Monday, April 22, 2013

Sinong gustong bumili ng boto kong 'for sale' sa darating na eleksyon?


Ang dokumentong pinag-aksayahan pa nila ng panahong ipadala sa akin
Dumating na ang dokumento ko para sa aking absentee voting. Nung umuwi ako noong Hunyo nug isang taon, kasama sa proseso sa POEA ang pagrerehistro para sa absentee voting. Optional yata ‘yun, pero gusto kong nakarehistro ako para malinaw na hindi ako boboto sa oras na hindi ako bumoto, kahit na meron akong karapata't kakayahang bumoto.

Pero nagbago ang isip ko. Sa halalang ito, ibinebenta ko ang aking balota. Tumpak, pinagbibili ko ang aking boto. Inuulit ko, for sale po ang boto ko. Tutal, hindi rin naman talaga ako boboto, pakinabangan ko na laang. Pero hayaan nyong linawin ko kung ano ibig sabihin ko ng ‘for sale’ ang boto ko. Ayoko ng perang manggagaling mula sa bulsa ng isang pulitiko dahil babawiin nya ito sa oras na sya e umupo.

Kung gayon, kanino ko ito ibinebenta? 

Sa mga fan ng isang partikular na  pulitiko. Sinuman sa inyong hindi officially connected sa isang pulitiko at hindi paid henchman ng isang partido e maaaring ‘bilhin’ ang boto ko. Kung ganoong kalaki ang paniniwala o simpatya nyo sa inyong kandidato, maliit na bagay laang ang kapalit ng isa ring botong pwedeng bilangin para magwagi ang manok ninyo. Pwede kong ibenta sa inyo ang aking boto kung talagang sampalataya kayo sa kandidato nyo, pero ayoko ng cash. Sa halip na atik e 10 gigs ng videos nina Heather Vahn, Veronica Rodriguez at Kleio Velentien ang hinihiling ko. Pwede nyong ipadala sa akin ang USB na merong 16 G capacity.   

Bakit ko ipinagpapalit sa porn ang aking boto?

1. Ang bilang ng boto ko e isa (1) laang. Ang bilang ng boto ng mga tambay na lasenggo sa kanto, mga ngumunguya nang nakabuka ang bunganga, mga taong nagsasabing ayaw nila o mahina sila sa Math, mga mamimiling itinuturing na tunay na sapatos ang Crocs, mga nanonood at natutuwa sa mga noon-time shows ni Willie Revillame e tig-iisa rin laang. Hindi ko ipagkakatiwala sa karamihan ang pagpili - gaya ng botohan - ng kung anong pelikula ang panonoorin ko, ang mga pulitiko pa kayang mamamahala sa gobyerno ko? Majority (o plurality) wins ang esensya ng demokrasya, ‘di ba?

Demokrasyahin mo muka mo. Ang mga mal-informed, misinformed, clueless, ulaga at utu-uto e kapareho laang ng timbang ng boto ang boto ko. Ikaw, payag ka ba sa ideyang kapareho laang ng mga banong ito ang boto mo? Hindi ako rocket scientist o isang political analyst, pero masasabi kong mas matino ang mapipili ko kumpara sa isang bungal na umaaligid sa mga nangangampanya para sa isang libreng cheese pimiento sandwich at namimitig na ang binti sa ulanan sa kahihintay sa bisitang artista ng mga pulitiko.

At ito ang pinagpuputok ng butse ng ko. Santambak ang mga hunghang sa Pilipinas. Lumingon ka sa kaliwa’t kanan mo at makikita mong mas marami sa kanila ang hindi mo man laang tatanungin kung anong oras na't baka mali pa ang relo o hindi marunong magbasa ng hindi digital na relo. Mas lalaki pa ang bilang ng mga ulaga’t bano sa sandaling tumapak ka sa labas ng opisina mo’t naglakad sa kalsada. Ilan sa mga makikita mong estranghero ang nakikitaan mo ng muka ng isang taong sa tingin mo e makakapili ng matinong pinuno ng bansa? 


