Wednesday, August 14, 2013

The Gospel According to the Infidel Jerome #5: Mga ginintuang aral mula sa mga pastor at pari


No. Your pastors and priests can spin doctor shit into gold, not God. Ang mga pastor at pari ninyo ang magaling umisip ng mga konsolasyong masasabi sa panahon ng problema at sakuna. Sila ang me maiisip na magandang masabi sa mga nasasalanta ng bagyo, atake ng terorista, pamamaril sa sinehan at kung anu-ano pang hindi kaaya-aya. Mga pambatong linya:
  • God is testing your faith.
  • God is making you stronger by making you go through this moment of hardship.
  • God has better plans for you.
  • God is teaching you a lesson on humility.
  • God wants you to be closer to Him.   
Subukan ninyong sabihin iyan sa mga naanakan ng sarili nilang ama. Kung sabagay, ayos naman sa bibliya nung sinipingan ng Righteous na si Lot ang mga anak niya sa kanyang pagkalasing sa kweba.

Pagdating sa saloobin at mensahe ng Dios, ang takbuhan nyo e ang mga pastor at pari. Mga pastor at paring pagkahuhusay mag-imbento ng sasabihin sa sermon at aral.
 
On a smaller scale, hayaan ninyong bigyan ko kayo ng anekdota. Iintroduce ko sa inyo ang aking kaibigang guro na isang Irish Pastor na kilala ng iba sa aking Facebook bilang ang kalaro ko sa basketball na nagpauso ng isang uri ng foul na kung tawagin e un-Christianlike foul. Tawagin na laang natin syang Roy.

Noong isang  field trip, pumunta kami at ang aming mga estudyante sa isang farm na nagbebenta ng kuneho. Ang raket e pwedeng hulihin ng mga bata ang mga kunehong nasa isang saradong lugar na kasing-laki ng isang classroom sa public school. Ang mahuhuling kuneho ng mga bata e pwede nilang bilhin at iuwi.  

Sa karamihan ng nahuli, nabili't inuwing mga kuneho, ilan ang  nagpakita ng panghihina sa loob ng bus at merong isang kuneho ang namatay bago pa sumapit ng eskwelahan. Natural na ikinalungkot at ikinahambal ng isang batang edad na walo ang pagkakita sa pagkamatay ng kuneho niya. Sa awa ng misis ko e ibingay niya ang kunehong sana e ipapasalubong namin sa aming anak. Maluwag naman rin sa kalooban ko iyon kahit na nanghihinayang akong ang anak ko ang mawawalan sa pagkakataong yaon. 

Fast forward ng ilang minuto, merong isang batang ibinigay sa amin ang kuneho niya dahil hindi sya pinayagan ng mga magulang niyang magkupkop ng mabalahibong alaga sa bahay.

“See how God works?” sabi sa 'min ni Roy. “You gave up one and now you are given one in return. God blessed you with another because of your kindness.” 

Makalipas ang dalawang araw, patay ang kuneho. Nasan roon ang “See how God works?” Ano ang naging silbi ng pangyayaring yaon? 
Siguro, kung hindi parang namimili ng manokl sa palengke ang pisil ng anak ko e baka buhay pa ang kuneho naming is Meep Meep.
At ano ang paliwanag ni Roy sa pangyayaring iyon na kung saan kami e biniyayaan ng kuneho bilang kapalit ng ipinakita naming kabutihan? Dahil hindi naman trahedya ang lahat at isang hindi mahalagang maliit na hayop laang namang ang pinag-uusapan, wala siyang nabanggit na bersong makapagbigay ng konsolasyon sa aking anak. Ang tanging nasabi niya laang e, "The thing is... They're selling them too young. The chances of them surviving is very slim. That's why I told my daughter to pick a big one and not the tiny cute ones."

Kumambyo ang pastor sa agham. Agham ang dahilan kung bakit namatay ang kuneho. Agham rin ang basehan niya sa pagpili ng kuneho. Asan na ang kahit anong piliin ng anak niya at bahala na si God sa pagpapalaki nito? Aba'y akala ko ba e biyaya ng Dios 'yung kunehong iyon? Bakit hindi nabuhay iyon hanggang sa panahong magkainteres sa ibang paglilibangan ang anak ko, gaya ng porno? Dalawang araw? Salamat po, Dios. Sana dinala ko na laang sa zoo anak ko para walang naging attachment.

At dahil hindi ako pastor, ginamit ko ang pagkakataong ito para magkasilbi, sa isang makatotohanang aral. Nilagyan ko ng silbi ang pagkamatay ng kuneho. Ginamit ko ito para magkaroon ng konsepto ng kamatayan ang aking anak.

“Namatay na si Meep Meep. Nabagsak mo kasi nang ilang ulit. Talagang ganun, anak.  Ang katawan e merong hangganan, nasasaktan, nagkakasakit at namamatay. Namamatay ang lahat,” paliwanag ko habang inillibing ko ang namatay naming kuneho. Saka ko na laang rin ipapaliwanag sa kanyang ganyan rin ang kahihinatnan namin pagdating na panahon - sa ilalim ng lupa, hindi sa DDA, ang probation room o mga ulap. Wakas.



At isa pang note sa pagsusulat: Dapat e hindi iyon VICTIM into a VICTORY, 'Victim into a victor’ para parehong patungkol sa tao.  


Wednesday, August 7, 2013

Himutok ng isang mister na napahugas ng pinggan

Fuck you, dishwashing liquid ads!

Sa susunod na makakita ako ng taong  masayang naghuhugas ng plato sa isang patalastas, tutuntunin ko kung nasan sya at uurakan ng isang kutsilyong merong bula. Hindi ko malaan kung saan hinuhugot ng mga taong ito ang kanilang enthusiasm sa paghuhugas ng pinggan. Akala mong nakapagkawang-gawa sila sa pagtatapos nilang maghugas ng pinggan.

Hindi naman sa madalas akong makapanood ng komersyal ng dishwashing liquid dahil hindi ako nanonood ng mga soap opera. O kaya ng mga palabas sa tv na merong komersyal. Kung meron mang komersyal ang pinapanood kong palabas sa TV, iyon e condom o kaya e pampakintab ng katana.



Bakasyon ang maid namin ngayon. Dalawang linggo rin ito dahil ang panahong ito ng Ramadan e parang kanilang Pasko at umuuwi sila sa kani-kanlang probinsya. Kelan laang e ako ang naghugas ng pinggang kinainan namin. At kung tinatanong nyo ako kung bakit ako ang naghugas ng plato at hindi ang misis ko, hindi kita tatawaging sexist dahil kahit bibliya mismo e pinagsasalok ng tubig sa balon ang mga bubae. Si Hesus nga mismo kung utusan ang nanay niya roon sa kasal Cana e inam. 


*Actually, di nya pala inutusan ang nanay nya, pero pabalang ang sagot niya nung sinabi nitong ubos na ang wine. Pwede rin akong sumagot sa misis ko nang pabalang kung gayun ang punto ng bersong ito.

