ke Noah. Nung ligtas na’t naninirahan na sa isang kweba si Lot at ang dalwa niyang birheng dalaga, nilasing sya ng mga ito. At nagpakana sa kanilang ama. Isa, pagkatapos nung isa. Yung mas matanda muna. Tapos sa sumunod na gabi e ‘yung pangalawa. Mababasa ang kwento sa link sa itaas, pero kung tinatamad kayong magbukas, hetong ilang sa mga berso sa Genesis 19:30-36.
30 Lot and his two daughters left Zoar and settled in the mountains, for he was afraid to stay in Zoar. He and his two daughters lived in a cave. 31 One day the older daughter said to the younger, “Our father is old, and there is no man around here to give us children—as is the custom all over the earth. 32 Let’s get our father to drink wine and then sleep with him and preserve our family linethrough our father.”
Yung 33--36 ang berso kung saan sila magkakanaang mag-aama. 
At itinuturing pa itong isang taong matuwid. Yup, sa OT, kinamumuhian nila ang mga bading. Pero ang ialok ang sariling anak na bubae sa mga reypist at kanain sila sa kalasingan (nang hindi RAW nalalaan) e ayos laang. Kungsabagay, pamangkin ‘to ni nung lalaking papatayin ang sariling anak dahil merong boses syang narinig saulo nya na nagsasabing gawin nya ‘yun.

Sa susunod na malasing kayo, pwedeng nyong gawing halimbawa sina Noah at Lot. At least kayo e sumuka laang sa sahig. 



Wednesday, October 10, 2012

The Face Book Ref #1: Ang Halu-Halo

Ang halu-halong nagsilbing mitsa para sa isang sagutang umaatikabo sa Facebook. Natanggap ko ang photo na ito sa aking wall dahil tagged ako. Nakita ni Mija Mac Hine at nag-comment sya ng 'mga hipokrito!' na sya namang ikinagalit ni Ianne Ladera Honrada at tinambakan ng sagot. Ang isyu e: May karapatan bang mag-comment ang friends of friend (na hindi mo friend) mo sa isang tagged photo? 

Ayon ke Ianne, walang karapatan si Mija dahil hindi sya friend. 

At ayon naman ke Mija e hindi dapat magreact si Ianne kung hindi sya apektado s comment. At isa pa raw e 'yung halu-halo ang tinutukoy nya. 

Ito ang mga pahayag ng judges: 

Judge #1: Pagkaiinit ng mga ulo nila. Panget ang binitiwang salita ni Mija Mac Hine at talagang nakakapikon ‘yun. Bagama’t, malupet magsalita ‘yung babae, sa kanya ako kampi. 

Judge #2: Parehong kabulastugan ang ginawa nila, pero pagdating sa isyu ng kung me karapatan bang mag-comment si Mija Mac Hine sa isang tagged photo ng kaibigan nya, masasabi kong pwede niya ‘yung gawin na walang nilalabag na batas (na sa tingin ko e sosyal). Ang lagay e ‘pag maganda ang comment o kaya ni-like e pwede, pero ‘pag pintas e hinde? Kung nag-like e 'di ba welcome laang ang comment ng friends of friend?

Judge #3: Nakakaaliw ang gaguhan nilang dalawa. Magmula nung ako e umedad (sabi ng Ref e naging pamilyado) ako e nawalan na ko ng opinyon o pakelam. Pero, nakakaaliw kaya’t wala akong boto.
Wala na kong mahatak pang judge who would give a toss sa isyung ‘to. Masama man sa kalooban kong ang unang isyu ng The Facebook Ref e tabla, ‘yun ang hatol. Tabla. Walang napatunayan kung sino ang mas tama at mas mali.

At dahil tabla ang boto 1-1-0, nakaka-disappoint man e wala akong maihahatol na panalo. Disappointing kasi 'yun na nga ang layunin nito, ang i-settle ang isang diskusyon at merong hiranginng panalo. Kaso, wala akong mahatak na judges sa unang episode. 

