Wednesday, January 30, 2013

Dapat bang makulong si Carlos Celdran?


You know what we need? Ballsy protesters like Carlos Celdran. Kabaong bilang simbulo ng opresyon? Pagsunog ng effigies ng mga nirereklamong personalities, gaya ni GMA? Hunger strike? Ho-hum! Boooo-ring! Magdamit na ala-Jose Rizal na may bitbit na karatulang ‘DAMASO’ at magsisigaw ng “Stay out of our politics!” sa isang ecumenical service na ang attendees e gaya ng mayor na si Alfredo Lim at mga importanteng obispo? Now, that’s a goddamn protest!


Rehearsal 'to sa pagsundo niya sa NAIA sa isang foreginer na ang pangalan e Damaso

Ngayon, dalawa’t kalahating taon matapos ang stunt na maililinya ko sa isang WWF Attitude Era o MTV Jackass stunt, e nasentensyahan syang makulong mula dalawang buwan hanggang higit isang taon. What’s wrong with that?  

Maraming nagsasabing pagsikil raw ito sa freedom of expression. Freedom of expression? Don’t get me wrong. I’m all for freedom of expression. Pero, meron itong limitasyon at hangganan; may tamang oras, may tamang lugar -gaya ng internet dahil suspended ang CLL. Hiling ko laang sana e sa isang misa sya umeksena sa mismong consecration, kung kelan nagkakatawang-kristo raw ang tinapay, para mas kwela. Yun sana ang da best. 


Gawin nyo ito sa pag-alaala sa... DAMASO! DAMASO!

Ang ginawa niya e binulabog niya ang isang  ‘religious gathering’ sa isang lugar ng pagsamba. I love it, pero kahit na sa katulad kong infidel, alam kong sablay yun. Ngayon, kung hindi ka sang-ayon sa sinasabi ko, subukan mong maghost ng isang pork chop at barbecue isang moske sa Quiapo. Pag nagawa mo ‘to, sige, panalo ka na. Kasi, pwede naman sanang ipahayag niya ang damdamin nya tungkol sa RH Bill sa ibang lugar, sa ibang pagkakataon, gaya ng isang intelehenteng pagdedebate sa TV  –hindi nga laang kasing-astig. 

Kung habang ako e nanonood ng The Dark Knight Returns sa isang sinehan at merong isang kupal na aktibisitang umeksena’t nagtatatalak ng “Ibagsak ang mapang-aping kontrol ng Hollywood!” habang umaakyat papalabas ng balon si Bruce Wayne, hindi rin ako matutuwa. Yup, dahil si Batman ang aknig diyos.

At sa panig naman ng mga obispong katatapos laang maolats sa kanilang anti-RH Bill stand, pipwede sana nilang kunin yung pagkakataon para iaalay ang kanilang kaliwang pisngi, sa halip na magsampa ng kaso at ipakitang hindi sila mga Damaso, gaya ng paratang sa kanila. Bakit nga naman palalampasin e pagkakataon nang turuan siya ng leksyon at leksyon e "This is what happens when you fuck the bishops in the ass!" Kung meron mang napatunayan ‘tong pagsasampa ng kasong ito, iyon e ang hindi nila kayang palampasin ang isang stunt na nakaka-offend sa kanilang religious feelings. At "Don't ever fuck bishops in the ass".

Oops, I’m sorry, did I offend your religious feelings?
   
Yup, batas pala ito. Hindi ka dapat maka-offend ng religious feelings ayon sa Article 133 of the Revised Penal Code. Ito e ipinapataw sa sinumang mang-ooffend ng mga faithful sa kanilang lugar ng pagsamba o sa kanilang pagdiriwang isang seremonya. Ito ay may karampatang parusa ng pagkakabilanggo mula 2 buwan at 21 araw hanggang 1 taon 1 buwan at 11 araw. 

Hindi ito sa pang-ooffend sa religious feelings in general. Hindi kasama rito 'yung aalukin mo ng dinuguan ang isang myembro ng Iglesia ni Cristo sa isang inuman. O pilitin ang isang Sabadista na dumalo sa isang party sa Sabado na ang handa e sinigang na hipon. O alukin ng 50% off discount sa pigurin ni Mama Mary ang isang Protestanteng bisita mo sa bahay.  