Naghugas ako ng pinggan dahil merong sinunod na resiping Bumbay na tinapay ang misis ko sa YouTube at nagluto. At masarap.


Hindi racist ang joke kung kakain ka ng pagkain nila. At oo, giniling na Pinoy laang yung nasa ibabaw ng roti prata.
Kung ako ang tatanungin nyo, mas gugustuhin kong ako na laang ang magluto kesa maghugas ng kinainan. Mas merong saya at pakiramdam ng tagumpay ang makapagluto kesa maghugas ng plato. Kaya’t santambak ang cooking shows, samantalang ni isa e wala pa akong narinig na dishwashing show.

Is Sam using a Korean pot washing technique? It looks like...
At bakit hindi na laang ako ang nagluto sa imbes na maghugas ng plato kesa nagmumutarga nang ganito? Kung tutuusin pipwede kong pag-aralan ito, lalo na’t meron akong mga kaibigang marunong at magaling magluto. Nung sumubok akong magluto noong binata pa ako, napansin kong ke tagal na gawain pala nito, pero ang pagkain at pag-ubos nito e sandali laang. Mas gusto kong mas matagal ang appreciation kesa actual preparation. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako nag-aral magluto nang seryosohan. At tutal, meron na akong asawa, sino pa ang kelangan kong mapabilib for sex?  

Naaalala ko iyong panahong sinasabi sa akin ng aking nanay na dapat e matuto ako ng mga gawain sa bahay dahil darating ang araw na kelangan kong tumuntong sa sarili kong mga paa at kelangan ko rin itong gawin. Mommy, kung pinalaki mo akong merong maid, sa tingin ko e alam mo nang natutunan ko na ang kasagutan sa kung sino ang maghuhugas ng kakainan ko. Lalo na’t pinag-aral mo ako at pinagtapos ng kolehiyo at binigyan ng pagkakataong makakuha ng trabahong makapagbibigay sa akin ng sapat na salaping kumuha rin ng maid, gaya ng ginawa nyo noong ako e bata pa. 

At heto nga, meron kaming maid. Yun nga laang e off sya ng dalawang linggo. Meron kaming nakuhang sub, kaso hindi pa pwede nung gabing ako e naghugas ng pinggan. At dahil dito, naharap ako sa sitwasyon: Ano ang gagawin sa mga paglutuan at kakainan ngayong gabi? 

Ang mga lalaki e mga logical na tao. Ang tingin namin sa mga sitwasyon e mga problemang kelangang solusyunan. Maraming paraan para solusyunan ito nang hindi nababasa at nabubulaan ang aming kamay. Kung sinasabi mo e mag-asawa, dyan ka nagkakamali. Natatakasan mo ang nanay mo, pero ang misis e hinde.

Sex? Pag-iisipan ko muna. Depende sa hugas mo.
Sa tingin mo ba e maghuhugas ako ng pinggan kung binata pa ako? Mga misis laang naman ang ayaw sa ideyang kumain ng pizza mula sa kahon, bumili ng paper plates, bumili ng siopao sa naglalako sa kalsada, bumili ng liver spread at ipalaman sa tinapay o kaya e makiisa sa mga Muslim sa kanilang pagfafasting sa loob ng dalawang linggo.

At marami silang paraan para mapaghugas ka ng pinggan. Pipili pa sila ng pinakamagandang oras para maghuhugas, gaya ng isang UFC main event at sisirain ang mood mo sa panonood dahil magmumuka kang tamad at walang pakelam kung 'nahihirapan' asawa mo. Bagama't totoong tamad at wala kang pakelam kung 'nahihirapan' asawa mo, ayaw mong maipamuka nila ito sa iyo.

Sa panahong sinusulat ko ito e dumating na ang aming sub na maid na malapit lang sa main ang bahay, pero mag-o-off rin kinabukasan dahil 'Pasko' na nila. Tingnan ko kung mapipilit ko misis ko ang misis kong magfasting.




Saturday, August 3, 2013

Foodography 101: 5 Bagay na Dapat Nyong Malaman sa Pagkuha ng Litrato ng Pagkain Ninyo


Sa mga Facebook 'friends' nyo, hindi maaring mawalan ng mga taong magpopost ng mga kung anu-anong pagkain nila. Hindi ang mga food bloggers ang tinutukoy ko, kundi yung mga taong kumukuha ng larawan ng pagkain nila, ia-upload saFacebook. Bilang 'friend' na makakakita nito e mapapakamot ka ng ulo para intindihin kung ano ang saysay nito. "Bakit sya naglagay ng picture ng tinola?" 

Hindi gaya ng mga food bloggers na naglalayong magreview ng pagkain para malaan mo kung saan magandang kumain o magdala ng date, ang mga foodographers na ito naglalagay laang ng pics ng mga pagkain para sa mga misteryosong dahilang hindi ko pa rin maintindihan. 

At ngayon ko laang natuklasan ang lahat at hayaan nyong ibahagi ko sa inyo. Kasalukuyan tayong nag-eevolve bilang human species. Nag-eevolve ang ating digestive system, gaya ng nasa larawan:  



Kaya pala malimit hindi ako matunawan ng pagkain dahil hindi ko nasusunod nang tama ang proseso ng digestion. At kung kayo e katulad ko rin at gusto nyong sundan ang tamang paraan ng pagkain, makatutulong na sundin nyo ang mga alituntuning ito.

O kung kayo e natutunawan at ang gusto nyo laang e ang makiuso at ngayon ka laang nakadampot ng camera at naka-online, hayaan mong gabayan ko kayo sa mga dapat nyong tandaan bago magpost.

1. Dapat e sarili ninyong pagkain ang ipopost ninyo.

Hindi maiiintindihan ng mga FB-tizens ang isang post ng picture ng pagkain kung hindi ito sa iyo. Hindi pipwedeng litrato ito ng katabi mong ang inorder e iyong mga mahal na pagkain sa menu. Kung ang inorder mo e isang tasa ng mainit na tubig lang para sa iyong Maggi Bouillon Cubes gaya sa isang 80s na patalastas, iyon dapat ang kunan mo ng litrato, hindi ang nasa kabilang mesa.

Kasama na rin rito ang mga nakadisplay na pagkain sa istante, larawan sa internet at larawan ng larawan mismo ng pagkain sa menu. Dapat ang kunan mo e ang mismong ilalaman mo sa sikmura mo.

2. Ang mga pinopost na pics ng pagkain ay dapat bago.

Kung napapatawad ng mga FB-tizens ang mga late post kung meron nakahashtag na late post (o #latepost o #sorrylatepost), ang isang lumang post ng picture ng pagkain e frowned upon. (Pwera na laang kung ang intensyon mo e isang #ThrowbackThursday.) Mapagbibigyan ka nila sa iyong post ng isang bagong luto mong pagkain, ng kakainin mo sa isang restawran o handaan, kung ito e bago mo kainin, pero pagtataasan nila ng kilay ang isang post ng pic ng isang pagkaing tatlong linggo na ang lumipas. Masyado pang maaga para isali ito sa #ThrowbackThursday. Para ka laang nagpapahili pag ganun, pero kapag bagong post, naiiintindihan nilang ‘Uy, kakain ng masarap si Jerboy!’

