Friday, March 22, 2013

The Gospel According to the Infidel Jerome #3: God chain posts on FB


Kung ang pagdarasal para sa 'kin e isang bagay na maihahambing ko sa wishing well, ang ideya naman ng iba sa reliyon e maihahambing ko sa isang malaking negosyo ng pamahiin. Pamahiin, gaya ng mamalasin ka 'pag nakasalubong ka ng itim na pusa, mamalasin ka 'pag nabasag ang salamin mo, mabubulag ka 'pag natulog ka nang basa ang buhok, atbp. Teka, hindi yata pamahiin 'yung 'pag natulog ka nang basa ang buhok. Old wives' tale pala 'yun. Para hindi magkalituhan sa terminolohiya, paghaluin na laang natin ang pamahiin at old wives' tale, tutal pareho laang namang walang pinagbasehang ebidensya ang mga iyon. 

Gusto nyo ng ilang halimbawa? 

Nung natalo si Pacquiao ke Marquez, ang isa sa mga sinisi ng nanay niya e ang hindi nya pagsusuot ng rosaryo at pakikisalamuha sa mga pastor. Hindi ang kanyang kakulangan at kalamangan ng kalaban niya sa fokus, pagpupursigi at husay ang dahilan, kundi ang pagtalikod nya dati niyang nakagawiang pagsusuot ng isang kwintas ng mga Katoliko. 

Pag merong mga sakuna, sinasamantala ng mga pinuno ng reliyon ang pagkakataon para sabihing dapat na tayong magbalik-loob sa Dios (na ang ibig sabihin laang naman e magsimba o sumamba at magdonasyon pa tayo nang konti). Nung pinag-uusapan ang RH Bill, pinadalhan raw tayo ng Dios ng bagyo bilang tanda ng kanyang hindi pagsang-ayon. 
Aba'y ayaw mo palang magrosaryo ha? Hetong sa 'yo!
Dito sa FaceBook, mapuputakti kayo ng santambak na mga chain posts tungkol sa mga bagay na ganito. Hindi 'yung mga nagpoprofess ng faith nila ang tinutukoy ko: nagpapasalamat sa Dios sa pagtanggap sa anak nila sa tarbaho, nagpapasalamt at Byernes na, humihingi ng lakas para tapusin ang tarbaho, etc. 

Ang tinutukoy ko e 'yung mga spiritual blackmailers o scammers na nagsasabi sa iyong 'share or like this or something bad will happen'. Kumbaga e parang "The Ring" na imbes na si Sadako ang susulpot e aksidente. Kung hindi man blackmail, sinusuhulan ka ng papremyo, gaya ng great things will happen, gaya nitong nasa larawan sa ibaba.
  
Dahil alam ng Dios na mas naniniwala ka sa FaceBook
kesa sa best-selling na librong sinulat niya.
Patulan natin at suriin ito: 

Ang mga anghel

Meron raw 20 anghel sa mundo natin. Kung paano nalaman ng sumulat nitong post e ewan. Kungsabagay, kahit si Santa Claus, hindi rin nadedetect ng radar kapag lumilipad sa himpapawid tuwing Pasko e kaya't malamang totoo nga ang mga anghel na ito. At alam niya rin kung ilan sa kanila ang natutulog sa mga sandaling iyon –sampu. So mukang shifting  sila. Kalahati ang natutulog at kalahati ang gising nang tigdodoseng oras malamang. Hindi ba mabigat 'yun, 12-hour shifts? Bakit hindi 21 ang ipinadala para pwede silang 7 angels na merong tigagatlong shifts na tigwawalong oras? 

Sa mga gising, 9 na anghel ang naglalaro at isa ang naapatrulya sa FaceBook para magbasa kung sinu-sino ang mga nagshe-share at nagla-like ng mga posts na merong kinalaman sa Dios. In short, merong tagalista ng mga sipsep, parang sa eskwelahan. Ibig sabihin nito e sa bawat pots na shine-share at nila-like mo, tinatandaan nitong mga anghel na ito para mabigyan ka ng pogi o ganda points. Ilang pogi-ganda points kaya ang kailangan para makarating sa Langit? 