Ito ang aking opinyon: Pag pinuntahan ka mismo sa wall mo at dun ka pinepeste, talagang foul ‘yun, kahit sino e sasang-ayon dito. Ibang usapan naman ‘pag lumabas ka na ng pader mo. Sa oras na ang isang tao e lumabas ng wall nila at nagbigay sila ng comment o nag-tag ng photo sa kanilang mga friends, dapat e alam nilang lumalabas na sila sa kanilang privacy at safety at bago na rin ang rules.

Ang isa sa mga risks na dapat na tinatandaan ng lahat sa tuwing magtatag o magko-comment ay hindi mo kilala ang friends of friends mo (pwera na laang ‘yung mutual friends). Hindi mo alam kung anong klaseng tao ang nakalista sa friends of friends mo. Kung ako e magpapahayag ng opinyon sa isang post ng kaibigan ko, hindi ko mapipigil silang kumontra sa ‘kin kung iba ang opinyon nila. Kung nataong meron akong comment tungkol sa kung gaanong kabullshit ng pananawa nila sa isang isyu gaya ng RH Bill at nataong santambak pala ang mga kaibigang madre ng kaibigan ko at merong mag-comment kontra sa ‘kin e wala akong magagawa.

Gayun din sa isang photo. Pag nag-tag ka, at me nagtanong ng, “Sino ‘yung mukang longganisa ang ilong sa picture?” at nataong ikaw ‘yun, e wala kang magagawa. Bagama’t iyo ang larawan, ikaw ang kumuha ng litrato, iyo ang kamerang ginamit, iyo ang file, binubuksan mo na ang pinto sa mga friends of friends mo at sa publiko (kung hindi mo babaguhin ang default setting) sa oras na i-upload mo ‘yun at ilabas sa wall mo. Sa ganitong larangan e parang hindi na rin ‘to sa ‘yo at pag-aari na rin ng mga taong ti-nag mo. Bukas na ngayon ‘to sa papuri o kritisismo ng iba. Maaring magustuhan mo, maaaring hindi.  

Sa kabilang banda naman, kahit na merong lisensya ang isang taong magpahayag ng opinyon sa mga tagged photos (at by extension e comments), kailangan e iparating natin ang ating mensahe sa isang paraang mas maiiintidihan tayo at hanggang maari e hindi nakakapikon. Hindi tayo maaaring magbitaw ng mga katagang ‘mga hipokrito!’ at hindi umasa ng reaksyon. At gaya ng pinosteng pahayag, aasahan nating magiging kasing-igting nito kung hindi man mas maanghang ang katapat nito. At isang cop out para sa akin rin ang sabihing ang mga halu-halo ang tinutukoy na hipokrito, bagama't nakakatawang 'pag inisip mo e wala namang tao sa picture nga. 

Pareho kayong me katwiran at pareho ninyong pinaniniwalaang tama kayo. Malungkot man e sasabihin kong walang matinong husga ang tatlong hurado na magsasabi ng kung sino ang tumpak. Ang sa akin laang e palampasin na natin ito at sana e meron tayong sapat na nakalagak sa banko ng pagkakaibigan para malimutan ‘to. Nawa’y isang sinok laang ito sa isang mahabang pagkakaibigang hitik sa pinagsamahan.
Shit, give me The Nobel Peace Prize! 





Facebook Ref #2: Status Updates Winner


Marami-rami ring nagpahayag ng opinyon nila sa isyu nina Denver at Nelson. Ang pinakanamamayaning ay ang ideya ng walang pakialaman sa gusto o trip ng isang tao. Kung gusto nilang magpost ng mga maliliit na bagay na ganun e walang pakialam ang magbabasa nito. 

Sa isyung ito, itinatanghal na panalo si Denver ng tatlong hurado sa skor na 3-0. 

Ipinaliwanag ni Fredda (hindi judge) sa comment nya na lumabas talaga ang nahihimlay nating narcissism dahil sa Facebook. Maraming tao ang nag-iisip na mahalaga sa iba ang bawat bagay na nangyayari sa kanila o kaya ginagawa nila 'to para ireassure ang kanilang mga sariling hindi ganung kaboring ang buhay nila.