Ang aking tanghalian

3. Dapat e gandahan ninyo ang presentasyon ng inyong mga larawan.

Dahil nagpopost kayo ng pagkain, dapat gandahan ninyo ang kuha ninyo. Makukuha ito sa anggulo, tamang paggamit ng liwanag at konting retoke, gaya ng Instagram (hindi instant gram, ika nga ng isang matanda kong kaibigan). Maraming mga libreng app para mapagmuka mong pagkain ang mga basurang isinasaksak nyo sa katawan ninyo. Gamitan ng iba't ibang filter para gumanda itsura. Kahit isang pritong itlog, ‘pag kinunan nang mahusay e magmumukang galing otel.

Gaya ng tao, meron ring photogenic na pagkain at merong panget kuhanan ng litrato. Ika nga ng katoto kong si Acton De Ocampo, hindi photogenic ang kare-kare kung wala sa palayok kaya’t hinay-hinay laang sa zoom kung ayaw nyong mapagkamalang naghahanap kayo ng pinakamalapit na branch ng Malabanan.

Buti na laang merong gulay na sahog ang kare-kare, kundi magmumuka itong huling step sa digestion.


4. Ang pagta-tag ng picture ng isang pagkain sa mga taong hindi kasama sa inyong lakad e maaaring makalikha nghidwaan.

Naenjoy nyo ba masyado ang pagkain nyo? Sobra ba kayong enjoy na sa tingin nyo e pati ang mga hindi kasama sa lakad e dapat tina-tag para ibahagi ang inyong kaligayahan? Minsan, maaring iba ang dating nito sa ita-tag ninyo. Baka mapagkamalang nang-iinggit laang kayo.

5. Nagmumuka kayong engot sa tuwing kukuha kayo ng litrato gamit ang mga i-Pad nyo, pero sulit naman.

Ito ang itsura ng mga kumukuha ng picture gamit ang i-Pad.

Hindi pa ako nakakakita ng taong hindi nagmumukang ulaga sa tuwing magkukuha ng litrato gamit ang mahiwagang salamin, este, i-Pad, lalo na’t mga pagkain ang kukunan. Sa hugis at laki pa laang ng i-Pad e alam nyo nang isinaksak laang ang feature na camera kahit alangan dahil ayaw nilang mapag-iwanan ang kanilang gadget. Sigurado akong nung iniimbento ng Apple ang i-Pad, hindi nila gustong isama ang camera dahil napahirap gamitin nito sa paglilitrato. Nasubukan nyo na bang magkuha ng litrato gamit ang i-Pad? Pero kahit ganito ang kanilang paniniwala, isinama nila ito dahil gusto nilang ipagmalaking lahat e kayang gawin ng isang Apple at alam nilang kahit anong kalokohan, basta’t lalagyan nila ng Apple logo e tatangkilin ng mga Apple users. Syempre, damay na rin dito ang iba pang mala-i-Pad na produktong kamuka nito ang hugis at laki.


At ganito naman ang itsura ninyo pag nang-a-i-Pad kayo ng pagkain nyo.
At nagmumuka rin kayong ulaga pag inilabas nyo ang mamahalin nyong camera na merong malulupet na lens. Alam nyo itsura nyo sa tuwing kukuha kayo ng litrato gamit ang mga fancy-schmancy ninyong cameras? Para kayong taga-press na nag-aabang ng paglabas ng mga sikat na artista sa isang red carpet event, pero sa imbes na taga-press, kayo e kayo; sa imbes na artista, e pagkain; at sa imbes na red carpet event, kayo e nasa isang sulok ng restawran na malapit sa banyo dahil hindi kayo nakapagreserba ng mesa. Ang problema pa sa paggamit ng mamahalin nyong camera e hindi nyo agad ma-upload ang pics nyo at baka ma-late post kayo nang hindi sinasadya.
"C'mon, work with me, baby. Give me fierce."

1 lke = isang sapok sa muka ng kupal na ito.
Good news foodographers! Merong inimbentong camerang kinabitan ng internet para mai-unleash, este, upload sa FB ang inyong foodography!

Para sa mga atat mag-upload at hindi na makakahintay umuwi ng bahay at maglipat ng files.

Pero, tandaang sulit naman ang lahat pagkatapos. Ang produko ng inyong larawan ay panghabambuhay nang maiiwan sa inyong FB para makita ng madla dahil meron kaming pakialam kung ano ang kinakain nyo. Now, you're ready to click and chow!

Related posts: 





Thursday, June 13, 2013

Parkerin nyo muka nyo!

Ayokong magtunog inggrato sa mga taong nagreregalo sa akin, pero gusto ko laang ipaalam sa mga nagbabalak na magbigay sa akin uli, na hindi ako impressed sa Parker pens. At ano ba mapapala mo sa isang Parker? May napapansin ba kayong pagkakaiba sa tinta nito at ng isang karaniwang ballpen? Pag ba ikinahig mo ang Parker mo at isang karaniwang ballpen, mape-Pepsi Challenge mo ba ang pinagkaiba? Kung meron man, kailangan mo ng isang chemist na magpapaliwanag sa iyo ng pinagkaiba ng chemical structure ng dalawang tinta. Tapos, patalo pa ang texture ng bakal nito dahil ito e madulas at mahirap hawakan.

Maraming produktong pag yung mas mahal ang binili mo e pihadong mas maganda, gaya ng camera, damit, sapatos, pagkain o cell phone. Karaniwan mas maganda, pero hindi sa isang ball pen. Kungsabagay meron nga palang Crocs na crock full of shit na mahal na e panget pa. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sumikat noon itong footwear na hindi mo malaman kung maigsing bota, tsinelas na pambanyo o rejected na costume idea sa isang straight-to-DVD sci-fi B-movie.  

Ang Beats naman bagama't mahal e makikita mong mas angat ang quality nito sa isang karaniwang headphones, kahit na nung tinesting ko e disappointment laang ang naramdaman ko. All hype laang. Akala ko kasi ang tunog e akala mong bababa mula sa langit ang mga anghel para bigyan ka ng isang malupet ng lap dance at BJ, e hindi rin pala.

Ano bang teknolohiya ang gamit ng Parker at kailangang mas mahal ito nang ganito? Bakit ba merong ganitong produkto? Para saan? Hulaan ko: Para iyong mga mayaman e magfeeling mayaman pag meron sila nito. Gusto nilang maramdamang meron silang mas mamahalin pang ballpen kumpara sa Kilometrico at Bic.