At bakit sa FaceBook sila pinagbabantay?Siguro dahil wala nang pinapagunaw na bayan sa kanila o pinapalayas sa Paraiso kaya't pinagbantay na laang sila noong nauso ang FaceBook.
Malamang e itong anghel na ito ang nagbabantay 
sa internet dahil siya e nakahubo.
So tinitingnan ng espiya ng Dios, este ng 1/20 na sinugong anghel ang aktibidades mo sa FaceBook. Ang gusto kong malaman ngayon e kung sa FaceBook laang. Paano na sa Twitter, meron rin kaya? E kalahati pa naman ng sinusundan ko sa Twitter e mga porn stars. Pati kaya ang ibang sites, tinitingnan nya rin? May bawas points kaya kapag binabasa nyo itong blog ng erehe? 

Sabi rito e "God is going fix 2 big things tonight". At bakit hindi 1 o 3? Hindi ba't dapat e isa laang, yung pinakaimportante para sa iyo. O kaya naman e tatlo, parang 3 wishes sa genie.

The speaker in the post

Ang hindi pinag-iisipan ng mga nagshe-share o nagla-like nito e kung sino ang nag-uutos nitong post. Suriin ang pagkakasulat: Sabi rito e ‘in your world...’ kaya’t hindi natin kauri –hindi tao ang nagpapahiwatig nito. Hindi rin naman angels dahil hindi niya pinapatungkulan ang sarili niya o kapwa niya anghel. Hindi rin naman Dios dahil nirerefer siya sa third person: God this and God that

Hindi kaya si Satanas ang me pakana nito? At ang 666th liker o sharer e madidiretso sa kumukulong asupre? Aba'y kung gayon, burahin na't baka sa DDA (dagat-dagatang apoy) pa kayo mapunta. 


Friday, March 15, 2013

The Gospel According to the Infidel Jerome #2: Wishing Well


Your wish is my command!

Marami, kung hindi man karamihan, sa mga reliyoso e salamangkero o genie ang turing sa kanilang Dios (o sa kaso ng iba e sa mga santo). Bawat maliliit na bagay e pinagdarasal nila, kahit gaanong kasimple at kaya nilang gawin sa sarili nilang kakayahan: matanggap sa trabaho, pumasa sa isang entrance exam, manalo sa sports, sagutin ng tsik, atbp.

Hindi na ako nagsisimba gaya ng sabi ko. Meron akong nakitang mas magandang alternatibo para masagot at makumpleto ang aking mga pangangailangan nang hindi na kailangang magbihis ng disenteng damit at makisalamuha sa isang konggregasyon na nambobola ng isang Lumikha. Ito ang pinakamadaling alternatibo –isang wishing well.



O aking Wishing Well, wala nang mas lilinis at lalalim pa sa Iyo.
Yun rin naman ang esensya noong pagdarasal e, hihiling kang magkatotoo ang isang gusto mo: makaipon ng pambili ng bahay, mahalin ng isang lalake/ bubae, matanggap sa aplay sa ibang bansa, atbp. Ibang usapan kung magpapasalamat ka. At kung gayon, hindi mo na kailangang magpasalamat sa isang wishing well. Pwede nang sa hangin na laang dahil ang wishing well, gaya ni Batman, e hindi mo na kailangang pasalamatan.

