Wednesday, February 20, 2013

Gender Equality: Tatlong pangyayaring kumukumbinsi sa aking parehas laang talaga ang mga lalaki at bubae

Yup, kakapagod magbasa ng libro at makipagtsisimisan sa kapitbahay.


Malamang e nakikita ninyo dati itong nagkalat sa sirkulasyon sa FaceBook na parang pinapakitang mabigat ang trabaho ng isang bubae. Ilang taon ang nakaraan, dati, malamang e tumango ako sa opinyong katulad ng nasa picture na ito at sumang-ayon at sabihing, “Tama, andaming kupal na lalaki sa mundo at kinakawawa ninyo ang mga bubae!”

Sa maniwala kayo’t hinde, buong sinseridad kong pinaniniwalaang ganyan nga ang mundo –ang mga bubae ang bida at ang mga lalaki ang mga mapang-api at kontrabida. Not that I was doing it so that I would roll into pussy heaven (hindi rin naman umepek, kung akong tatanungin nyo), pero sincere akong naniniwalang mga under-appreciated ang mga babae at natatapakan, atbp. Pero, merong ilang pangyayari sa aking buhay nagpapatunay na hindi ito totoo at isang myth laang ang lahat. Pagdating sa kakupalan, parehas laang ang mga bubae at lalaki. 

Ngayon, bago tumaas ang feministang kilay ng mga bubaeng nagtityagang magbasa, basahin nyo muna ito nang buo para maintindihang tungkol sa gender equality ang gusto kong palabasin. Hindi ko ibinababa ang mga bubae, bagkus, iniaangat ko pa nga kayo sa kupal level ng mga lalaki. Gender equality rin 'yun, 'di ba? 

At sa puntong ito e napapaisip na kayong mukang hindi ko alam ang ibig sabihin ng terminong gender equality. Sige, malamang e mali nga ang gamit ko ng term at alam kong mali ito kapag nagkagoogle-an na. Pero, ang punto ko, pare-parehong tayong mga kupal -mapalalaki man o bubae.  

Tatlong myth-busting na pangyayari na nagpapatunay sa aking pagdating sa kakupalan, pantay laang ang mga bubae at lalaki:

1. MRT Segregation Scheme (2007)


MRT mirage ng mga lalaking pasahero

Hihirit-hirit ang mga bubae ng gender equality, tapos e hihingi sila ng espesyal na pagturing sa MRT. Lagi na laang panghirit ng mga feminista (gender equality activist o kung anuman ang tawag na gusto nila) e pantay laang raw ang mga lalaki at bubae, pero 'pag ganyang pabor sa kanila, hindi nila sasabihing, "Mali 'to. Dapat pantay-pantay tayo. Lalaki -babae, walang pinagkaiba. Dapat e patas laang. Tatayo rin kami kung dumating kami na puno na ang tren ng MRT."

Sa MRT Segregation Scheme e merong isang espesyal na section na nakalaan para sa mga bubae (matatanda at may kapansanan, mapalalaki man o bubae). Hindi ba't pang-uuri ito at parang pagsasabing mas mahina ang mga bubae? Bakit hindi sila umalma? Alam ko na ang sagot: Para hindi matsansingan? Pano na yung hindi naman katsansing-tsansing? Feeling nila katsantsing-tsansing rin sila?

Ang pinakamalaking bagay na sumira sa akin ng myth na ito e ang naranasan ko ilang taon matapos ipatupad ang segregation scheme na ‘to. Magiging ama na ako noon at kasama ko ang misis kong buntis ng ilang buwan. Kung ilan eksakto e hindi ko alam. Pero ang alam ko, sa laki ng tyan nya e hindi naman siguro sya mapapagkamalang kagagaling laang sa isang pyesta o handaan kaya't ganung kabundat.

Sabi ko sa sarili ko, aba’t mahaharap ako sa sitwasyong magagamit ko ang ‘pribilehiyo’. Dahil kailangan ako ng aking misis sa kanyang tabi, pinapasok ako sa espasyong nakatakda lamang para sa mga nilalang na kinikilala ng ating batas bilang mahihinang uri. Aba’y mas maluwag nga’t mas maalwan, makakatayo ka ng hindi nalalaman ng ilong mo kung ano ang kinaing tanghalian ng kapwa mo pasahero.