Nirepresenta naman ni A Les (hindi judge) na meron talaga't maraming nakakabuset na comments na ganito. Ika nga nya, "Who the hell cares kung san ka kumain, anong kinain mo, nasan ka ngayon?" At gaya ng karamihan ng nagbigay ng opinyon, sinabi nyang meron namang hide button. At dagdag pa ng iba, pwede ring mag-unsubscribe at mag-unfriend. Pwede rin namang hindi hwag na lang pansinin. 

Sinabi rin Htenaj na para sa kanya ang pagpopost ng maliliit na bagay na gaya nito e paraan para malaman asawa niyang nasa malayong lugar kung ano ang nangyayari sa kaniya. Pag inisip mo, yun naman talaga rin ang silbi ng Facebook, para kumunekta sa mga kaibigan mong nasa malayo. 

Nung ang feature na ito e ginawa, isinaalang-alang nila ang ideyang gusto ng mga taong malaman ang status ng isang Facebook user. Mula sa wikipedia:

Originally, the purpose of the (status update) feature was to allow users to inform their friends of their current "status", including feelings, whereabouts, or actions, where Facebook prompted the status update with "Username is"... and users filled in the rest. 

Na eventually e mababago sa 'What are you doing right now?' at sa 'What's on your mind?' sa kasalukuyan. 
  
Sa bagay na 'to, ating pakaisipin ang ilang bagay na 'to: 
  • Maari kang magpost ng kahit napaka-trivial ng mga bagay. Kahit nga yung uminom ka laang ng tubig, pwede. At ito talaga ang intensyon nung ginawa ang feature na ito. 
  • Sa kabilang banda naman e pag-isipan mo ring me mga taong naiinis sa mga ganyang klase ng posts. Ika nga, "Who the hell cares?" Gaanong kaimportante ba sa 'yo ng pag-inom mo ng tubig para ipangalandakan mo sa lahat ito?
  • At kung ikaw naman e punum-puno na sa ganito meron ka namang pwedeng gawin: hide, unsubscribe, unfriend o hwag mo na lang pansinin. 
  • Maganda ring gamitin ang Fredda Rule bago ka magclick ng share sa post mo: If it's not something I would relate to a real-life (not FB) friend if we talk on the phone, then no I will not post about it.
Hanggang sa muling kaso. Sinumang merong isyu na gustong iresolba, dalhin laang ninyo sa The Facebook Ref. 
  

Tuesday, October 9, 2012

Tribute sa Hagibis at ke Sonny Parsons (o ang Kapestehan ng K-Pop)


Habang nanonood ako ng music video ng isang K-Pop na grupo ng mga lalaki, napakamot ako ng aking kalbong ulo’t napaisip: Ano ang nangyayari sa mundong ito? Kailan pa nagsimulang maging ganitong uri ng mga lalake ang mga gusto ng kababaihan ngayon?
Kahit si Eric Quizon sasabihing bading na bading 'tong mga 'to
Sa metrosexual bullshit malamang nagsimula ito, sa fashion-fashion kung saan nagsimulang magmalaki ang mga lalaking sila e marunong nang mamlantsa, gumamit ng facial wash at hindi ang mismong sabong gamit sa katawan at magpagupit sa parlor, sa imbes na sa barberya.
Ang Ebolusyon ng Pagbagsak ng Lalake

Napag-usapan na rin laang ang plantsa. Ito ang sistema ko sa pamamlantsa nung nagboboard ako nung kolehiyo. Anumang polong gagamitin ko sa susunod na araw e iniipit ko sa gitna ng mga kutson ko (syempre hindi sumasapin o masasapinan ng bold komiks o magasin) at tutulugan sa ibabaw. Kinabukasan plantsado na. Yan ang tunay na pamamlantsa. 

