Wednesday, December 19, 2012

Bakit kinahihiya ko ang gustong mangyari ng isang Dean's Lister na congresswoman

I heard you got yourself banned in the Philippines for mocking their national idol and god-like icon Manny Pacquiao on your tweets...
Isang malaking kahihiyan para sa akin 'pag ang ganyang senaryo e nangyari. Lilinawin kong hindi ako fan ng putangnangto, pero pagdating sa usaping ito, hindi ako makakasang-ayon sa gustong mangyari ng isang Carol Jayne Lopez, konggresista ng party list na YACAP, sa panukala niyang ideklarang persona non grata si Beebs. Kung siya ang masusunod, gusto niyang ipagbawal ang pagtuntong ng mga umiindak na paa ni Beebs sa alinman sa 7107 na isla ng Pinas. 
Sa kanan: "Honorable" Carol Jayne B. Lopez
Ano ba ang persona non grata? Ayon sa wikipedia, Persona non grata (Latin plural: personae non gratae), literally meaning "an unwelcome person", is a legal term used in diplomacy that indicates a proscription against a person entering the country. It is the most serious form of censure which one country can apply to foreign diplomats, who are otherwise protected by diplomatic immunity from arrest and other normal kinds of prosecution.

Ito ang gusto nyang mangyari. Sinu-sino ba ang napersona non grata na? Tingnan nyo sa hindi kumpletong listahang ito na kinuha ko sa wikipedia. Isama ninyo na riyan si Beeber:
  • Syrian Ambassador Lamia Shakkour was declared persona non grata the French government declared on May 29, 2012, in response to the May 25, 2012 Houla massacre in Syrria.
  • Kurt Waldheim former Secretary-General of the United Nations and President of Austria, and his wife were given persona non grata status in the U.S. and other countries when he was accused of having known about Nazi War Crimes and not having done anything about them.
  • Justin Beiber, Canadian pop tweensation, was declared persona non grata by the Philippine government for posting photographs on his twitter deemed hurtful by Filipinos. 
Yup, bagay na isama si Beebs sa mga me kinalaman sa isang massacre at Nazi war crimes ang isang taong nagtweet ng ilang 'nakakapikong' pictures at comments. 

Sinulatan ko si Carol Jayne at pinamuka ko sa kanya ang kanyang gustong mangyari. Sinabihan kong naiiintidihan ko ang pakiramdam niya bilang isang fan at ang pagkapikon nya sa pangyayari, pero para gamitin niya ang kanyang pagiging kongresista para bumawi e isang pambabraso.
Pwede namang ganito ang ganti nya ke Beebs. Itweet nya rin ito.
Excerpt mula sa aking mahaba-habang sulat:

Para magpanukala ka ng ganito, isang bagay laang ang malinaw sa isang taong nag-iisip at hindi nagpapauto: lumilikha ka laang ng ingay para mapansin ka. Hindi ko alam ang agenda mo, pero ang matutukan ng midya minsan e sapat nang agenda sa kultura natin ngayong kinikilala ka laang ng mga botante kapag nakikita ka sa telebisyon o YouTube.

Unang reaksyon e "Putang katanga naman ng taong ito". Pero nung sinuri ko ang profile nya, nalaman kong Dean's Lister ito bilang isang Pol Sci major sa isang pamantasang hindi naman patakbuhin. Hindi tanga ang taong ito. Hindi ito naiboto dahil sya e isang artista at anak ng Senador na artista rin. Hindi mo sya mapapanood sa MMFF. Dean's Lister 'to kaya't alam niya ang ginagawa niya. Produkto ng isang magandang pamantasan. Ang kanyang thesis nyang "Sustainable Urban Development in the Popular Democracy Ideology" e hinirang na da best na thesis sa kanyang batch. Hindi ito nagpagawa laang ng thesis sa Recto. 

Iyon ang peligroso, ang isang matalinong taong magpapanggap na tanga para makauto ng mga lipon ng tanga. At ito, bukod sa kahihiyan ko para sa lahi ko, ang pinagpuputok ng butse ko.    