Ang disillusionment na naganap

Nakatayo kami ng buntis kong asawa noon. Uulitin ko, halatang buntis na asawa ha, hindi lang four months. Ni isa sa mga bubaeng naroroon, walang nagpaupo sa asawa kong buntis. Isang buntis! At kapwa nila bubae! Ni isa sa kanila, walang nagpaupo? Naghihintay ba silang merong lalaking magpaupo sa kanya? Ng lalaki sa isang 'for female passengers only' na section? 

Note: 2007 ang pangyayaring ito. Balita ko e sa taong ito, 2014, e pinaparaffle na raw ang mga token sa MRT dahil sa sobrang siksikan at ang mga buntis na merong planong magpaabort, pero tinatanggihan ng mga ospital, e dito sumasakay. 

2. Rafael Rosel vs Rovic (Early 2000s)
Tabing-Ilog, mas maganda pa sa Dawson's Creek
Nung kasagsagan ng kasikatan ni Rafael Rosel dahil sa isang patalastas ng toothpaste, isiningit nila ang aktor na ‘to sa love team nina Eds (Kaye Abad) at Rovic (John Lloyd Cruz) sa Tabing-Ilog. Ito e matapos nang magdaan nina Rovic at Eds sa iba’t ibang pagsubok, pagtatampuhan, pagbabati, at ilang karanasan sa buhay na maituturing mong milestones sa buhay nila. Silang dalawa ang pundasyon ng buong series. 

Ang pagsingit na ‘to ni Oliver (Rafael Rosel) e parang pampaanghang laang dapat kumbaga sa isang love team na nasasadlak sa isang plateau. Kumbaga sa wrestling, ginawa laang triple threat ‘yung love team para maging mas interesting, pero, dahil sa nararamdamang pagsikat ni Rafael Rosel, talagang kumaribal ito sa orig na love team.

Tandaan ninyong ito e nung panahong wala pang alam na season-season o book-book ang mga serye noon. Hindi tapos ang pagshu-shoot ng buong serye bago ito ipalabas. Ibig sabihin nito, maaari nilang baguhin ang tinatakbo ng isang serye dahil sa pagkawala o pagdagdag ng artisita o dahil sa ratings. Kaya’t sa gitna ng isang serye, maaring magbago ng direksyon ang isang soap. At ‘yun ang kanilang ginawa. Inisip nilang kayang dalhin ng agos ng kasikatan ni Rafael Rosel ang buong palabas, isang role na ginagampanan nang matino ni John Lloyd non.

Hindi ko alam kung hindi sila desidido nang ganap o gusto nilang gimikan talaga ang palabas at sumaydlayn sa pamamagitan ng text votes. Ang ginawa nila e nagpaboto sila sa pamamagitan ng text votes kung sino dapat ang makatuluyan ni Eds. Ibinoto at kinampanya ko pa si Rovic sa mga pamilya't kaibigan kong walang alam sa Tabing Ilong dahil siya ang tunay... Teka, ipapaliwanag ko pa ba? 

Fast forward tayo. Nanalo si Rafael Rosel at sila ang ikinasal ni Eds dahil sya ang pinili na karamihan ng mga bubaeng tagapagtangkilik ng pabas. At isinantabi si Rovic. Kelangan pa yata nilang gamitan ng amnesia si Rafael Rosel para mapaltan uli ni Rovic sa huli.

Ang disillusionment na naganap
Ano na ang nangyari sa romantic feelings ng mga bubae? Nasan na ang ilang taong pagsasama nina Rovic at Eds? Hindi mahalaga sa kanila ‘yun? Lahat ng ito winaldas nila dahil sa bago nilang crush na model ng toothpaste?! Ngayon, ‘pag pinaratangan tayong mga lalaking napaka-superficial na ipagpapalit ang kanilang mga GF at asawa sa mga mas bata, mas sexy, mas maganda, tandaan ninyo ang tatlong katagang ito: Rafael Fucking Rosel!
Dahil ang gusto ng mga bubae sa isang lalaki e sensitive. 
3. Appreciation (Kelan laang)

Lagi na laang ito ang hirit ng mga bubae: “Hindi mo ako naaappreciate...” Hindi napansing binago ang hati ng buhok, hindi napansing ipinagluto ng fried chicken (sobrang sarap akala ng lalaki e delivery mula sa Jollibee), hindi napansing bagong ahit ang kilay, hindi napansin ang natural-look na makeup na  ang desired effect e parang walang makeup. 