Ang maganda sa isang wishing well e hindi mo na kailangang maglakad nang paluhod sa malamig na semento ng simbahan, makikanta, mag-isip ng iba’t ibang salita para sabihing dakila ang Panginoon, pumunta sa isang bahagi ng lalawigan ng Cavite mag-abuloy at magpadasal sa mga madreng nakapink, mag-alay ng itlog, magbuklat ng mga pahina at maghanap ng berso mula sa isang librong katha raw ng isang dios, bumili ng mga kung anu-anong langis, magrosaryo, makipagsiksikan sa isang kulob na lugar kung saan merong isang dagat ng mga taong merong malalang sakit na ang iba malamang e nakakahawa, makinig sa mga pambubuladas ng mga pari/ pastor/ kung anuman ang tawag sa pinuno o gumising sa isang schedule kung gusto mo pa sanang umidlip.  

Ganito ang paghiling sa isang wishing well: Pumunta ka sa isang wishing well, hilingin ang kagustuhan mo at ilaglag ang barya sa balon. Pagkatapos, maghintay ka ng resulta. Kung wala kang madaraanang wishing well, sa isang balde ng tubig mo na laang gawin ito. Ang maganda pa sa 'pag timba ang ginamit mo e mababawi mo pa ang barya mo. Wishing Pail na nga laang ang tawag, pero iyon rin naman ang esensya noon. Pupwede na ring plastic cup ng naubos mong kape. 

Gaanong kadalas ba matupad ang dasal mo? Kung hindi nagkakatotoo ang mga dasal mo, subukan mo sa isang wishing well at baka doon matupad. Kung may duda ka,  eksperimentuhin mo at bilangin kung saan mas madalas matupad ang hiling mo, sa wishing well o sa dasal. Hula ko e hindi magkakalayo ang resulta ng dalawa kundi man tabla dahil tatlo laang naman ang resulta ng dasal ng lahat.

Anu-ano ba ang senaryo ‘pag ika’y nagdarasal?
  1. Magkatotoo ito.
  2. Walang resultang magaganap at kailangang maghintay. Sa pagkakataong ito dapat kang maghintay dahil hindi pa itinutulot ng Panginoon na masakaganapan ang hiling mo kaya’t patuloy ka dapat magdasal. Pagsubok sa faith mo kumbaga. O kaya naman e akala mo dapat ka pang maghintay pero ang totoo e hindi talaga mangyayari at parang pinaaasa ka laang.
  3. Hindi ito magkatotoo. At pag ganito, paniniwalain mo ang sarili mong me ibang plano sa iyo ang Dios at hindi ito God’s Will na tinatawag kaya hindi ibinibigay.
Pag nilimi-limi mo ang lahat, pumapatak laang ang lahat ng katuparan nito sa God’s Will o kung niloloob ng Panginoon ang kahilingan mo. Kung niloloob at pinaplano na pala ng Dios ito para sa iyo, bakit mo pa hihilingiin? At kung hindi ito kalooban ng Dios, bakit naman niya babaguhin ito para sa iyo? Sino ka para baguhin niya ito? Sa konting pambobola at pagkanta-kanta sa tingin mo magbabago ang kalooban ng Dios? 

At isipin mo kung anong klaseng relasyon ang meroroon ka kung bawat maliliit na bagay e inaasa mo sa iyong tinatawag na Ama.  



Tuesday, March 5, 2013

Ang kapalit ng isang lumang payong at P25


Nung isang hapong nag-iisa ako sa bahay at nagtatarbaho, merong kumatok sa pinto. Hindi ko namalayan ang walang paalam na pagpasok sa gate ng hindi inaasahang panauhin dahil sa dumadagundong na Ramstein sa background. Iniawang ko ang pinto’t sinilip kung sino ang pangahas. Isang matandang bubae! Pinanindigan ako ng balahibo sa batok. Mga 95 anyos na malamang ‘yun, nakasuot ng jacket at palda. Isinara ko ang pinto at nagpunta sa kwarto para dumukot ng tumataginting na 2000 rupiah (sampung piso sa perang Pinoy) at nagsuot ng sandong puti.

Binuksan ko ang pinto at ang unang tanong sa akin ng matandang bubae e, “Anong reliyon mo, anak?” Ito ang ibubungad na tanong sa akin sa isang makulimlim na hapon habang ako e nag-iisa? Anong klaseng kaululan ng mundo ito? Anog reliyon ko? 