Pero, nagbago ang mundo. Tayong mga balbas-sarado’t mabuhok na mga lalaking nagtanggol sa mga bubae noong panahon ng mga kweba e pinilit nilang magmukang malinis at maging Ken sa kanilang Barbie. Lumipas ang panahon at hindi na kelangan ng mga bubaeng protektahan sila mula sa mga mababangis na hayop at mga away-tribu. Dahil sa walang magawa napagbuntunan nila ng pansin at panahon ang itsura ng mga lalaki at ginawan nila ng paraan para mapino.   

Lintek na mga inggrata, ang gusto yata ngayon e ang mga tipo ng lalaking hahawak sa kamay nila sa ialalim ng buwan, hindi ang itsura ng lalaking kumakain ng k’wan.

At dahil dito, wala akong magagawa kundi manumbalik sa isang panahong ang kinalalaglagan ng mga panty ng mga bubae e ang mga tunay na lalaki, gaya ng pinakamahusay na grupo sa buong Pilipinas, kundi man buong mundo –Ang Hagibis. (Cue music: The Big Gundown ni Ennio Morricone

Hihimay-himayin natin kung gaanong ang kahit isa laang na myembro ng alamat na grupong ito e mas lalaki sa pinagkumpul-kumpol na K-Poppers.
Hagibis at ang kanilang mga bigote
Pangalan ng Banda

Hagibis. Mabilis. Matulin. Listo. Humaharurot. Bumabarurot. Ilan laang ‘yan sa mga katagang maaari mong ikabit sa pangalang Hagibis. Mabilis sa tsiks. Matulin ang pag-iisip. Listo’t hindi tutulig-tulig. Humaharurot sa pagsaklolo pag kailangan mo. Bumabarurot sa kama nang paspas at ubod nang lakas. Hagibis. Kung hindi nga laang magastos sa abugado, pinapalitan ko na ang pangalan ko sa Jerome Hagibis o Hagibis Parsons.

Porma

Mayabang na itim na leather, shades, kadena, boots at bigote. Pano ka magkakamali sa pormang ito? Ilang dekada na ang binilang magmula nang ipauso nila ang pormang ito’t hanggang ngayo’y makikita pa rin ang  ambag nito sa kultura’t fashion, mula action stars hanggang tricycle drivers. 

At di gaya ng mga K-Poppers na minamasdan ang kanilang diet base sa atas ng kanilang teams ng dieticians at gym instructors, ang mga Hagibis e panlalaki ang katawan kahit na ang diet nila e tapsilog, corned beef, pagkain sa karinderya at Ginebra San Miguel. Wala man silang six packs, e hindi problema. Ang kakulangan ng six packs e tinatabunan ng buhok mula sa diddib hanggang puson. O kaya nilalantad laang dahil nagkakaintindihan ang lahat na ganito ang tyan ng mga umiinom ng beer.
Kahit dilaw nagmumukang itim 'pag suot ng isang Hagibis
Hairstyle

Tabal na buhok na hindi pinaparlor, hindi pina-highlights. Kahit anong shampoo ang madampot sa banyo ‘yun ang gamit. Kung wala man, hindi problema. Pag bumisita sa barberya, ang sinasabi laang ‘gaya ng dati’ at naiiintindihan na ng barbero. Hindi kumukunsulta sa mga magasin para magturo ng ito ang gusto kong gupit.

Bigote. Bukod sa magandang porma’t itsura, e me silbi sa kama: pangromansa, pampaligaya. Hindi gaya ng mga hairstyle ng mga K-Pop na ninakaw nila sa ate nila.

At saka, buhok sa dibdib.

Sabihin nyo sa 'kin mga bubae, kung maglalakad kayo sa eskinita sa isang madilim na gabi, kanino kayo makakaramdam na ligtas, sa isang myembro ng Hagibis o sa isang buong grupo ng K-Pop?

Musika

Rakenrol na me halong swing. Alam ng lahat na rakenrol ang tunay na musika ng mga lalake at swing ang musikang pang-uto sa bubae para maisayaw sa dance floor at maisayaw sa kama. Rakenswing! Rakenswing -ang pinakamahusay na musika sa mundo, higit pa sa pinagsama-samang Beethoven, Slayer at Hans Zimmer. 