Ang disillusionment na naganap

Alam nyo kung ano ang hindi napapansin ng mismong asawa ko at hindi pinasasalamatan? Ang yagbols kong lingguhan kong inaahit! Alam nyo ba kung gaanong kabusising mag-ahit ng rambutan? (Basahin nyo na rin iyung link ng nakapending na patent nung sistemang naimbento ko kung paano mag-ahit sa banda iyun.) 

Pupwedeng makatuklas ako ng panibagong malinis na pagkukunan ng enerhiya at ang mapapansin ng misis ko e ang nalimutan kong imising medyas na naiwan sa lababo. Pagdating sa pag-aappreciate, pare-parehas laang tayong hindi naaappreciate.

Nagdedemand sila ng appreciation para sa mga chores sa bahay. E pano na ang mga face-melting presentations ng asawa/ BF nilang nagtatarbaho sa isang events? O kaya e ang crafty schemes na ginawa ng mister/ bf nila para mapanatili niya ang sarili niya sa posisyon sa kompanya?

Para sa ladies: Kelan ninyo huling pinuri ang asawa/ bf nyo para sa nagagawa niyang mahusay sa kanyang trabaho? See? Gender equality. Pare-pareho laaang tayong kupal.


On a serious note: I still feel for all females around the world. Naniniwala pa rin akong maraming hindi tamang ginagawa sa mga bubae sa ibang panig ng mundo: hindi pa rin sila pwedeng mag-aral, bumoto o magdrive ng kotse, ibinebenta sila’t ibinabarter para sa kamelyo, nirereyp, etc. Pero ang buong punto ko e tungkol sa context ng mga Pinay sa isang mundong nagkaroon na tayo ng dalawang presidenteng bubae at ang hari sa bahay e ang misis ko. 


Saturday, February 16, 2013

Chain FB Posts# 2: Nawawalang Matanda


Isa pa sa mga sikat na chain posts sa FB e ang mga nawawalang matanda. Madali lang ring gawin ito, pero kailangang meron kang kakayahang magpatagaktak ng luha at makapagsulat ng diretsong Tagalog. Kung meron pang Maalala Mo Kaya, manood ng ilang episodes nito para matuto ng Tagalog at matuto sa ideya ng drama. Meron siguro nito sa YouTube kung wala na ito sa ere. 
  1. Kung sa paggawa ng taxi scam post e kailangan mong mag-Taglish, dito naman sa nawawalang matanda e dapat limitahan kung hindi man hwag ganap na gumamit ng Inggles dahil mas nakakaantig ng damdamin ang purong Tagalog sa ganitong pagkakataon. Suriin mong muli ang sinulat mo at tingnan kung pipwedeng tanggalin mo na 'yung mga in fairness, because, me, so, and, actually, not knowing, atbp. 
  2. Gumamit ng mga pangalan ng lugar na kilalang-kilala mo para hiindi padaplis-daplis ang ang facts mo.
  3. Dagdagan ng detalye: anong edad nung matanda, bakit sya napadpad doon (pinangakuan ng trabaho, iniwan ng pamilya, naligaw), anong klaseng paghihriap ang dinaranas niya (sumasablay sa kain paminsan-minsan, umaasa sa awa ng mga nagsisimba, naghihintay ng tira-tirang pagkain sa mall –sa mga lugar kung saan mo sya nakita), pero kahit ganito e DAPAT masayahin pa rin sila dahil walang mas nakakaawa kesa sa taong hindi alam na dapat sila e kaawa-awa.
  4. Mag-imbento ng kung ano ang gusto nilang mangyari sa buhay: mahanap ang pamilya, magkaron ng sapat na salapi para makauwi sa malayong probinsya, ipaalam sa mga pamilya niyang buhay pa siya. 
  5. Magdagdag ng larawan ng matanda. Puntahan mo ang katoto kong poetographer na si Gilber Labo sa FaceBook. Meron siyang collection ng mga pictures, kasama na ng matatanda. Umumit ka ng picture dun at burahin mo yung signature niya. Maganda ang koleksyon nya ng photos, pero hindi ko nirerekomenda ito dahil mala-bulkan kung magalit iyon. O kaya para mas madali, manlibre ka ng lugaw sa isang matanda at sabihing bilang kapalit e kukunan mo sya ng litrato. O kaya, gaya sa halimbawang ginamit ko, kumuha ka ng larawan ng matandang Asian, yung kapareho natin ang itsura, gaya ng Indonesian, Malaysian o Cambodian (ang ginamit ko). 
  6. Ienjoy ang post mo dahil walang magdedemanda sa iyo kung sinunod mo ang payo ko sa larawan. Pero humanda ka ke Gilbert Labo kung sa kanya ka kumuha ng picture. 
Heto ang isang halimbawa. Ginamit ko na ito kahapon. 