Sa susunod na me magreregalo sa akin ng Parker, pag-isipan muna ang halaga nito. Malamang makakabili ka ng ilang kahon ng karaniwang ballpen sa halagang gagastahin mo sa Parker. Kung tama itong nasa price list ng nasa internet na ang Parker Pen na iniregalo sa akin e 36 USD, nagkakahalaga pala ito ng mga P 1500 o Rp 355000, sapat para ibili ako ng mga 300 na karaniwang ballpen.  

Kung ganitong karami ang ibibili mo para sa akin, mas makatutulong ka. Madalas akong mawalan ng ballpen at walang dudang mawawala rin sa akin itong Parker na ito, gaya ng ibang Parker na natanggap ko na sa iba't ibang okasyong pinagdaanan ko. Pero kung mga tatlong daang ballpen ibibigay mo sa akin, pwede ko itong ipaglalagay sa bawat sulok at kanto ng bahay, opisina, sa loob ng bag at bulsa. Sa tuwing kelangan ko ng ballpen, hindi na ako maghahanap o manghiram dahil kahit saan ko iunat ang mga braso ko meron akong makakapang ballpen: sa ilalim at ibabaw ng silya, sa ilalim at ibabaw ng mesa, sa lagayan ng sapatos, sa magkabilang tenga, sa lababo, atbp. Yun ang mas impressive, hindi ang presyo at tatak. 


Thursday, June 6, 2013

Obscure Bible Verses # 11: Judges 19:24: Levite gives away his concubine to gangbangers to save his own ass

Outrageous kung sa lalaking bisita, kung sa bubae e ano, okay?

Kung mabibigyan ako ng isang byahe sa Super Book, pipiliin ko ang berso sa pagitan ng Deuteronomy at Judges dahil napakadaling makapagpalipas ng init nung mga panahong iyon. Sa kwento ni Lot, inialay niya ang dalwa niyang birheng anak sa mga grupo ng lalaking gustong kanain ang mga bisitang anghel na lalaki. Yup, ipapareyp ng matuwid na si Lot ang sariliniyang mga dalaga.
Ang time machine sa isang adik na panahon.
Lumalabas na sa Judges 19, e hindi laang sa lugar at panahon ni Lot ito nagaganap. Standard hospitality na ang kumatok sa mga pinto at hilinging maikama ang mga bisita ng kapitbahay ninyo. Sa kwentong ito, isang Levite ang iniwanan ng kanyang concubine o ikalawang asawa at umuwi sa ama nito. Sinuyo ng Levite ito mula sa ama nya. Makalipas ang ilang araw na lagi laang siyang pinapakain, nililibang at pinatutulog sa gabi ng kanyang byenan, napagpasyahan ng Levite na umalis na, kasama ang kanyang alalay at ang concubine, kesehodang abutin sila ng dilim. At dilim nga ang kanilang inabot sa isang lupaing kung tawagin e Gibeah.

Dahil madaling pumayag sa paanyaya ng isang kamuka ni Santa Claus.

Merong nakakita sa kanilang isang matandang lalaki habang nagpapahinga sila sa liwasan. Pinatuloy sila nito, pinakain, pinakain pati ang mga bisiro nila at hinugasan na rin sila ng mga paa. 

Habang sila e nagpapahinga, merong grupo ng mga lalaking nangabog ng pinto at nang-aarbor na makana ang Levite. Lilinawin ko: iyong Levite e lalaki. Lalaki ang target nila. Mukang ganoon ang gawain ng mga tao noon sa mga dayuhang nagpapalipas ng gabi. Sa Sodom, ganun ang gustong gawin ng mga angel-rapist sa istorya ni Lot. At sa Gibeah naman e target nila ang Levite. Na sinagot ng matandang lalaki ng, “Bisita ko ang lalaking ito. Isang malaking kahihiyan ito. Hetong anak kong dalaga at ang ikalawang asawa ng bisita ko. Gawin ninyo kung ano ang inyong marapatin sa kanila, hwag laang ninyong gambalain ang aking bisita.” Ewan ko, dahil mas mahalaga sa kanila ang hospitality kesa ang puri ng sarili nilang anak na bubae.

“Aba’y ano na laang sasabihin sa akin ng mga tao ‘pag hinayaan kong matumbungan ang bawat lalaking magpapalipas ng gabi sa bahay ko?”
Ngayon, kung ikaw e papalaring mapadpad sa panahon at lugar na ito pag nakita mo ang Super Book, wala ka nang aalalahanin pa sa pagpapalipasan mo ng init. Ang gagawin mo laang e magpanggap na gusto mong reypin ang bisitang lalaki ng iyong kapitbahay at presto, iaalay na niya sa iyo ang kanyang dalagang anak. 

Sa isang banda naman, hwag ka nga laang magpapalipas ng gabi sa ibang bayan at baka ikaw naman ang maoros. Pwera na laang kung iyon talaga ang intensyon mo.

Teka, ano ang ending ba kamo? Aba’y da best na ending, bibliya ‘to, hindi ka madi-disappoint. Dahil ayaw makinig ng mga gustong mangreyp sa mungkahi ng matandang lalaki, binaltak ng Levite ang kanyang ikalawang asawa at isinadlak sa kandungan ng mga lalaking hayok. At ginangbang ng mga hayok sa laman ang bubae. Sa puntong ito e mapapatanong ka rin gaya ko ng “Akala ko ba e lalaki ang hanap nila?” Malamang e nagtiis na laang silang kanain ang isang bubae,  sa halip na umasang magpapaoros sa kanila yung Levite at mabigo. 

O kaya naman e naisip na nilang modus operandi ang ideyang naiisip ko pa laang at talagang iyung bubae ang target ng kanilang libog.


At ano kinahinatnan ng bubae matapos magang-rape? Nadedo laang naman. Umaga na nung pinagbuksan sya ng pinto ng Levite. Nung niyayaya na syang umuwi nito at hindi sya sumagot e isinakay sya nito sa bisiro at iniuwi, gaya nung unang plano. 



Dahil hindi pa uso ang pulis noon, pagdating nila sa kanilang bayan, hinati-hati niya ang kanyang concubine (na matatandaang dinayo pa niya sa bahay ng ama nito) sa labindalwang piraso at pinaglalagak sa iba’t ibang lugar sa Israel. Uulitin ko: Hinati-hait niya ang bangkay nung bubae, mala-karne sa tindahan ng mga Sosa at mala-Mafia ikinalat niya ito sa iba't ibang dako sa Israel. Na magiging mitsa para sa isang madugong digmaan sa Gibeah. 

Dahil mas madaling pira-pirasuhin ang pinagang-bang mong concubine para ma-fire up mo ang damdamin ng mga kababayan mong gumanti kesa gumawa ng motivational war speech. 
Bakit wala pang pelikula ito? 


Monday, April 22, 2013

Sinong gustong bumili ng boto kong 'for sale' sa darating na eleksyon?