Winakasan ko ang sulat ko ng ganito: Maraming salamat sa iyong pakikinig. Maari mo akong sagutin at iwasto kung sa tingin mo e mali ang aking sinasabi.
Binigyan ko sya ng dalawang linggo para iwasto niya ako sa aking mga sinasabi't tanong. HIndi pa sya sumasagot hanggang ngayon, 19 December 2012. Meron pa syang hanggang 27 December 2012 pra sumagot. Pag hindi, itinuturing at idinedeklara kong tama ako sa ipiangmumutarga ko.


Note: Kababasa ko lang nito: http://www.theatlanticwire.com/entertainment/2012/12/philippines-wants-ban-justin-bieber/59948/


Tuesday, December 11, 2012

Pikon ba tayong mga Pinoy?


Aba’t totoo pala yung balitang tinitira raw ni Justine Beaver si Pacquiao sa kanyang mga tweets. Mga biro lang naman, pero maraming Pinoy ang naaasar. Bago ko sabihin ang pakiramdam ko sa bagay na ito, gusto kong malaman ninyong hindi ako fan o Beleaver o kung anuman ang tawag ninyo sa mga lupon ng 10-14 year old girls na sumasamba sa kanya.

Ito ang mga tweets nya, mga amateurish na photoshop ng pictures ni Manny, na umani ng poot ng isang bansa. Reaction ko, “Meh.” Yun lang? Nagpapakita laang ito na bukod sa nakakairita nyang mga kanta, e wala ring kwenta ang sense of humor niya. Siguro me matatawa run sa leaning na photo nya, pero sa totoo laang ‘di ko makuha yung mensahe nung leyong nanggigising sa kanya. Di na pinapatulan ‘yun. Pero, syempre ‘pag talo, mainit ang ulo mo kaya’t alam ko kung bakit ganito na laang ang pagkaasar ng maraming Pinoy.

Alam ko ring napakanotorious natin bilang isang lahi sa pagiging pikon ‘pag ginagamit tayo sa mga biruan, gaya nung pagkakataong ininsulto raw tayo nung isang Korean singer, sa comment ni Claire Danes sa karumihan sa Pilipinas noong 90s, joke ni Alec Baldwin sa Filipina bridesmaid sa Letterman, yung Filipino doctors sa Desperate Housewives, sa Lucy Liu remark na magmumuka raw syang Pinay, atbp. samantalang napakabulag natin sa sarili nating racism sa mga kung tawagin natin e Bumbay, Intsek o sa mas malala e Tsekwa at negro, egoy o egot. Pati si Buddha na sa tingin ng iba e alkansya laang e ginamit na patawa sa isang ‘sitcom’ (o sa pamantayan noon ng isang sitcom) na Aalug-alog.

Hindi ito isyu ng racism, pero ‘pag nakakakita ako ng ganitong sitwasyon e hindi mawala sa isip ko ang tanong na “Pikon ba tayong mga Pinoy?” Alam kong malakas tayong mang-asar. Pumunta kayo sa isang comedy bar na merong nagpeperform na mga bading na komedyanteng singer rin (I refuse to acknowledge it as stand up comedy) at makikita nyo ang ibig kong sabihin. Tawang-tawa ang karamihan sa mga pumupunta roon at handang-handang gumasta ng pinaghirapang sweldo para makakita ng mga kapwa kostumer na iniinsulto sa kanilang timbang, pananamit, itsura ng muka, probinsya atbp.

Bago ka tumalon at makisawsaw sa pagkapoot ke Beeber, tanungin mo ang sarili mo: “Hindi kaya pikon laang ako?” Ginawa rin ito ke Hatton dati ang boksingerong itinumba ni Pacquiao. Nagalit ka ba nang ganito? Hindi mo ba nakitang ibinigay rin ni Hatton ang lahat gaya ni Manny, pero kinapos at lumagapak? Asan ang respeto mo ke Hatton? Asan ang respeto mo sa isang atleta? Ang respeto mo ba sa isang manlalaro e kumikilala laang sa kalahi’t kabandila? Umalma ka rin ba? E kung gayon, hwag ka nang sumubaybay sa sports at tumayo ka na laang nang tuwid sa flag ceremony. 