Dapat pang-matandang palayaw ang gamitin, tipong nagtatapos sa 'ng'

Please share. It takes only a minute of your time to make a difference for the old woman in the photo. She doesn't need financial assistance. She only needs you to share this post. 

Naglalakad ako noon sa gilid ng simbahan ng Quiapo dahilnaghahanap ako ng pamparegla para sa aking girlfriend na tatlong buwan nag hindi dinaratnan. Katatapos ko lang bumili ng diplomang pandentista sa Recto nun at balak ko sanang magpasalamat sa Diyos sa tatlong taon at matrikulang matitipid ko sa isang kaprasong papel. Dun ko nakita si Aling Mareng na namumulot ng tira-tirang siopao na asado (merong tuldok na pula kaya’t alam kong asado, pwera na lang kung bol-bola ang pula at dilaw pala ang asado).

Nilapitan ko siya’t binigyan ng P2.50. Nakipagkwentuhan sya sa akin nang salit. Nalaman kong isa pala siyang nurse dati sa isang bahay-ampunan. Buong-buhay siyang nagtrabaho roon para mag-aruga sa mga nagkakasakit na ulilang bata sa bahay ampunan at pag wala namang may sakit, sya ang naglalaba, nagluluto, namamlantsa at nagtuturo ng Religion sa mga bata.

Noong panahon ng Hapon ay pinrotektahan niya ang mga bata mula sa pagmamalupit ng mga mananakop. “Ipinambayad ko ang mura kong katawan sa mga Sakang kapalit sa kalayaan ng mga bata,” sabi ni Aling Mareng.

Matapos ang pananakop ng mga Hapon, nasubok muli ang katatagan at pagmamalasakit ni Aling Mareng. Nasunog ang bahay-ampunan nung 1962. Sya ang nanguna sa pagsagip sa mga bata. Pabalik-balik nyang pinasan ang mga bata sa kanyang likod sa gitna ng nagliliyab na gusali. Sa kanyang pagsagip ay nasunog ang kanyang mga binti. Hanggang ngayon ay mababakas pa rin ang marka ng apoy at marka ng kanyang walang pagmamaliw na pagmamahal para sa mga batang ulila.
Para maayos muli ang muntik nang matupok na gusali ay ibinenta niya ang kanyang kidney. Ang pinagbentahan nito ay pinampuhunan nya sa negosyo. Nagbenta sya ng prutas sa mga Bumbay na nagpa-five six noong araw. At sa kanila sya nakapangutang ng pampaayos ng gusaling nasunog hanggang sa nabuong muli ang bahay-ampunan mula sa halos pagkatupok nito.

Napawi ang ulap ng paghihirap at napalitan ito ng ngiti ng araw. Yumabong ang bahay-ampunan at naglabas-masok ang mga batang naulila o binasura ng kanilang mga inang hindi handa sa responsibilidad ng isang magulang. Lumipas ang panahon at ilang henerasyon ng mga ulila ang kanyang inabutan, hanggang ang bawat isa sa kanila naampon ng mga magandang pamilya at naging mabuting mamamayan at haligi ng lipunan.

At ngayong siya ay 95 anyos na’t hindi wala na syang sapat lakas para mangalaga ng mga bata at makatulong sa gawaing-bahay, pinalitan na siya ng bahay-ampunan ng isang batam-batang babaeng bagong graduate ng Nursing na pumayag na tumanggap ng sweldong mas mababa sa minimum wage.

Sa ngayon ay naglalakad-lakad sya sa gilid ng Quiapo, umaasang makikitang muli ang mga batang itinuring niyang kanyang sarilnig pamilya. Ang tanging kahilingan nya ay magkaroon sila ng reunion, bawat isang batang ulila, mula sa panahon ni Diosdado Macapagal hanggang ngayon. “Makita ko lang ang bawat isa sa kanila ay pupuwede na akong mamahinga at humarap sa aking Panginoon.”