Ang dokumentong pinag-aksayahan pa nila ng panahong ipadala sa akin
Dumating na ang dokumento ko para sa aking absentee voting. Nung umuwi ako noong Hunyo nug isang taon, kasama sa proseso sa POEA ang pagrerehistro para sa absentee voting. Optional yata ‘yun, pero gusto kong nakarehistro ako para malinaw na hindi ako boboto sa oras na hindi ako bumoto, kahit na meron akong karapata't kakayahang bumoto.

Pero nagbago ang isip ko. Sa halalang ito, ibinebenta ko ang aking balota. Tumpak, pinagbibili ko ang aking boto. Inuulit ko, for sale po ang boto ko. Tutal, hindi rin naman talaga ako boboto, pakinabangan ko na laang. Pero hayaan nyong linawin ko kung ano ibig sabihin ko ng ‘for sale’ ang boto ko. Ayoko ng perang manggagaling mula sa bulsa ng isang pulitiko dahil babawiin nya ito sa oras na sya e umupo.

Kung gayon, kanino ko ito ibinebenta? 

Sa mga fan ng isang partikular na  pulitiko. Sinuman sa inyong hindi officially connected sa isang pulitiko at hindi paid henchman ng isang partido e maaaring ‘bilhin’ ang boto ko. Kung ganoong kalaki ang paniniwala o simpatya nyo sa inyong kandidato, maliit na bagay laang ang kapalit ng isa ring botong pwedeng bilangin para magwagi ang manok ninyo. Pwede kong ibenta sa inyo ang aking boto kung talagang sampalataya kayo sa kandidato nyo, pero ayoko ng cash. Sa halip na atik e 10 gigs ng videos nina Heather Vahn, Veronica Rodriguez at Kleio Velentien ang hinihiling ko. Pwede nyong ipadala sa akin ang USB na merong 16 G capacity.   

Bakit ko ipinagpapalit sa porn ang aking boto?

1. Ang bilang ng boto ko e isa (1) laang. Ang bilang ng boto ng mga tambay na lasenggo sa kanto, mga ngumunguya nang nakabuka ang bunganga, mga taong nagsasabing ayaw nila o mahina sila sa Math, mga mamimiling itinuturing na tunay na sapatos ang Crocs, mga nanonood at natutuwa sa mga noon-time shows ni Willie Revillame e tig-iisa rin laang. Hindi ko ipagkakatiwala sa karamihan ang pagpili - gaya ng botohan - ng kung anong pelikula ang panonoorin ko, ang mga pulitiko pa kayang mamamahala sa gobyerno ko? Majority (o plurality) wins ang esensya ng demokrasya, ‘di ba?

Demokrasyahin mo muka mo. Ang mga mal-informed, misinformed, clueless, ulaga at utu-uto e kapareho laang ng timbang ng boto ang boto ko. Ikaw, payag ka ba sa ideyang kapareho laang ng mga banong ito ang boto mo? Hindi ako rocket scientist o isang political analyst, pero masasabi kong mas matino ang mapipili ko kumpara sa isang bungal na umaaligid sa mga nangangampanya para sa isang libreng cheese pimiento sandwich at namimitig na ang binti sa ulanan sa kahihintay sa bisitang artista ng mga pulitiko.

At ito ang pinagpuputok ng butse ng ko. Santambak ang mga hunghang sa Pilipinas. Lumingon ka sa kaliwa’t kanan mo at makikita mong mas marami sa kanila ang hindi mo man laang tatanungin kung anong oras na't baka mali pa ang relo o hindi marunong magbasa ng hindi digital na relo. Mas lalaki pa ang bilang ng mga ulaga’t bano sa sandaling tumapak ka sa labas ng opisina mo’t naglakad sa kalsada. Ilan sa mga makikita mong estranghero ang nakikitaan mo ng muka ng isang taong sa tingin mo e makakapili ng matinong pinuno ng bansa? 


Kapareho laang nila ang timbang ng isang boto mo.
2. Isang malaking komedya laang naman ang eleksyon. Sa mga pulitikong iyan, ilan ang masasabi mong alam mong matino, merong utak at puso para sa pagsisilbi? Puno ang upuan ng trapo. Ilang kanta, tula, at pader na ang pinuno ng hinaing ng mga tao sa pagkayamot sa mga pulitikong ito. Sila-sila rin. Iyon pa ring mga pangalang iyon. Ang angkan ng mayor ng mga lolo mo ang siya pa ring magiging mayor ng magiging apo mo. At hindi mapipigilan ng iisang boto mo at ng iilang boto ng mga katulad mo ang makinarya at impluwensya ng isang brand name dahil mas marami ang mga tungaw sa bansang ito.   

Sino sa mga kilala ninyong senador o konggresista ang sa tingin ninyo e umaakto nang ayon sa dikta ng kanyang konsensya o kaalaman, sa halip na sundin ang kagustuhan ng karamihan, kagustuhan ng media, kagustuhan ng Simbahan? Sa oras na me makita, iboto mo na agad. 

Tapos, meron pang mga pulitikong gaya nitong isang Carol Jayne Lopez na naging kongresista through the backdoor (yup, sa pamamagitan party list) na puro pag-aaksya ng oras laang ang pinagkakaabalahan, gaya ng pagpapa-ban sa isang 19 year old celeb na nagpost ng mga ‘nakakainsultong’ larawan ng nakalugmok na Manny Pacquiao sa ring. Dean’s lister na ito ha. Mula sa isang matino’t merong kasaysayang unibersidad. Pano na yung mga hindi pa qualified? Mga ganitong uri ng mga pulitiko ang ibinubunga ng ating boto. 

Tapos, sinu-sino ba ang mga kandidato natin ngayon sa Senado? 
  • Isang pinuno ng konggregasyon ng isang reliyong naniniwalang ikagugunaw ng Pilipinas ang pagpapalegal ng same-sex marriage sa Pinas. Isang taong naniniwalang maso-Sodom at Gomorrah ang Pinas 'pag hinayaan nating makasal ang dalawang taong magkapareho ng kasarian.
  • Anak ng isang Alamat ng Pinilakang Tabing na paulit-ulit na binabanggit na tatay niya ang yumaong ama
  • Isang dating sundalong hindi makapagdeliver ng matinong speech nang live nung kinubkob nya ang isang hotel at ngayon e nakapiit (pa rin ba?)
  • Mga balimbing, gaya nung isang may paid hack na nagfeature sa love life niya nung Pebrero
  • Isang hindi ko kilalang kandidato, pero hindi ko mapagkatiwalaan dahil kaapelyido ng mob boss sa Batman
  • Mga anak ng mga pulitiko na ang tanging kwalipikasyon e pagtataglay ng apelyido ng kanilang mga magulang at ilang mga hindi mo kilala
"Sabi ng Good Book, huwag gayahin 'yung nangyari sa Sodom and Gomorrah dahil darating ang paggunaw sa isang bansa 'pag 'yun ay ginawa"
3. Mas malaking komedya ang Party List kumpara sa kandidato. Ayon sa wikipedia:
Under-represented sectoral groups such as labor, peasant, urban poor, indigenous cultural communities, women, youth, and such other sectors as may be provided by law, except the religious sector, are encouraged to participate in the party-list election.   
Sabi e under-represented raw na grupo. Pero mapapansin ninyong puro labor unions ang namumutawi sa mga ito, gaya ng mga jeepney drivers at operators na ang pangunahing kagustuhan sa buhay e magkaron ng kontrol sa pagpapataas ng pasahe at kung anu-anong grupong binuo laang para makaupo nang palihim ang mga merong pangarap na maging konggresista, pero hindi kakayanin ng sariling brand name ng kanyang apelyido.  Ilan sa mga ito ang tunay na under-represented o mula sa indigenous cultural communities? 