Hindi ko sinasabing karma ni Pacquiao ito dahil ganun ang ginawa niya sa kalaban niya. Hindi ko rin sinasabing mali ang magalit sa pang-aasar na ito. E yun na nga ang punto ni Beeber, ang mangantyaw, papaapekto ka? E papatulan pa ba ang isang ganitong klaseng fan na walang class? Kungsabagay, ayos lang magcomment sa tweet nya bilang ganti. 

Ang sinasabi ko e dapat irespeto ang isang manlalaro o atleta, lalo na sa panahon ng pagkagapi. Sinasabi ko rin laang na merong mga plastik na sinasabing irespeto si Manny, samantalang sila mismo e nakiloko sa pagtimbuwal ni Hatton noon. 
"Sino ba yung kupal na halimaw na matabang mayabang na iyon?" tanong ni Mrs Hatton. 
E itong sinabi ni Justine tungkol sa hindi na raw deserving na labanan ni Mayweather si Pacquiao?

Ano sa tingin mo? Kung ikaw si Mayweather at ganoon ang konteksto ng dahilan ng hindi ninyo paghaharap dati, walang gustong pumayag sa termino ng isa’t isa, pagdating sa pera’t drug testing, pagbibigyan mo pa ba ang isang boksingerong dalawang beses nang natalo sa mga huling laban niya? Isa sa isang hindi gaanong kilalang Bradley at isa sa mga pinataob mo dating Marquez. Ano ang mahihita mo sa labang iyon?

Masakit lang tanggapin at lalong mas masakit tanggapin mula sa isang mukang patong teenager na kumanta ng “Beybi-beybi ow” at mukang lalamya-lamya, pero meron syang punto. Kahit anong bagay, kailangan mong timbangin ang ‘risk’ sa ‘gain’ e. Malaki ang nakataya ke Mayweather at maliit laang ang kanyang aanihin. Ano nga naman ang patutunayan nya sa pagtalo sa isang Pacquiao na naolats sa isang ‘di-kilalang Bradley at bumuwal isang 39 year-old na Mexicano? Hindi na ito ang Pacquiao na katumbas (o higit pa, kaya nga gusto nating magsagupa sila’t nang magkaalaman) ni Mayweather. Sa puntong ito ba, bukod sa mga Pinoy, meron pa bang pagdududa? 

Masakit ang katotohanan, pero ganun talaga. Hindi na mangyayari ang Pacquiao-Mayweather. Hindi na yun kakagatin ni Mayweather (na merong mga paratang na namimili ng madadaling kalaban). Mula sa isang kababayan ninyo, na isa ring fan, alam kong hindi na ‘to mangyayari. Lumagpak na sa listahan ng priorities ni Mayweather si Pacquiao at kailangan niyang akyatin iyon muli kung gusto niyang makasagupa si Mayweather, parang Punch Out lang.
At least sa isang King Hippo agad siya, hindi na sya babalik pa ke Glass Joe.
At kung seryoso syang seryosohin uli ng mundo bilang boksingero, tanggalin na nya ang kanyang paghohost at pagsulput-sulpot sa TV at shobis, pag-aaksaya ng panahon sa pag-aaral ng bibliya (na ayon ke Dionisia e pinagkakapuyatan niya), at tanggalin niya ang mga alipores nya at bawiin ang kanyang 'Eye of the Tiger'. Pwede bang me magpahiram ng Betamax ng Rocky III ke Pacquiao? Kahit hwag na ang pangongonggreso at wala namang gaanong ginagawa ang isang konggresman.     
You became civilized!
Kung maiinis ka man ke Justine Beeber, e maraming bagay na kaiinisan, mula sa buhok niya, musika niyang nakakairita at sa ideyang sumisikat ang gantong klase singers samantalang ang mga bandang gaya ng Intermidya e hindi mo man laang mahanapan ng album. Kung pwede nga laang bigyan ni Manny ng isa ang putang nang batang ‘yun e. 
Hwag nyong sabihing 'di nyo gustong sapukin ang mukang 'yan


Thursday, December 6, 2012

Mamatay kayo sa ingget!