Paki-like and share po para makita sya ng lahat ng mga ulilang batang inalagaan nya noon at para makapagplano sila ng isang malaknig reunion. Hindi na nya maalala ang lahat ng pangalan ng mga inalagaan niya dati, pero kilala pa rin niya ang mga mukha nila nung bata pa sila, lalo na iyong mga inaalagaan niya nung panahon ng mga Hapon.

I know only 8% of your friends will care enough to share this, but her 'kids' do not even make up 8% of the Filipino FaceBook users' population. Let's help. Thanks!



Tuesday, February 5, 2013

Chain FB Posts #1: Manggagantsong Taxi Driver

Dumarami na ba ang inyong mga FB friends sa puntong hindi nyo na nafifilter ang mga posts ng ilan sa mga kaibigan nyo? Mas mabilis ba ang paglago ng friends ninyo kesa sa panahon para i-unsubsrice sila? At dahil dito, napepeste na ba kayo sa dami ng mga chain FB posts, gaya ng mga ito: manggagantsong taxi driver, matatandang nawawala, namamatay na celebrity, mantsitsiritsit na kaibigan at iba pang kauri nito?  
Hi! Nagkasabay tayo sa elevator sa isang seminar noong 2004. Pa-add!
Ang nakakasusot sa mga bagay na ito e itinuturing agad ng mga kaibigan ninyo na totoo ang mga bagay na nakapost na kagaya nito; hindi iniisip na ang ilang sa mga ito, kung hindi man lahat, e maaring inimbento laang ng kung sinong promotor. Click agad sila sa like at share buttons dahil sa simpleng pagpindot e nagmumuka na silang 'we 'care'. I say, enough! Bakit di ka gumawa ng sarili mong imbentong post?! 

Simple laang namang gumawa ng DIY na chain FB posts. Tuturuan ko kayo kung pano gumawa nito in 6 easy steps or less! 
  1. Gumamit ng Taglish dahil ganoon ang lenggwahe ng mga nagsusulat ng kwento ng mga manggagantsong driver.
  2. Gumamit ng mga kalsadang kilalang-kilala mo para hindi dadaplis-daplis ang facts mo.
  3. Idagdag ang detalye: isulat mo kung san ka pupunta, anong oras nun (usually gabi o madaling araw). Dapat e nag-iisa ka lang at dala mo ang cell phone mo.
  4. Mag-imbento ng modus operandi: hindi ginamitan ng metro, dinala ka sa dilim at binalak kang pagnakawan o gahasain, merong hindi kilalang lalaking sumakay, magpapagas laang raw, pero an tagal, atbp.  
  5. Magdagdag ng larawan ng taxi plate number; nakaw sa internet o kumuha ka ng tunay na picture ng walang-kamalay-malay na taxi. Optional 'to. Pwede kasing hindi mo napansin o naisip kunan ng plate number o kunan ng litrato. 
  6. Ipagdasal mong hindi ka mademanda’t ibabalik na raw ang CLL.

Heton ang halimbawa ng isang ganitong post, gamit ang anim na steps.  

Please like and share para sa kapakanan ng lahat ng taxi commuters! 

Galing akong work noon. Sa isang call center me nagwowork kaya't sometimes ginagabi o madaling araw na ako nakaka-go home. I usually take the taxi kasi mas convenient kaysa jeepneys. So 3:30 am na nun at nasa Espana pa ako. I was nagmamadali dahil nag-OT ako and gusto ko nang magsleep. 

Wala pang 10 minutes, out of nowhere, merong dumaang taxi. I'm so swerte, sabi ko sa sarili ko dahil hindi ako nag-wait nang matagal. Actually, natatakot na ko noon kasi mag-isa lang akong girl sa kalsada. 

So sumakay ako and told the mamang driver na dalhin ako sa West Ave. Inaantok na ako nun so hindi ko na namamalayan kung where ako dinadala ng driver. My eyes were bukas-sara. Nung nasa may EDSA na kami, tinanong niya ako kung may coins raw ako because wala raw panukli ang gas station. Napansin kong nakapark na pala kami sa isang gas station. Actually, hindi naman mukang gas station 'yung lugar dahil wala akong nakikitang vehicle na nagpapagas. Wala rin silang gas pumps. Wala ring station at puro bukid ang nakikita ko. Hindi rin pala EDSA yun. Nasa probinsya na pala kami dahil I saw sa welcome arc na 'Welcome to Tuguegarao'.    