At ang mga putang inang pangala’t acronyms:
  • A Teacher (Advocacy for Teacher Empowerment Through Action, Cooperation, and Harmony Towards Educational Reforms) -Pinilit talagang isingit ang ‘harmony’ para mabuo ang acronym ng Inggles ng guro. 
  • AMA (Aagapay sa Matatanda) -Paano na ang ina? Ang ama laang ang responsable sa pag-agapay ng matatanda?
  • Aasenso (Ating Agapay Sentrong Samahan ng mga Obrero Inc) -Ano bang trabaho ng obrero? Mukang aasenso tayo talaga sa tarbahong ito.
  • Ading (Advance Community Development in New Generation) -Uunahan ko sila sa pangalang Better Advance Community Development in New Generation dahil mas may recall ang Bading kesa Ading at para makalinlang ako ng ilang boto mula sa lesbians and gays community.
  • BH (Bagong Henerasyon) -Tang ina nyo, BH. Sa inyo na ang bagong henerasyon nyo ng katangahan sa musika, TV, fashion, etc. 
  • Ama (Ang Mata'y Alagaan) Hindi nga? Party list ‘to? Samahan ng mga optalmologist o mga malalabo ang mata? Ano ang una nilang panukala, pauupuin ang mga me malalabong sa harap ng sinehan?  
  • Ako (Ako Ayoko sa Bawal na Droga) -Ano ba 'yun, tinamad nang gumawa ng acronym. At kailangan pa nati ng grupong aayaw sa bawal na droga dahil walang ginagawa ang gobyerno para puksain ito? 
  • Adam (Adhikain ng mga Dakilang Anak Maharlika) -Grupo ng mga prinsipe? Anak ng mga datu o raha? Grupo ng mga chauvinists? Wala rin akong ideya kung ano ito. 
Hindi nga, mga under-represented ang mga ito? Mga taong ayaw sa bawal na gamot? At ang bagong henerasyon? Anong hinaing ng mga hayup na ito? Darating ang oras nyo, BH, hintay laang. At mga malalabo ang mga mata? 

Note to self: Sa susunod na halalan e magpaprehistro ako ng ilang party lists. Mamatay na ang umagaw sa akin ng mga pangalang ito:
  • Parausa’t Upahang Tsiks Association (PUTA)
  • Ugnayan ng mga Trabahador at Empleyadong Nagkakaisa (UTEN)
  • Kabataang Umaaksyon sa Paglinang ng Adhikain ng Lipunan (KUPAL)
  • Inuutusan, Naglilingkod na mga Dakilang Atsay at Yaya (INDAY)   
  • Karapatan sa mga Silyang Pangkaliwete (KSP) -Dahil naniniwala akong dapat merong mga armchairs sa classrooms na kaliwang kamay ang gamit kapag nagsusulat. Hindi ba’t marginalised at under-represented ang mga ito dahil puro pangkanan laang ang mga armchairs sa mga classrooms? At oo, kulang sila sa pansin (KSP) sa sense na nalilimutan sila lagi ng mga school admin.         

Kalokohan ang ideya ng eleksyon, kalokohan ang mga kandidato at isang mas malaking kalokohan ang party list system. Dahil sa isang malinaw na pag-aaksaya laang ito ng aking oras (at sa eleksyon sa taong ito e pati selyo) e ipagpapalit ko sa murang halaga ng oras ng pagdadownload ng mga paborito kong artista at USB ang aking boto. Kung walang bibili, isusulat ko na laang uli ang mga pangalan ng mga lagi kong  ibinoboto: Teddy Boy Tapik, Digo (kung buhay pa ‘yung lasenggong iyon) at Nardong Bayawak.



Ang pakiramdam ko sa buong eleksyong ito.



Thursday, April 4, 2013

The Gospel According to the Infidel Jerome #4: God Chain Posts Vol. 2


May nakita akong bagong version nitong isang binusisi kong post na merong mga anghel. Hindi ko alam kung tinanggal nila ang anghel sa bagong version na ito bilang reaksyon sa post ko nung nakaraan. Natauhan kaya sila sa kahangalan ng sinulat nila kaya’t tinanggal nila ang anghel?

Sa nauna kong post, ang hinimay ko laang ang e ang isyu ng anghel at iniwan ang tungkol sa sasabihin ko rito. Sa pagkakataong ito, ibabaling ko ang atensyon ko sa Dios o sa ideya ng Dios ng sumulat nito sa pag-asang makita ang kaululan ng ideyang ito.

Ako laang ba ang nakakapansing sa mga ganitong posts e nagmumukang insecure at KSP ang Dios?
Dahil ang ideya nila sa Dios e isang kamag-anak na laging nagtatampo
Hindi pa ba sapat ‘yung inaalala dinadakila siya’t binobola sa misa tuwing Linggo, bible studies, o kung anumang konggregasyon at kailangan niya pang pasukin ang FaceBook? Kailangan niya pa ng ‘like’ at ‘share’ ninyo? Araw-araw kelangang ireassure nyo syang naniniwala kayo sa kanya at laging siyang nasa isip nyo? At sa punto pang anuman ang ginagawa e kelangan nyo talagang itigil at i-share sa mundo? Kungsabagay nagfe-FaceBook laang naman nga, pero kahit na. malay mo merong mas importante kang ginagawa gaya ng nag-a-upload ng larawan ng kape mo.  

Ang mga kaibigan ko sa FaceBook bagama’t hindi ko nakikita nang personal o nakakachat e alam nilang kaibigan ko pa rin sila. Hindi ko sila kailangang sabihan araw-araw o linggu-linggo na ‘Uy, BFF pa rin tayo ha...’ para isipin nilang kaibigan ko pa rin sila.  

At saka bakit ba laging na laang tayong sinusubok?

Pagsubok ba ito saan? Sa ating pananampalataya? Gaano bang kahalaga sa Dios na malamang siya ang dinidiyos natin at hindi si Baal? Ganoon ba kaimportante ang ating pananampalataya at pagsusukli ng pagmamahal natin sa kanya at kailangan niya pa tayong guilt-tripin lagi? At sa oras na tayo e nagfe-FaceBook?