Maaring lumang batas ito at medyo nakakatawang pakinggan, pinoprotektahan nito ang mga 'faithful' sa mga bagay na kagaya nito:

  • Pamumugot ng ulo sa mga pigurin sa simbahang Katoliko
  • Pagkakatay ng biik sa isang moske
  • Pagko-cosplay na merong theme na santo sa lugar ng pagsamba ng mga Protestante
  • Pagbitbit sa isang Manalo sa isang mass indoctrination ni Eli Soriano 

Mas masaya sana sa akin kung walang ganyang batas. Para sa kagaya kong infidel, masayang masaksihan sana ang mga ganyan. Kegaganda ng mga headlines sa araw-araw 'pag nagkataon. Kaso, batas e. At balita ko lalabanan raw ni Carlos Celdran ang pagpapatanggal ng batas na iyan.  

Saglit lang yan, Carlos

At sa uri niyang isang merong celebrity status, hindi yan aabutin ng 1 taon. Si Robin Padilla nga, nakulong sa ilegal possession of firearms, balik showbiz na ngayon at namamayagpag muli ang career ngayon. Saglit laang ‘yung halos 3 months. Para ka laang estudyanteng sa halip na nagbakasyon e nag-summer classes. Tanggapin na niya. Tutal nagawa naman niya ang gusto nya, umani rin naman ng publicity yun, nakapagpasaya ng mga fans, at nanalo rin ang RH Bill nung lumaon, hindi na masama. Aba’y tatlong buwang kapalit para sa isang sandali ng tagumpay na matatandaan sa mahabang panahon? Pandagdag pa sa kanyang street cred 'to. Aba’y ayos na. 

Hmmm... Ilang buwan kaya ang gugulin ko kung ako e mag... Teka, isang buwan laang pala ang school break ko. Hwag na lang. 


Friday, January 25, 2013

Obscure Bible Verses #10: Ayaw ng Dios na makita ang ari mo


Alam nating lahat ang Sampung Utos ng Dios, ang mga utos na pinasaulo sa atin noon, lalo na kung sa isang Catholic school ka nag-aral. Pero alam ba ninyong merong ilang commandments na hindi napasama sa sampu? At ito e matatagpuan sa mga berso matapos ilunsad ang Sampung Utos (na matatagpuan sa Exodus 20: 1-17 knug kinlick ninyo yung link kanina). Hindi ito napasama, at kumbaga sa isang DVD e deleted scene laang.

Ito 'yung ikatlong tablet malamang sa eksena sa The History of the World Part I ni Mel Brooks. 

The Lord thy God has given you fifteen - ten! Ten Commandments to obey!
Dito sa bersong ito, makikita nating ayaw ng Dios na makikitaan ng uten ang mga lalaking aakyat sa altar. Ipinagbabawal nya yaon. 

Sa puntong ito, ako e napapatanong: Ano ba'ng hang up ng Dios sa mga ari, yagbols, sex organs, etc at an daming niyang pag-uutos tungkol rito? 

  • Pagbabawal sa mga bubaeng manghablot ng uten ng mga nag-aaway na lalaki: Deuteronomy 25:11-12.
  • Pinag-iingat nya ang mga Hudyo at pinapoprotektahan ang kanilang nether regions: Nahum 2:1.
  • Bawal makisimba ang mga pitpit ang yagbols o putol ang uten: Deuteronomy 23:1.
Ito bang utos na 'to e para sa kapakanan ng mga taong naroroon sa templo? O para sa kapakanan nya? At ano naman ang ginagawa ng Dios at naglalagi siya sa ilalim ng hagdan? At sinong Hudyo ang naglalagi sa ilalim ng hagdan sa pag-asang makasilay ng yagbols ng iba? At hindi ba naisip ng Dios na ipaimbento sa tao ang underwear nung mga panahong iyon? 

Pwede bang sa halip na puro mga maseselang bahagi ang pinagsusulat niya e kumpletuhin na laang niya ang detalye ng istorya ng malupet na si Shamgar? Sino si Shamgar? Aba'y isa lang namang mala-Samson na karakter sa bibliya na pumaslang ng 600 gamit ang isang mala-bastong armas. One verse? Isang berso laang ang inilaan para sa  astig na karakter na 'to para magbigay-daan sa mga usaping uten at yagbols.