Just woke up from an afternoon nap. There’s no other way to perk me up, but with a sachet of 3-in-1 Indocafe Coffee Mix delicately poured in a transparent Boneeto promotional glass of boiling water, painstakingly stirred in a counter-clockwise motion. I take out my handy and trusted red Snowman V-5 0.7 tipped ballpoint pen to write down my workout for the day on a sheet of 70 Gms ISO-certified E Multi-Purpose Paper.

My 3210 Nokia beeps a special tone for me. It’an SMS from a friend. He wants to meet up with me for a game of pickup basketball at their half court sa kanto. I check the Indomaret Convenience Store promotional calendar on my wall to see if I have marked an appointment somewhere. I’m free so I send him a reply on my Unlimited Texts Plan.

I check my mass-produced coffee mix and find that it has gone too cold for my refined taste. Not to worry though! I open my two-door, five-foot Astor Refrigerator and take six ice cubes and pop them into my now cold coffee. I get one Fresh International Drinking Straw and sip the rich taste of my newly-transformed-into-iced-coffee coffee. I finish the glass. I see some residue left on the bottom of the glass. Carefully measured to its coffee mix-water ratio, the residue can still be enjoyed by a connoisseur like me. I add a trickle of hot water into the glass and stir it to perfection. Now it is a teaspoonful treat of Indocafe which is still consistent to its texture, aroma and blend. Indocafe, good to the last drop!

I then dine with a bowl of Indomie Mie Goreng with a dash of chili pepper paste to carbo-load me up for my workout in my backyard. I consume it while watching an Indonesian-dubbed Mexican prime-time drama series on my 15-inch Toshiba black and white TV. After partaking at such a royal dinner, I get up and head to my backyard to do my supercharged workout using my personally-crafted barbell constructed from recycled Boneeto tin cans filled with gravel and Tiga Roda cement. I take a sip of water cooled and stored in a recycled Gatorade bottle to rehydrate me from the sweat I have lost.

Kung sa puntong ito e hindi nyo pa nararamdaman ang nagmumutargang panunuya ng entry kong ito, hayaan nyong ipaliwanag ko ang ibig kong sabihin. Ilan sa mga kaibigan ninyo ang display nang display ng kung ano man ang meron sila sa kanilang Facebook? Gadgets. Brands. Pagkain. Kahit ano. Akala mong mga endorser sila ng produktong kanilang binibili.

Kalimitan naman e mga taong nag-eenjoy ng kanilang mga sarili ang nagpopost ng ganito. Tipong, “Uy, sarap nitong hamburger sa ________! Lintek, maa-unhinge ang panga mo sa kapal nito!” o “Lumabas na sa wakas ang hinihintay kong Illustrated Xerex!” Minsan ginagawa nila ito dahil alam nilang me mga kaibigan silang gusto rin ito, tipong binabahagi nila ang kaligayahan nila. Wala akong problema sa mga taong ito. Yan yung tinatawag e trip. Kahit sino maiintindihan ito. 

Meron rin namang kinaiinisan ng marami, 'yung tipong mararamdaman ninyong ang pakay e magdisplay ng gamit. Ayokong gamitin ang salitang mang-ingget dahil hindi ako tatablan ng ingget sa mga materyal na bagay at ayokong magkamali silang naiingget ako kaya ko sinulat 'to. Sorry, pero hinde. Siguro, maingget sa kahusayan ng iba, oo. Sana kasinglupet ako ni _________ magdrowing! 