Hitik ang bibliya sa mga kwento kung saan pinadaraan niya ang mga tao sa pagsubok: pagsasakripisyo ni Abrahamng anak niya, ang kwento ni Job, atbp. Tapos, ngayon, tayong mga nag-iinternet laang e susubukin pa? Hindi ba pwedeng pumirma na laang tayo ng kontrata at sabihin sa Dios: "Bagama't hindi kita nila-like sa FB e ikaw pa rin ang kinikilala kong Dios at hindi si Baal, Odin,  Satanas o ang araw."

At kung walang katumbas ang super powers ng Dios, kaya na niyang basahin ang ating saloobin at hindi na niya kailangan pang isailalim tayo sa mga kung anu-anong pagsubok. Dapat daig niya pa si Prof. X na naka-Cerebro scanner. Dapat e alam na niya kung sino ang tapat na nananampalataya, nanlalamig, suwail, walang paki o kaya e exempted dahil nakatira tayo sa isang liblib na lugar na hindi inabutan ng mensahe ng kanyang blockbuster na libro.

Bukod sa insecure at KSP, sa post na ito, lumalabas na isang malaking kupal ang Dios.

Bagama't hindi sinasabing kailangang i-send mo muna ang message at tutulungan ka ng Dios, padaplis namang pinararating sa iyo ang mensaheng ito. Bagama't walang connectors na ginamit na nagsasabing aayos ang lahat pag ibinahagi mo ang post, parang iyon na rin ang gustong tukuyin nun. 
Walang pinagkaiba sa pulis na palalampasin ang violation mo
kung may nakasingit na kwarta sa ilalim ng lisensya mo.
Anong konklusyon ang ating mararating sa ganitong sitwasyon? Alam niyang nahihirapan tayo, pero gusto nya muna tayong lumapit at humingi ng tulong? Sino sa inyo ang maghihintay pang hingan ng tulong bago tulungan ang isang kaibigan? Kasinglaki na ng melon ang tumor sa muka, lalapit ka pa sa Dios para humingi ng tulong? 
Nabanggit na rin ang tumor, ano naman ang problema ng mga taong nagpapasimula at nakiki-like o share ng posts na gaya nitong nasa ibaba? Kung gusto ninyo talagang ipagdasal ang mga ganito e 'di ipagdasal ninyo sa paraang natutunan ninyo o kaya e sa aking paraan -sa isang wishing well.
Baby with tumor: 1 like = 1 prayer, 1 share = a hug from an angel
Meron akong palagay na hindi ang Dios ang KSP, insecure at kupal sa sitwasyong ito, kundi ang mga taong gusto i-broadcast na sila e mababait na tagasunod ng Dios. 

Tandaan ninyong hindi kamay ng Dios ang nagtipa ng mga posts na ito, kundi tao. 

Sa likod ng isang computer niya e merong isang taong nagdesisyong magsulat ng kabulastugang spiritual blackmail na ito dahil alam niyang merong magpapauto o matatakot kaya't magse-share dahil ayaw nilang maparatangang hindi niya pinansin ang Dios at hindi niya like si God. Meron rin namang gusto laang nilang mag-feel good about themselves kaya ginagawa ito. 


Tutal malapit na kong humarap sa Panginoon, makasipsip na. 



Friday, March 22, 2013

The Gospel According to the Infidel Jerome #3: God chain posts on FB


Kung ang pagdarasal para sa 'kin e isang bagay na maihahambing ko sa wishing well, ang ideya naman ng iba sa reliyon e maihahambing ko sa isang malaking negosyo ng pamahiin. Pamahiin, gaya ng mamalasin ka 'pag nakasalubong ka ng itim na pusa, mamalasin ka 'pag nabasag ang salamin mo, mabubulag ka 'pag natulog ka nang basa ang buhok, atbp. Teka, hindi yata pamahiin 'yung 'pag natulog ka nang basa ang buhok. Old wives' tale pala 'yun. Para hindi magkalituhan sa terminolohiya, paghaluin na laang natin ang pamahiin at old wives' tale, tutal pareho laang namang walang pinagbasehang ebidensya ang mga iyon. 

Gusto nyo ng ilang halimbawa? 

Nung natalo si Pacquiao ke Marquez, ang isa sa mga sinisi ng nanay niya e ang hindi nya pagsusuot ng rosaryo at pakikisalamuha sa mga pastor. Hindi ang kanyang kakulangan at kalamangan ng kalaban niya sa fokus, pagpupursigi at husay ang dahilan, kundi ang pagtalikod nya dati niyang nakagawiang pagsusuot ng isang kwintas ng mga Katoliko. 

Pag merong mga sakuna, sinasamantala ng mga pinuno ng reliyon ang pagkakataon para sabihing dapat na tayong magbalik-loob sa Dios (na ang ibig sabihin laang naman e magsimba o sumamba at magdonasyon pa tayo nang konti). Nung pinag-uusapan ang RH Bill, pinadalhan raw tayo ng Dios ng bagyo bilang tanda ng kanyang hindi pagsang-ayon. 
Aba'y ayaw mo palang magrosaryo ha? Hetong sa 'yo!
Dito sa FaceBook, mapuputakti kayo ng santambak na mga chain posts tungkol sa mga bagay na ganito. Hindi 'yung mga nagpoprofess ng faith nila ang tinutukoy ko: nagpapasalamat sa Dios sa pagtanggap sa anak nila sa tarbaho, nagpapasalamt at Byernes na, humihingi ng lakas para tapusin ang tarbaho, etc. 

Ang tinutukoy ko e 'yung mga spiritual blackmailers o scammers na nagsasabi sa iyong 'share or like this or something bad will happen'. Kumbaga e parang "The Ring" na imbes na si Sadako ang susulpot e aksidente. Kung hindi man blackmail, sinusuhulan ka ng papremyo, gaya ng great things will happen, gaya nitong nasa larawan sa ibaba.
  
Dahil alam ng Dios na mas naniniwala ka sa FaceBook
kesa sa best-selling na librong sinulat niya.
Patulan natin at suriin ito: 

Ang mga anghel

Meron raw 20 anghel sa mundo natin. Kung paano nalaman ng sumulat nitong post e ewan. Kungsabagay, kahit si Santa Claus, hindi rin nadedetect ng radar kapag lumilipad sa himpapawid tuwing Pasko e kaya't malamang totoo nga ang mga anghel na ito. At alam niya rin kung ilan sa kanila ang natutulog sa mga sandaling iyon –sampu. So mukang shifting  sila. Kalahati ang natutulog at kalahati ang gising nang tigdodoseng oras malamang. Hindi ba mabigat 'yun, 12-hour shifts? Bakit hindi 21 ang ipinadala para pwede silang 7 angels na merong tigagatlong shifts na tigwawalong oras? 