Yan na 'yung buong libro, kasama ang cover e 1 page lahat-lahat
  Follow at JerboyLupisan.


Monday, January 14, 2013

Mga katagang gusto ko nang mailibing sa taong 2013

Bagong Taon, 2013, panahon ng pagbabago at pamamaalam sa nakaraang taon. Sa pagpaalam sa nakaraang taon, gusto ko na ring isama’t mabaon sa limot ng sangkatauhan ang mga katagang ito, bagama’t hindi sila nauso nung isang taon laang. Ito e mga lipon ng mga salitang produkto ng mass media, pauso ng kung sinong Herodes at maling gamit ng Tagalog.


Yup, karapatan mong magpahayag sa maling grammar at magtunog-tanga.
1. Walang pakialamanan –Unang-una, makikialam ako sa gusto kong pakialaman, kahit kasing-simple laang ng anong toothpaste ang gamit nyo o maging away-mag-asawa pa 'yan. Pangalawa, bago nyo ko sabihan nito o isipin man laang dahil hindi nyo magawang sabihan ako nang harapan nito, e itama nyo muna ang panlapi nyo. Ang salitang-ugat ng salitang ito e ‘alam’. Trabahuhin nyo na ang kasunod para maintindihan nyo ang punto ko. Kung sadyang mapurol kayo, heto: paki (unlapi) at –an (hulapi). San nyo hinugot ang dagdag na isa pang –an? Sa huhulapi?

Variations at related words: Kelan ko laang nalamang meron rin palang gumagamit ng “Nangengealam”. Note: Habang sinusulat ko 'to e merong nagtanong sa akin kung anong ginagawa ko. Merong sumabat at ang isinagot e: Bakit ka nangengelam? 

“Aaralin”, gaya ng: Anong aaralin natin para sa test bukas? Sagot ko rito e, kalimutan mo na ang bukas at balikan mo ang panlapi mo noong elementary.

2. Walang basagan ng trip –Sa simula, parang ‘The Golden Rule’ ang dating ng phrase na ito at sa unang tingin e maganda dahil tipong hindi kita pakikialaman, kung hindi mo ako pakikialaman. (Pag inisip mo aba e parang pamalit sa ‘walang pakialamanan’ pala ‘to, kaso tama ang grammar). Nitong huli, sa dalas ng paggamit nito, nagiging super tramp card ng mga excuses ito sa mga bagay na dapat iwasto, pabiro man ang gamit o hinde. Halimbawa:
  • Bakit mo pinatabas ang patilya mo, pre?
  • Sa tingin ko e hindi akma ‘yang isusuot mong backless na gown na pula sa pulaw ng isang namatay sa aksidente.
  • 110 volts yata yang sasalpakan mo ng...
Tapos ang sagot sa lahat ng ito e “Walang basagan ng trip!” E di itakwil mo na laang ang ideya ng  edukasyon at piliin mo na laang manatiling mangmang kung ganyan ang ugali mo. Maraming natutunang bago dahil sa kritisismo at kung ang reaksyon mo sa bawat puna e “Walang basagan ng trip” wala ka nang iiwang lugar para lumago. Kahit mismong batikang artists tumanggap ng kritisismo sa kanilang paintings, movies, music, etc. Tapos ikaw, hindi ka masabihan man laang na hindi bagay sa iyo ang dilaw na damit?



3. Sori (po), tao lang –Isa kang tao, isang nilalang na merong pinakamahusay na utak sa lahat ng mga nilalang sa mundong ito. Ang uri mo ang nakapagpadala ng kauri nila sa buwan, nakadiskubre ng mga mikrobyo at nakalikha ng mga gamot, nakadiskubre at nakapabigay ng paliwanag ng mga penomena at ng mga buntalang nasa sansinukob natin. Ang uri mo ang lumikha ng mga makabagbag-damdaming mga kanta mula sa pagsasalansan at pag-uulit ng walong nota, lumikha ng mga pinaghalu-halong kulay para gawing painting, magsanib-sanib ng mga sangkap ng pagkain para gawing pizza, atbp. Para sabihin mong ika’y tao lamang at yun ang dahilan ng pagkakamali mo e isang matunog na sampal sa sangkatuhang nag-usad sa atin mula sa ating pagiging caveman sa sibilisasyon natin ngayon. 