Kapareho laang nila ang timbang ng isang boto mo.
2. Isang malaking komedya laang naman ang eleksyon. Sa mga pulitikong iyan, ilan ang masasabi mong alam mong matino, merong utak at puso para sa pagsisilbi? Puno ang upuan ng trapo. Ilang kanta, tula, at pader na ang pinuno ng hinaing ng mga tao sa pagkayamot sa mga pulitikong ito. Sila-sila rin. Iyon pa ring mga pangalang iyon. Ang angkan ng mayor ng mga lolo mo ang siya pa ring magiging mayor ng magiging apo mo. At hindi mapipigilan ng iisang boto mo at ng iilang boto ng mga katulad mo ang makinarya at impluwensya ng isang brand name dahil mas marami ang mga tungaw sa bansang ito.   

Sino sa mga kilala ninyong senador o konggresista ang sa tingin ninyo e umaakto nang ayon sa dikta ng kanyang konsensya o kaalaman, sa halip na sundin ang kagustuhan ng karamihan, kagustuhan ng media, kagustuhan ng Simbahan? Sa oras na me makita, iboto mo na agad. 

Tapos, meron pang mga pulitikong gaya nitong isang Carol Jayne Lopez na naging kongresista through the backdoor (yup, sa pamamagitan party list) na puro pag-aaksya ng oras laang ang pinagkakaabalahan, gaya ng pagpapa-ban sa isang 19 year old celeb na nagpost ng mga ‘nakakainsultong’ larawan ng nakalugmok na Manny Pacquiao sa ring. Dean’s lister na ito ha. Mula sa isang matino’t merong kasaysayang unibersidad. Pano na yung mga hindi pa qualified? Mga ganitong uri ng mga pulitiko ang ibinubunga ng ating boto. 

Tapos, sinu-sino ba ang mga kandidato natin ngayon sa Senado? 
  • Isang pinuno ng konggregasyon ng isang reliyong naniniwalang ikagugunaw ng Pilipinas ang pagpapalegal ng same-sex marriage sa Pinas. Isang taong naniniwalang maso-Sodom at Gomorrah ang Pinas 'pag hinayaan nating makasal ang dalawang taong magkapareho ng kasarian.
  • Anak ng isang Alamat ng Pinilakang Tabing na paulit-ulit na binabanggit na tatay niya ang yumaong ama
  • Isang dating sundalong hindi makapagdeliver ng matinong speech nang live nung kinubkob nya ang isang hotel at ngayon e nakapiit (pa rin ba?)
  • Mga balimbing, gaya nung isang may paid hack na nagfeature sa love life niya nung Pebrero
  • Isang hindi ko kilalang kandidato, pero hindi ko mapagkatiwalaan dahil kaapelyido ng mob boss sa Batman
  • Mga anak ng mga pulitiko na ang tanging kwalipikasyon e pagtataglay ng apelyido ng kanilang mga magulang at ilang mga hindi mo kilala
"Sabi ng Good Book, huwag gayahin 'yung nangyari sa Sodom and Gomorrah dahil darating ang paggunaw sa isang bansa 'pag 'yun ay ginawa"
3. Mas malaking komedya ang Party List kumpara sa kandidato. Ayon sa wikipedia:
Under-represented sectoral groups such as labor, peasant, urban poor, indigenous cultural communities, women, youth, and such other sectors as may be provided by law, except the religious sector, are encouraged to participate in the party-list election.   
Sabi e under-represented raw na grupo. Pero mapapansin ninyong puro labor unions ang namumutawi sa mga ito, gaya ng mga jeepney drivers at operators na ang pangunahing kagustuhan sa buhay e magkaron ng kontrol sa pagpapataas ng pasahe at kung anu-anong grupong binuo laang para makaupo nang palihim ang mga merong pangarap na maging konggresista, pero hindi kakayanin ng sariling brand name ng kanyang apelyido.  Ilan sa mga ito ang tunay na under-represented o mula sa indigenous cultural communities? 