I told the driver na wala kong coins. Sabi niya, hindi raw sya naniniwala at kinapkapan niya ako sa aking skirt. Binaligtad niya ang bulsa ng aking office skirt. Sabi ko, "See? Wala nga. Kahit hubaran mo pa ako."

At hinubaran nya nga ako at hinalay sa isang bukirin sa Tuguegarao. Sinubukan kong kuhanan ng picture yung taxi kaso blurred. 
Ang taxi ng demonyo
Ang masaklap pa nun e siningil nya pa ako dahil hindi nya pinatay ang metro. So my warning sa lahat ng taxi commuters, lalo na sa mga babaeng nagko-call center o naghohostes o ginagabi ng uwi, always text the plate number ng taxi. At kung wala na rin kayong magagawa 'pag you're being robbed or raped, at least try to tell the driver na i-stop ang meter para hindi double whammy.

Kung tinatamad naman kayo, i-copy and paste nyo na laang 'to. Meron kayong permisong sotohin 'to. Pwede nyo ring hintayin bukas dahil ipo-post ko 'to bukas. I-like and share nyo na laang.


Sunday, February 3, 2013

The Gospel According to the Infidel Jerome #1: Bakit hindi ako nagsisimba



Magmula noong ako e gumradweyt ng high school, ‘di na ko nagsimba, pwera na laang kung merong binyag na ako ang ninong, kasal o libing. Hindi naman ako makakatanggi run at uunahin ko ang kaibigan o kamag-anak kesa personal na paniniwala. Nagsisimba rin ako noon dahil sa aking mga ex na nagsisimba. Napapunta pa nga ako sa pagsamba sa Iglesia ni Cristo e dahil sa babae. 

At ngayong ako e padre de familia na’t hindi naman gini-guilt trip ng misis ko na magsimba kami, hindi ako nagsisimba. Kung siya e gusto niya, malayang siyang gawin ‘yun. Pero bakit ayaw kong magsimba? 

Kunwari ikaw ang Dios

Dahil hindi ako naniniwalang ito ang gusto ng Dios, assuming na meron. (Huwag na nating pagtalunan kung meron o wala.) I-assume na nating meron. Imagine-in mong ikaw ang Dios at may taglay kang kapangyarihan sa lahat. Ikaw ang lumalang ng lahat, ang sansinukob, ang mga planeta, bituin at iba pang mga buntala, mga hayop, halaman, mikroboyo (hindi ko kabisado ang Biology ko, basta yung mga nasa Noah's Ark) at kung anuman ang tawag mo pa sa maaring namumuhay sa ibang planetang hindi natutuklasan ng tao. 

Pagpupuri at pagtataas ng pangalan ng Dios

Hindi ko alam kung bakit mo nilalang ang lahat. Dahil ba nalulungkot ka’t wala kang kasama? Nababagot ka ba’t gusto mong merong mapanood na isang malawakang reality TV show? Ewan. Pero, nilalang mo ang mga nilalang mo nang hindi sila kinokonsulta. Hindi pupuwedeng konsultahin kung gustong malalang ng isang nilalang na hindi pa nalalalang. Hindi ba’t kakupalan ang pilitin silang magbihis, pumunta sa iisang lugar ng pagsimba para purihin, itaas, ipagbunyi, pasalamatan, bolahin at sambahin ka sa ginawa mong paglalalang na hindi naman sila nakonsulta sa simula pa laang? 

At gaanong kadalas mo gustong purihin ka, sabihing ikaw ang kataas-taasan? Isang oras kada linggo? Ika nga ng mga nanggi-guilt trip na pari: Para isang oras kada linggo laang e hindi mo pa kayang ibigay sa Panginoon? Yung mismong misa e mga 45 mins - 1 hr, depende sa pari. E yung byahe o paglalakad? E knug meron kang sariling kotse, maghahanap ka pa ng parking lot. Buti sana kung ipinaglaan ka ng Dios ng sarili mong parking lot dahil dadakilain mo nga sya. Isama mo na ang paliligo at pagbibihis.   