“Muslim ka ba? Kristyano? Ano man ang reliyon mo, iisa lang ang ating Panginoon. Saksi ang Panginoong nagsasabi ako ng totoo...” Nagpaalam sya kung maari raw kaming umupo at ipagpapatuloy niya ang kanyang pagkukwento. Hinayaan ko syang umupo sa bangkong kawayan sa aming veranda, samantalang minabuti kong manatiling nakatayo. Tangna, baka kung ano pang bulong o sumpa ang ibigay sa akin nitong kumag na ‘to.

Inilahad niya sa aking ooperahan raw siya ng tumor kinabukasan. Sinabi niya kung saan siya nakatira, ano ang pangalan ng ospital kung saan sya ooperahan at kung anu-ano pang detalyeng hindi ko naintindihan. Wala siguro syang ideyang ang hinihingian niya ng tulong e isang banyaga’t hindi Indonesian. Hindi niya sinabi sa akin kung nasan ang pamilya nya. 

At para maniwala ako e ipapakita nya sana sa akin kung nasan ang tumor nya, pero pinigilan ko sya’t ayokong mawalan ng kakayahang tirikan ng uten habambuhay. Aba’y maglililis pa sana ng palda ang putang ‘na. Sinabi iya sa aking kailangan nya ng malaking halaga ng pera.

“Ipagdarasal ko po kayo na sana e maging matagumpay ang operasyon nyo,” sabi ko. Hindi naman siya nanghihingi ng pera kaya’t ano sasabihin ko? Iaalok ko ba sa kanya ang buong buwang suweldo ko para sa isang kwento? Ano ba dapat kong gawin? WWJD? Papasukin ko ba sya sa loob ng bahay? At para ano, magkape? Panonoorin ko ba sya ng tv at sasabihing, “Palabas po ngayon ‘yung Eat Bulaga Indonesia. Gusto nyo po ba?”

Sa huli e napagpasyahan kong magpaalam saglit at kumuha ng 5000 rupiah. Iniabot ko ang salapi sa matanda. “Pasensya na po kayo’t nasa misis ko ang pitaka namin.” Inalok ko rin sya ng tinapay. Maigagawa ko sya ng sandwich kahit mawalan na ko ng hapunan, pero ayaw raw niya. At lumuha ang langit sa aking kagalantehan. 

“Meron ba kyong payong?” tanong niya sa akin, habang nakatitig sa payong ng misis ko. Nakupow, paborito ng misis ko iyon. Malaki kasi, kasya kaming tatlo ng anak ko kung magsusukob. Makulay pa at nagagamit niya iyong panturo sa anak namin ng mga pangalan ng kulay. Pero, anong gagawin ko? Pasusugurin ko ang “ooperahan sa tumor” na matanda sa ulan? Hintayin ang ganap na pagtigil ng ambon? At ano ang gagawin namin habang nag-aantay? Anong pag-uusapan namin? Ang presyo ng langis dito na sa totoo laang e hindi ko alam? Ibinigay ko na rin sa kanya’t sa isang banda naman e medyo may sira na rin ‘yung payong, kahit na pwede pang ayusin.

Pero, bago siya tuluyang lumisan, sinabi kong, “Tamang-duda po kasi ang misis ko kaya’t kailangan ko ng picture nyo. Pwede ho bang mag-pose kayo nang saglit kasama ang payong? Hindi kasi maniniwala sa aking pinamigay ko lang ‘yun. Sasabihin sa ‘kin nun  baka naiwan ko laang sa isang angkot.” At pumayag naman sya at heto ang kapalit ng payong at Rp 5000 –isang photo na pupuwede ko nang gamitin kahit kelan para sa mga kwentong pangnawawalang matanda. 

Ang matandang dumalaw, at sa pagkakataong ito, hindi ito imbento