At ang mga putang inang pangala’t acronyms:
  • A Teacher (Advocacy for Teacher Empowerment Through Action, Cooperation, and Harmony Towards Educational Reforms) -Pinilit talagang isingit ang ‘harmony’ para mabuo ang acronym ng Inggles ng guro. 
  • AMA (Aagapay sa Matatanda) -Paano na ang ina? Ang ama laang ang responsable sa pag-agapay ng matatanda?
  • Aasenso (Ating Agapay Sentrong Samahan ng mga Obrero Inc) -Ano bang trabaho ng obrero? Mukang aasenso tayo talaga sa tarbahong ito.
  • Ading (Advance Community Development in New Generation) -Uunahan ko sila sa pangalang Better Advance Community Development in New Generation dahil mas may recall ang Bading kesa Ading at para makalinlang ako ng ilang boto mula sa lesbians and gays community.
  • BH (Bagong Henerasyon) -Tang ina nyo, BH. Sa inyo na ang bagong henerasyon nyo ng katangahan sa musika, TV, fashion, etc. 
  • Ama (Ang Mata'y Alagaan) Hindi nga? Party list ‘to? Samahan ng mga optalmologist o mga malalabo ang mata? Ano ang una nilang panukala, pauupuin ang mga me malalabong sa harap ng sinehan?  
  • Ako (Ako Ayoko sa Bawal na Droga) -Ano ba 'yun, tinamad nang gumawa ng acronym. At kailangan pa nati ng grupong aayaw sa bawal na droga dahil walang ginagawa ang gobyerno para puksain ito? 
  • Adam (Adhikain ng mga Dakilang Anak Maharlika) -Grupo ng mga prinsipe? Anak ng mga datu o raha? Grupo ng mga chauvinists? Wala rin akong ideya kung ano ito. 
Hindi nga, mga under-represented ang mga ito? Mga taong ayaw sa bawal na gamot? At ang bagong henerasyon? Anong hinaing ng mga hayup na ito? Darating ang oras nyo, BH, hintay laang. At mga malalabo ang mga mata? 

Note to self: Sa susunod na halalan e magpaprehistro ako ng ilang party lists. Mamatay na ang umagaw sa akin ng mga pangalang ito:
  • Parausa’t Upahang Tsiks Association (PUTA)
  • Ugnayan ng mga Trabahador at Empleyadong Nagkakaisa (UTEN)
  • Kabataang Umaaksyon sa Paglinang ng Adhikain ng Lipunan (KUPAL)
  • Inuutusan, Naglilingkod na mga Dakilang Atsay at Yaya (INDAY)   
  • Karapatan sa mga Silyang Pangkaliwete (KSP) -Dahil naniniwala akong dapat merong mga armchairs sa classrooms na kaliwang kamay ang gamit kapag nagsusulat. Hindi ba’t marginalised at under-represented ang mga ito dahil puro pangkanan laang ang mga armchairs sa mga classrooms? At oo, kulang sila sa pansin (KSP) sa sense na nalilimutan sila lagi ng mga school admin.         

Kalokohan ang ideya ng eleksyon, kalokohan ang mga kandidato at isang mas malaking kalokohan ang party list system. Dahil sa isang malinaw na pag-aaksaya laang ito ng aking oras (at sa eleksyon sa taong ito e pati selyo) e ipagpapalit ko sa murang halaga ng oras ng pagdadownload ng mga paborito kong artista at USB ang aking boto. Kung walang bibili, isusulat ko na laang uli ang mga pangalan ng mga lagi kong  ibinoboto: Teddy Boy Tapik, Digo (kung buhay pa ‘yung lasenggong iyon) at Nardong Bayawak.



Ang pakiramdam ko sa buong eleksyong ito.



Thursday, April 4, 2013

The Gospel According to the Infidel Jerome #4: God Chain Posts Vol. 2


May nakita akong bagong version nitong isang binusisi kong post na merong mga anghel. Hindi ko alam kung tinanggal nila ang anghel sa bagong version na ito bilang reaksyon sa post ko nung nakaraan. Natauhan kaya sila sa kahangalan ng sinulat nila kaya’t tinanggal nila ang anghel?