Pagdarasal para makahingi ng tulong sa Dios

At kung ikaw ang Dios at meron kang kakayahang makabasa ng isip ng mga nilikha mo sa isang level na ala-Professor X na naka-Cerebro multiplied by infinity, hindi ba’t malalaman mo na kung ano ang kanilang indibidwal na pangangailangan? Hindi rin ba kakupalan ‘yung pakakantahin sila kahit sintunado, pakikinigin sila sa mga kwentong sinulat mo, pag-abutin ng barya-barya mula sa kanilang kinikita? 

Hindi ba pwedeng gawan mo na laang ng paraan ang mga kagustuha’t kahilingan nila? Cancer ba? Boom! No more cancer. Hindi ‘yung tipong, lumapit ka sa akin, kumatok at ika’y aking pagbubuksan. Lalapitan pa, e alam mo na ang kailangan? Kapag nga kumakain ka ng sitsirya, hindi ka na naghihintay hingian, nang-aalok ka na sa kaibigan mo. 
Gusto mo ba? Nalawayan ko na e.

Pasasalamat

Naiintindihan kong meron namang hindi pumupunta run na parang mga kabataang nagsosolicit ng unipormeng pambasketbol. Meron namang gustong magpasalamat. Ayos lang, sige’t pasalamat ka’t tama naman ‘yung tumanaw ng utang na loob. Hindi naman sa wala akong dapat ipagpasalamat, marami rin nga pag binilang, pero hindi ko nakikita ang dahilan para umalis ako sa kinauupuan kong sofa habang nanonood ng isang UFC ppv. Pwede rin akong magpasalamat nang hindi umaalis ng bahay at mai-stuck sa traffic. Mas higit na pasasalamat ba ‘pag sumuong ka sa traffic, nagtiis ng isang oras ng pamboboladas kumpara sa isang taimtim na pasasalamat sa kaibuturan ng iyong puso sa tahimik na sulok ng iyong bahay?


Detoxing

"Ang tagal ko nang hindi nagsisimba. Laki na ng kasalanan ko," sabi ng isang kasama ko sa trabaho. Para sa marami, ang pagsisimba e pag-ebs at pagdedetox sa pagkain ng kung anu-ano sa loob ng isang linggo. Pakiramdam nila e naba-back to zero ang kanilang kasalanan sa tuwing magsisimba sila't hihingi ng tawad sa kanilang mga kasalanan o kaya iyung mismong akto na pagsimba ang pantanggal nila ng kasalanan. 

Hindi ba't mas tamang humingi ka ng tawad at makipag-ayos sa mga taong naatraso mo sa kasalanan mo kesa 'yung magdasal ka't humingi ng kapatawaran mula isang hindi mo nakikita't hindi mo naman inagrabyado? Kungsabagay, mas madaling humingi ng tawad sa hindi sasagot sa 'yo kesa sa kaibigan mong inatraso mo. 

Meron rin namang pakiramdam nila e kasalanan nila ang hindi sumimba at nagpapatung-patong lahat ito sa patuloy nilang hindi pagsimba. Lumalabas na obligasyon nila itong dapat gampanan. Kung ganito na pakiramdam mo sa pagbibisita mo sa shota mo e alam mo nang merong problema sa relasyon nyo.



Para sa iba, ganito ang misa, lingguhang pagbabawas ng basurang nakulapol sa  kaluluwa nila
One-Man Show

Isa pang problema ko sa misa e isa itong mahabang one-man show. Uupo ka laang sa piling ng iba, habang nakikinig ka sa pari. Kung meorn ka mang tanong o protesta sa sinasabi ng pari, e hindi ka pwedeng kumibo. Hindi ka pwedeng magtaas ng kamay at magtanong sa gitna ng semon ng: 