Lyrics

Ano ba ang kanta kungdi musikang me mensahe? Ang mensahe ng kanta ang naghihiwalay sa tunay na musika at sa ika nga e background noise. Hwag nyong sabihing hindi naantig ang damdamin ninyo nung tinanong ni Gary V kung natutulog ba ang dyos? O kaya e hindi nabuhayan ng patriotismo sa kantang “Ibon Ma’y May Layang Lumipad” at napasabi sa sariling “Oo nga ‘no, kung ibon nga me layang lumipad, tayo pa kayang mga tao, kamputa, magpalayas tayo ng diktador!”?

Ang aspetong ito e hindi pinabayaan ng Hagibis. Ang mga kanta nila e hitik sa pagpupuri, pagbibigay-pugay, pagkarinyo at pagdiriwang ng kagandahan ng bubae. Kumbaga e parang Song of Solomon. Halimbawa:
  • Legs, legs, legs mo ay nakakatunaw.
  • Ka-ta-wan, ka-ta-wan, i-nga-tan ang in-yong ka-ta-wan.
  • Ang bawat chick ay may bintana sa kanyang mga mata
  • Dito ka sa aking bisisg, ito ang kailangan mo
Kung ayaw mong tanggapin ang salita ko, subukan mong pumasok sa bahay ni Sonny Parsons nang walang paalam at sa kanya makipagtalo. Iyon e kung magagawa mo pang magsalita matapos mong tumingin sa langit at magtanong ng “Bakit?” sa nalalabi mong hininga.

Bukod sa pagiging action star nya sa mga pelikulang gaya ng ‘Masikip na ang Mundo Mo’, matapos ang kanyang Hagibis Days, e action star rin sya sa tunay na buhay. 24-7 action star si Sonny Parsons kumbaga. Pinatunayan nya ito nung me sumubok sa kanyang pagkalalaki sa mismong bahay nya.
Kung hindi pangalan ng baril e pangalan ng probinsya o kumbinasyon nito ang titulo ng mga pelikula ni Sonny Parsons
Anim na myembro ng Ayat-Bahay gang na armado ng patalim at baril ang nanloob sa kanila. Kung bakit ginising pa nila si Sonny Parsons e hindi ko alam. Anlakas ng loob nilang tutukan sya ng Magnum 357. Ang isang Sonny Parsons e mas mabagsik pag sinira mo ang tulog.  

Iginapos nila si Parsons at ang mga kasambahay niya, kasama na ang dalawang anak niyang mga bubae. Tandaang naroroon ang mga anak niya kaya’t hindi muna siya umalma’t pinagtitigok ang mga ulupong. Ayaw nyang matalamsikan ng dugo ang mga anak niya kaya’t hinayaan laang niya maigapos sya ng mga ito.

Habang nililimas ng gang ang kanyang pera’t alahas, nilinlang nya ang mga ‘to’t kinausap. “Kelangan nyo nang umalis dito’t darating na ang mga nagroronda,” sabi nya sa mga ‘to. Ang hindi alam ng mga hunghang e unti-unti na pala niyang nakakalas ang pagkakagapos nya. Nung nakakawala sya, sa imbes na telepono ang kunin at tumawag ng pulis, e ang kanyang sandata ang inuna nyang dinampot –ang 45. (See poster above)

Tumalilis ang mga magnanakaw at lumulan ng isang jeepney. Hinabol sila ng isang armadong Sonny Parsons. Pinagbabaril nya ang mga ‘to’t isa sa mga ulupong e nahagip sa ulo’t namatay nang hindi nakakapagkumpisal sa pari. Me isang tinamaan sa tyan. Sadya nya itong pinatakas para me magkwento ng kanyang kalupitan at para wala na uling magtangkang gambalain sya sa kanyang pagtulog, parang ginawa ni Kiddo sa "Kill Bill' nung pinatakas niya 'yung magandang tsik. Nadakip ang sugatan ng mga pulis sa isang ospital na naghahanap ng lason sa medicine cabinet. 
Ang sasapitin mo ke Sonny Parsons 'pag sinira mo ang tulog nya