Sa mga gising, 9 na anghel ang naglalaro at isa ang naapatrulya sa FaceBook para magbasa kung sinu-sino ang mga nagshe-share at nagla-like ng mga posts na merong kinalaman sa Dios. In short, merong tagalista ng mga sipsep, parang sa eskwelahan. Ibig sabihin nito e sa bawat pots na shine-share at nila-like mo, tinatandaan nitong mga anghel na ito para mabigyan ka ng pogi o ganda points. Ilang pogi-ganda points kaya ang kailangan para makarating sa Langit? 

At bakit sa FaceBook sila pinagbabantay?Siguro dahil wala nang pinapagunaw na bayan sa kanila o pinapalayas sa Paraiso kaya't pinagbantay na laang sila noong nauso ang FaceBook.
Malamang e itong anghel na ito ang nagbabantay 
sa internet dahil siya e nakahubo.
So tinitingnan ng espiya ng Dios, este ng 1/20 na sinugong anghel ang aktibidades mo sa FaceBook. Ang gusto kong malaman ngayon e kung sa FaceBook laang. Paano na sa Twitter, meron rin kaya? E kalahati pa naman ng sinusundan ko sa Twitter e mga porn stars. Pati kaya ang ibang sites, tinitingnan nya rin? May bawas points kaya kapag binabasa nyo itong blog ng erehe? 

Sabi rito e "God is going fix 2 big things tonight". At bakit hindi 1 o 3? Hindi ba't dapat e isa laang, yung pinakaimportante para sa iyo. O kaya naman e tatlo, parang 3 wishes sa genie.

The speaker in the post

Ang hindi pinag-iisipan ng mga nagshe-share o nagla-like nito e kung sino ang nag-uutos nitong post. Suriin ang pagkakasulat: Sabi rito e ‘in your world...’ kaya’t hindi natin kauri –hindi tao ang nagpapahiwatig nito. Hindi rin naman angels dahil hindi niya pinapatungkulan ang sarili niya o kapwa niya anghel. Hindi rin naman Dios dahil nirerefer siya sa third person: God this and God that

Hindi kaya si Satanas ang me pakana nito? At ang 666th liker o sharer e madidiretso sa kumukulong asupre? Aba'y kung gayon, burahin na't baka sa DDA (dagat-dagatang apoy) pa kayo mapunta. 


Friday, March 15, 2013

The Gospel According to the Infidel Jerome #2: Wishing Well


Your wish is my command!

Marami, kung hindi man karamihan, sa mga reliyoso e salamangkero o genie ang turing sa kanilang Dios (o sa kaso ng iba e sa mga santo). Bawat maliliit na bagay e pinagdarasal nila, kahit gaanong kasimple at kaya nilang gawin sa sarili nilang kakayahan: matanggap sa trabaho, pumasa sa isang entrance exam, manalo sa sports, sagutin ng tsik, atbp.

Hindi na ako nagsisimba gaya ng sabi ko. Meron akong nakitang mas magandang alternatibo para masagot at makumpleto ang aking mga pangangailangan nang hindi na kailangang magbihis ng disenteng damit at makisalamuha sa isang konggregasyon na nambobola ng isang Lumikha. Ito ang pinakamadaling alternatibo –isang wishing well.



O aking Wishing Well, wala nang mas lilinis at lalalim pa sa Iyo.
Yun rin naman ang esensya noong pagdarasal e, hihiling kang magkatotoo ang isang gusto mo: makaipon ng pambili ng bahay, mahalin ng isang lalake/ bubae, matanggap sa aplay sa ibang bansa, atbp. Ibang usapan kung magpapasalamat ka. At kung gayon, hindi mo na kailangang magpasalamat sa isang wishing well. Pwede nang sa hangin na laang dahil ang wishing well, gaya ni Batman, e hindi mo na kailangang pasalamatan.

Ang maganda sa isang wishing well e hindi mo na kailangang maglakad nang paluhod sa malamig na semento ng simbahan, makikanta, mag-isip ng iba’t ibang salita para sabihing dakila ang Panginoon, pumunta sa isang bahagi ng lalawigan ng Cavite mag-abuloy at magpadasal sa mga madreng nakapink, mag-alay ng itlog, magbuklat ng mga pahina at maghanap ng berso mula sa isang librong katha raw ng isang dios, bumili ng mga kung anu-anong langis, magrosaryo, makipagsiksikan sa isang kulob na lugar kung saan merong isang dagat ng mga taong merong malalang sakit na ang iba malamang e nakakahawa, makinig sa mga pambubuladas ng mga pari/ pastor/ kung anuman ang tawag sa pinuno o gumising sa isang schedule kung gusto mo pa sanang umidlip.  

Ganito ang paghiling sa isang wishing well: Pumunta ka sa isang wishing well, hilingin ang kagustuhan mo at ilaglag ang barya sa balon. Pagkatapos, maghintay ka ng resulta. Kung wala kang madaraanang wishing well, sa isang balde ng tubig mo na laang gawin ito. Ang maganda pa sa 'pag timba ang ginamit mo e mababawi mo pa ang barya mo. Wishing Pail na nga laang ang tawag, pero iyon rin naman ang esensya noon. Pupwede na ring plastic cup ng naubos mong kape. 

Gaanong kadalas ba matupad ang dasal mo? Kung hindi nagkakatotoo ang mga dasal mo, subukan mo sa isang wishing well at baka doon matupad. Kung may duda ka,  eksperimentuhin mo at bilangin kung saan mas madalas matupad ang hiling mo, sa wishing well o sa dasal. Hula ko e hindi magkakalayo ang resulta ng dalawa kundi man tabla dahil tatlo laang naman ang resulta ng dasal ng lahat.

Anu-ano ba ang senaryo ‘pag ika’y nagdarasal?
  1. Magkatotoo ito.
  2. Walang resultang magaganap at kailangang maghintay. Sa pagkakataong ito dapat kang maghintay dahil hindi pa itinutulot ng Panginoon na masakaganapan ang hiling mo kaya’t patuloy ka dapat magdasal. Pagsubok sa faith mo kumbaga. O kaya naman e akala mo dapat ka pang maghintay pero ang totoo e hindi talaga mangyayari at parang pinaaasa ka laang.
  3. Hindi ito magkatotoo. At pag ganito, paniniwalain mo ang sarili mong me ibang plano sa iyo ang Dios at hindi ito God’s Will na tinatawag kaya hindi ibinibigay.
Pag nilimi-limi mo ang lahat, pumapatak laang ang lahat ng katuparan nito sa God’s Will o kung niloloob ng Panginoon ang kahilingan mo. Kung niloloob at pinaplano na pala ng Dios ito para sa iyo, bakit mo pa hihilingiin? At kung hindi ito kalooban ng Dios, bakit naman niya babaguhin ito para sa iyo? Sino ka para baguhin niya ito? Sa konting pambobola at pagkanta-kanta sa tingin mo magbabago ang kalooban ng Dios? 

At isipin mo kung anong klaseng relasyon ang meroroon ka kung bawat maliliit na bagay e inaasa mo sa iyong tinatawag na Ama.