  • Bakit pinili ni Hesus buhayin ‘yung mga patay na binuhay niya, samantalang iyong iba e hindi? 
  • Hindi kaya't mas epektib na sa imbes na pagalingin ni Hesus ang mga ketongin e tanggalin na lang nya ang ketong, kung paanong natanggal na natin ang polio sa panahong ito sa pamamagitan ng bakuna?
  • Ano na nangyari sa mga binuhay ni Hesus? Namatay rin ba uli sila? Hindi ba nila hinanap uli si Hesus para ipabuhay? Malamang napako na sa krsu si Hesus nun, pero napaisip kaya silang sana e naroon si Hesus para buhayin uli ang kamag-anak nila? 
Imagine-in ninyong ito e sermon sa mga Gospel sa araw na iyon at hindi out of context na tanong laang. Subukan mong magtanong at tingnan ko kung hindi ka pagtinginan ng mga tao. Hindi ba pupwedeng magtanong na parang teacher at estudyante? Kung ang trip ko e makikinig laang, pupunta na laang ako sa isang konsert. 
Hmmm... in pala ngayon  ang One More Try... Justin Beiber rin. Damaso pala!
Aral sa moralidad

Wala akong natutunang bago sa misa. Meron pa ba kayong natututunang bago? Sa puntong ito ba sa buhay ninyo e hindi pa malinaw sa iyo ang tama’t mali? Kailangan nyo pa bang me magturo sa inyo nito? Kailangan mo pa bang magsimba para malamang mali ang manlamang sa kapwa? Kailangan nyo pa bang diktahan ng pari kung ano ang dapat ninyong posisyon sa RH Bill, kampi man kayo o kontra? Hindi ka makakabuo ng sarili mong opinion sa kung tama ba ang premarital sex? 

Boring

At isa pa, aminin mo na ring nakakatamad magsimba. Paulit-ulit laang naman ang lahat. Ito ang unang kanta, ito yung bahaging tatayo at uupo ka. Ito yung tatayo-luluhod. Ngayon na yung luluhod ka nang nakatingin sa paring nagtataas ng wine at nagtataka ka kung ano nag lasa nun. Ang gospels ‘pag nagtagal, ‘yun nang iyon rin ang maririnig mo: tax collector, ketongin, may pinasingit sa pila si Hesus, may pinagaling na mga bulag at pinaglakad na pilay, atbp. Ang mga sasabihin naman ng pari e predictable rin. Yun pa rin. Magsisingit ng konting joke dito at doon, gagamit ng konting slang para maging hip at cool, gagamit ng konting pop culture reference mula sa isang recent hit na pelikula o soap opera at boom! Pakiramdam mo e sulit na ‘yung pagpunta mo. Nahugasan na ang kasalanan mo. Balik sa dating gawin paglabas ng gate ng simbahan, sabay tanong ng, “San tayo kakain?” 

Ilang reliyoso at Paghuhukom

Alam kong merong mga reliyoso, kung hindi man karamihan, na ikatutuwa kung sumapit ang tinatawag na paghuhukom e mahahatulan ako at ang mga kagaya ko sa DDA o dagat-dagatang apoy. Para sa kanila e iyon ang tamang hantungan ng mga hindi naniwala sa kanyang salita. 

Kung dumating ang oras na iyon at tinanong ako ng Dios kung bakit hindi ako nakipagdiwang sa kanyang misa, ang isasagot ko e, "Pasensya na po kayo. Mahirap po kasing pagkatiwalaan ang isang babasahing mukang sinulat ng mga sinaunang tao at ituring itong literal na akda nyo. Serioulsy? Nagsasalitang asno at ahas? Pinagbigyan nyong patayin ng mga oso ang 42 bata dahil sa pang-aalaska sa isang kalbong propeta? Noah's Fucking Ark? Sandamakmak na hayop, yung lahat ng species nun na nagmula sa iba't ibang rehiyon ng mundo, pinagsama sa iisang barko? At yung Punk'd na tirada nyo ke Abraham? Hindi nga? Seseryosohin ko ang librong itong nagsasabing dapat patayin ang anak na magmumura sa kanilang anak? 

Hindi ko rin po makita ang saysay na pagkamatay ng anak ninyong si Hesus, samantalang pwede namang pawiin nyo na laang ang lahat ng kasalanan nang walang namamatay, lalo na't bugtong nyo pang anak. Kelangan pa talaga ng blood sacrifice? 

Higit sa lahat, ayoko pong makasalamuha ang karamihan ng mga taong nagpupunta roon dahil sila'y mapanghusga at makasarili. Ngayon, kung sa mga dahilang ito e nararapat akong sa DDA mapunta, pakituro na laang po ang kwarto ni Heather Vahn." 

She's in room... well, it's embarassing to say, but we thought it funny to  put all of porn stars in Room 69.