Ang apat naman e nakatalilis na bahag ang mga buntot. Malamang nakatakas habang naghihikab sya sa antok dahil sa naantalang pagtulog. Pero sa hindi malamang kadahilanan, kundi ang kagustuhang sumikat, bumwelta yung isa noong malamang naubusan na ng bala si Parsons. Akala nya e liyamado sya sa dala nyang jungle knife. Yun ang pangalawang pagkakamali nya, ang una e ang pagpayag sa nanay nyang ipanganak sya. Ang hindi nya alam, kahit na bazooka ang armas nya e no match sya ke Mr Hagibis. Gaya ng mga pelikula ni Parsons, dinisarmahan sya nito at ginamit ang mismong punyal na ito para ipaalala sa kanyang sana e nagkondom na laang ang tatay nya noon.

Reenactment ng nagawa ng mga pulis para makatulong ke Parsons
Dumating ang mga pulis para maglinis ng umaagos na dugo’t bunduk-bundok na pulbura at para manghingi ng autograph sa dating Hagibis. Pinarangalan sya ng mga pulis matapos ang insidenteng ito at ginawaran ng ‘Certificate of Appreciation’ sa kanilang flag ceremony. Sa totoo laang e gusto laang nilang makita si Parsons at makamayan.



Kung meron mang dapat na nausong jokes, yun e hindi dapat Chuck Norris kundi Sonny Parsons. Kahit si Chuck Norris nga e nagsa-Sonny Parsons jokes sa set ng The Expendables 2. 


Monday, October 8, 2012

The Facebook Ref #2: Status Updates

Para saan nga ba ang mga posts sa Facebook? Sa tanong na "What's on your mind?" segundo iisa laang ang sagot ng mga lalake riyan tuwing tatanungin nyo sila nito sa bawat minuto -sex

Nung una ako nagkaaccount sa Facebook, e ganito ang intindi ko sa status posts. "Really, you're asking me this? Aba'y anupi? Sex!" yan ang sabi ko sa sarili ko.

Pero alam nating lahat na ang status posts e hindi ganun laang ang silbi. Kung ganito laang ang silbi nito e malamang puro mga ganito ang nasa posts ng mga lalakeng online sa loob ng isang oras:
  • Aling site kaya ang hindi blocked ng aking kompanya?
  • Ano kaya ang suot na underwear ni ________?
  • Tangna, anlaki pala ng boobs ni ________! Ngayon ko lang napansin.
  • Aba'y di ko pa nga pala napapanood 'yung dinawnlowd ko.  
At alam ninyo na ang ideya. Pero sa Facebook na ito, sari-saring bagay ang ipino-post ng mga tao, mga berso ng bibliya, ninakaw na quotes, mga tungkol sa sinusundan nilang basketball, tungkol sa mga karelasyon nila, mga nangyayari sa eskwelahan ng anak nila, at iba pang mga bagay na passionate ang mga tao. 

Pero ano naman ang pananaw ninyo sa sa isang taong nagpopost ng bawat maliliit na detalye sa buhay nila, mula sa kung ano ang kinakain nila, pinapanood nila hanggang sa estado ng pagiging busog na nila. 

Actually, mas marami pang likes 'tong post ng isang kumakain kesa sa blog entries ko.

Ayon sa isang Nelson, ang mga posts na ganito e walang saysay sa mga taong bumabasa nito. At para sa kanya e hindi na raw sya magpopost ng mga walang kabuluhang posts na gaya nito. At ang iniwan niyang post ay 'Time is gold.'

Sa post na ito e me nagreact na kaibigan nyang si Denver. Sinabi nyang ang mga posts na yun e hindi para sa kaligayahan ng ibang mga mata. Wala raw pakelam ang iba kung me nagpopost ng mga pagkain nila, bagay na binili nila, atbp. Hindi raw saklaw ng nagbabasa nito kung ano ang nasa isip ng nagpopost ng ganito. Tinanong rin ni Denver na baka yung taong pinariringgan niya ang walang kwenta o baka naman naiinggit laang. 