Gusto mong malaman kung alin ka sa dalawang ito? Get your very own black Snowman V-5 0.7 tipped ballpoint pen and take this test. Pag kukuhanan mo ng litrato ang gamit mo at ipopost ito sa Facebook e:
  • dahil masaya ka laang at gusto mong makihalo sa kaligayahan mo ang mga kaibigan mong kapwa mahilig dito? (A) Yes (B) No.
  • dahil gusto mo talaga ang bagay na ito at hindi relevant ang presyo nito. Kung sakaling branded ito e alam mong sulit naman at hindi iyong presyo ng produkto ang punto ng post mo. (A) Yes (B) No.  
  • iniisip mo bang, “Kamputa big time ang dating ko rito ‘pag nakita nila ‘to! At mamatay kayong lahat sa ingget”? (A) No (B) Yes.
  • sinisiguro mong walang matatakpang logo ng brand ng mga pinamili mong gamit sa mga shopping bags habang nagpo-pose ka sa harap ng mall na pinamilhan mo nito? (A) No (B) Yes.
  • sinasalansan mo ba ang mga gamit mo na parang Impressionist na still life bago iinstagram ang kukunan mo ng litrato? Yun bang tipong: “my new lip stick”, tapos sa background e yung bag ng camera mo, kahon ng i-phone mo, resibo ng kinainang ninyong restawran, tablet o kung anumang gadget mo, etc. (A) No, aba’y hinde! (B) Kakahiya mang aminin, pero yes.
Kung ang sagot mo sa mga tanong na ito e tumataginting na (B) lahat, ikaw ang sinasabi ko. Oo, ikaw nga. Ikaw. 
Kung wala rito ang paborito mong produkto, pasensya na'y ito laang ang na-google ko
      
You know what? Brands don’t impress people. Or at least yung mga taong may saysay at nilalaman. Ang mga tipo ng nai-impress sa mga ganyang bagay e ang mga hagom o/at mahina ang kukote. Sila yung mga tipong: “P’re nakita mo ba ‘yung i-phone ni ______? Lupet, p’re! Merong ganito-ganyan.”

Kahit ano pang damit o gamit ang ikulapol mo sa katawan mo, hindi nun mababago kung sino ka. Kung isa kang butangera, butangera ka pa rin. Kung isa kang kupal, kupal ka pa rin. Kung banban ka sa tarbaho o pag-aaral, banban ka pa rin sa tarbaho o pag-aaral. Ang pinagkaiba laang e meron kang nabibili o naarbor na gamit/ damit/ pagkain. Kumbaga kung unggoy ka noon, unggoy na nakabihis ka na ngayon. 

Kung nakasalalay ang kaligayahan nyo sa ideyang meron kayo ng isang bagay, pero ang mga kaibigan nyo e wala at ito ang kinasisiya nyo, kailangan nyong ire-evaluate ang buhay nyo. Kung ‘in comparison to’ sa iba ang ideya nyo ng kaligayahan, limitado itong ganitong uri ng kaligayahan dahil siguradong merong mas mayaman sa inyo sa grupo ng mga kaibigan mo.
At least ganyan ang tunog nyo kung hindi man ganyan itsura nyo

Sa totoo laang, pinagtatawanan laang kayo ng iba ninyong kaibigang mas marami o mas mamahalin ang mga gamit sa inyo. Ito ang sinasabi nila nang lihim ‘pag sila-sila na laang ang nag-uusap, “Ano ba naman ‘yung si _________, pinopost pa ‘yung gamit nyang ganun, akala mong ngayon laang nakahawak ng ______.  Tingnan mo, ipinost pang nagcheck in sila sa _________ na akala mong ngayon laang nakatuntong ng isang ___________.” Yan yung mga tipong karaniwan na sa kanila ng mga ganung bagay na hindi na nila pinangangalandakan ang bawat bagay na nabibili nila, lugar na napupuntahan nila, pagkaing nakakain nila.

Gusto mong makita sarili mo? Imagine-in mo ang itsura mo na para kang nanonood ng pelikula kung saan ang bida (ikaw) e nagsasalansan ng mga logo ng bawat binibili mong bagay at makikita mo kung gaanong kalungkot ng buhay mo. "Yan, kita lahat ng logo ng pinamili ko!" Hindi isang malaking product placement ang buhay mo.

Spare yourselves the embarrassment and spare us the misery of having to put up with every post of your every purchase. Tantanan ninyong sarili nyo’t pinagtatawanan laang kayo nang lihim ng nakararami.   

Click nyo laang ang ilang related posts:
The Facebook Ref #2: Sa pagpopost ng bawat maliliit na bagay at 
Pagkakape