Depende rin ito sa kontektsto: maaaring masambit mong meron kang pagkukulang dahil sa limitasyon mo bilang tao, gaya ng pagkakamali sa pag-compute na kayang gawin ng isang simpleng calculator (na kapwa mo tao rin aang gumawa) o hindi mo nai-shoot ang game-winning free throws dahil gaya ng karamihan e kinabahan ka. Pero ang gamitin ang katagang ito sa bawat pagkakamaling magagawa mo na para bang ang isang tao e isang sub-mammal na limitado ang kakayahan para ipaliwanag ang incompetency o blatant disregard mo sa moralidad mo e isang lousy excuse. 
  • Napa-reserve mo ba ‘yung conference room para sa meeting natin bukas?
  • Pare, natabas mo yata ang patilya ko.
  • “You’re” ‘yun, hindi “your'...
  • Bakit mo naman sinalisihan yung kumpare nating nasa abroad?
Hindi ko sinasabing hindi ka dapat nagkakamali, dahil natural yun kahit sa pinakamatatalino't pinakamagagaling na tao. Pero, iyon e nangyayari hindi dahil tao ka lamang, kundi sadyang ipinanganak ka lang na ulaga o minsan natatanga ka laang (o kaya ayaw mong magpabasag ng trip). Hwag mong isisi sa iyong species. Aminin mong mali ka. Ngayon, kung pinalilipad ka ng boss mo mula 25th floor, dyan mo gamitin ang mga katagang ‘yan.

4. Po at opo –Ito e mga salitang ginagamit sa paggalang, pero bakit ko isinasama sa listahang ito? Kontra ba ako sa paggalang? Mas gusto ko ba ng minumura ako?  Oo, mag gusto ko pa ngayong mamura kesa makatanggap nito mula sa isang age group. Kasi nito PONG huli e nauuso ang paggamit ng PO kahit na mag-sing-edad o magka-edad laang  ang nag-uusap o sa mga posts o comments sa Facebook. Di PO nyo PO ba PO napansin ‘to PO?

Meron akong palagay na me kinalaman ‘to sa mga artistang nagge-guest sa mga talk shows. At ganito PO sila magsalita: Sana PO e tangkilikin nyo ang pelilulang Pilipino. Panoorin PO ninyo at sigurado akong hindi kayo magsisisi... Hind PO totoong magshota kami ni _____. Special friends lang PO kami... blah... blah... blah.... Kung meron ring kinalaman riyan si Kim Atienza (na tinatawag na Kuya ng kahit sinong Ponsyo Pilatong kumakagat sa gimik nito) e hindi na ako magtataka.

Ang pinagmumutarga ko sa maling paggamit nito e ang ideyang nawawalan na ng saysay ang tunay na paggamit nito. Namamatay na ang silbi nito sa walang-habas na maling paggamit. Inilalaan kasi dapat ito sa mga taong mas nakatatanda sa ‘yo o mga awtoridad. Sa nakatatanda, ang ibig kong sabihin e magkaiba tayo ng inabutang artistang gumanap sa role na Flavio sa Panday at hindi ‘yung magkapareho kayo ng Chinese calendar year. Kaya’t sa susunod, kung hindi kita inuutusang bumili ng suka sa kanto o hindi kita pinasusweldo, hwag mo na akong popoin.
Nag-iisa laang ang Panday. Clue: Hindi na kailangang iphoto-shop ang pisnge nya sa posters.

Superficial na paggalang kasi ‘to, walang sinseridad. Kung gusto ninyong magpakita ng paggalang, simulan ninyo sa word choices, intonation, non-verbal cues (kung harapang pag-uusap), atbp, hindi ‘yung kinakabitan mo laang ng ‘po’ at ‘opo’ ang bawat pangungusap mo na akala mo e isang mathematical equation ang paggalang na tipong “add a word” e magalang ka nang ‘tang ina mo ka.

Variations at related words: Nyo at kayo, na pamalit sa mo at ka dahil sa kaparehong dahilan.

Marami pang iba, pero itong mga ito ang pinakamalimit kong marinig at makita.  At ilan pang katagang pinandidirian ko na hindi ko na ipapaliwanag: epic, fail, epic fail, opinyon mo lang yan, at misuse at overuse ng in fairness.

Want tidbits on my twitter account? Here: JerboyLupisan