Pero kelangan ba nating malaman ang bawat malilit na bagay na ganito? Hindi ba nakakapeste rin bilang mambabasa na makakita ng mga ganitong detalye? Ako mismo e nagbukas ng bagong account para makaalpas sa mga basurang nakikita ko sa luma kong account. Meron ring akong nilulutong post tungkol sa isang bagay na medyo kahawig nito (Ipopost ko within the week or next). 

Sa isang banda, wala ka rin namang mahita sa isang friend na hindi nagpopost. Hindi mo alam ang nangyayari sa kanila dahil wala silang ibinabahagi sa inyo, kulungkutan, kasayahan o trivial man. 

Heto ang original post ng iringan: 


Kaya't ang tanong: Wala nga bang kwenta ang mga status updates na ganito (anong kinakain mo, anong pinapanood mo, at mga kauri nito) para ipaskel pa sa Facebook? 

Bukas ang linya para sa inyong opinyon. At gaya ng naunang episode ng Facebook Ref, ang magwawagi sa bagay na 'to e ilalagay sa The Facebook Ref billboard. 



Monday, October 1, 2012

Obscure Bible Verses #8: Santambak na Xerex Verses Part 2

(Updated: 21 March 2014)  


Siguruhing meron kayong librong pantago ng erection. Hwag naman yung bibliya mismo at sinusumpaan iyan ng mga nagtetestify sa korte.  Ang Song of Solomon, isang libro sa Old Testament, e ang Xerex ng kumbento. Mahahati ninyo sa dalawa ang uri nga mga nilalaman nito: (1) and bolahan ng mag-asawa at (2) paglalarawan ng sex.

Unahin natin ang mga berso ng ligawan ng mag-asawa: 

  • Your teeth are like a flock of sheep just shorn,
        coming up from the washing.
    Each has its twin;
        not one of them is alone. (4:2) Even numbered na ngipin ang standard sa ngipin noon. 
  • You are[b] a garden fountain,
        a well of flowing water
        streaming down from Lebanon. (4:15) Squirter? 
  • His arms are rods of gold
        set with topaz.
    His body is like polished ivory
        decorated with lapis lazuli. (5:14) Kamacho talaga ni Solomon e.

At ang mismong akto ng pagniniig, gaya ng money shot sa Song of Solomon 4:11 dito sa ibaba. 



Sa Song of Solomon e inilarawan ang ideya ng money shot. Kung hindi ninyo ang term na ito e dalawa laang ang dahilan: (1) ipokrito kang nagpapanggap na hindi ka nanonood ng porno o (2) hindi ka nakakatapos ng pinapanood mong porno para hindi makita ang eksenang ganito.

At narito ang isang bersong naglalarawan ng ginagawa ng mga bubaeng nangungulila sa kanilang mga asawa. Ito ang pinagpapasahang berso ng mga madre sa kumbento. 



Ilan pa sa mga piling bersong naglalarawan ng sex: 

  • “Open to me, my sister, my darling,
        my dove, my flawless one.
    My head is drenched with dew,
        my hair with the dampness of the night.” (5:2) I assure you, hindi ito mala-Game of Thrones na incest. 
  • I have taken off my robe—
        must I put it on again? 
    I have washed my feet—
        must I soil them again? (5:3) Ihi laang ang pahinga? Sa paa ipinuputok? 
  • If only you were to me like a brother,
        who was nursed at my mother’s breasts!
    Then, if I found you outside,
        I would kiss you,
        and no one would despise me. (8:1)

So there. Office-safe porn. Pagdugtung-dugtungin nyo na laang ang mga berso at gaya noong araw, bago naging talamak ang internet porn, gamitin ninyo ang imahinasyon ninyo. At ang maganda nito pag papasok kayo ng banyo, hindi nyo na kelangang itago't isiksik ang bibliya ninyo sa garter ng shorts ninyo, pwede nyong bitbitin nang dire-diretso.