Sa nauna kong post, ang hinimay ko laang ang e ang isyu ng anghel at iniwan ang tungkol sa sasabihin ko rito. Sa pagkakataong ito, ibabaling ko ang atensyon ko sa Dios o sa ideya ng Dios ng sumulat nito sa pag-asang makita ang kaululan ng ideyang ito.

Ako laang ba ang nakakapansing sa mga ganitong posts e nagmumukang insecure at KSP ang Dios?
Dahil ang ideya nila sa Dios e isang kamag-anak na laging nagtatampo
Hindi pa ba sapat ‘yung inaalala dinadakila siya’t binobola sa misa tuwing Linggo, bible studies, o kung anumang konggregasyon at kailangan niya pang pasukin ang FaceBook? Kailangan niya pa ng ‘like’ at ‘share’ ninyo? Araw-araw kelangang ireassure nyo syang naniniwala kayo sa kanya at laging siyang nasa isip nyo? At sa punto pang anuman ang ginagawa e kelangan nyo talagang itigil at i-share sa mundo? Kungsabagay nagfe-FaceBook laang naman nga, pero kahit na. malay mo merong mas importante kang ginagawa gaya ng nag-a-upload ng larawan ng kape mo.  

Ang mga kaibigan ko sa FaceBook bagama’t hindi ko nakikita nang personal o nakakachat e alam nilang kaibigan ko pa rin sila. Hindi ko sila kailangang sabihan araw-araw o linggu-linggo na ‘Uy, BFF pa rin tayo ha...’ para isipin nilang kaibigan ko pa rin sila.  

At saka bakit ba laging na laang tayong sinusubok?

Pagsubok ba ito saan? Sa ating pananampalataya? Gaano bang kahalaga sa Dios na malamang siya ang dinidiyos natin at hindi si Baal? Ganoon ba kaimportante ang ating pananampalataya at pagsusukli ng pagmamahal natin sa kanya at kailangan niya pa tayong guilt-tripin lagi? At sa oras na tayo e nagfe-FaceBook?

Hitik ang bibliya sa mga kwento kung saan pinadaraan niya ang mga tao sa pagsubok: pagsasakripisyo ni Abrahamng anak niya, ang kwento ni Job, atbp. Tapos, ngayon, tayong mga nag-iinternet laang e susubukin pa? Hindi ba pwedeng pumirma na laang tayo ng kontrata at sabihin sa Dios: "Bagama't hindi kita nila-like sa FB e ikaw pa rin ang kinikilala kong Dios at hindi si Baal, Odin,  Satanas o ang araw."

At kung walang katumbas ang super powers ng Dios, kaya na niyang basahin ang ating saloobin at hindi na niya kailangan pang isailalim tayo sa mga kung anu-anong pagsubok. Dapat daig niya pa si Prof. X na naka-Cerebro scanner. Dapat e alam na niya kung sino ang tapat na nananampalataya, nanlalamig, suwail, walang paki o kaya e exempted dahil nakatira tayo sa isang liblib na lugar na hindi inabutan ng mensahe ng kanyang blockbuster na libro.

Bukod sa insecure at KSP, sa post na ito, lumalabas na isang malaking kupal ang Dios.

Bagama't hindi sinasabing kailangang i-send mo muna ang message at tutulungan ka ng Dios, padaplis namang pinararating sa iyo ang mensaheng ito. Bagama't walang connectors na ginamit na nagsasabing aayos ang lahat pag ibinahagi mo ang post, parang iyon na rin ang gustong tukuyin nun. 
Walang pinagkaiba sa pulis na palalampasin ang violation mo
kung may nakasingit na kwarta sa ilalim ng lisensya mo.
Anong konklusyon ang ating mararating sa ganitong sitwasyon? Alam niyang nahihirapan tayo, pero gusto nya muna tayong lumapit at humingi ng tulong? Sino sa inyo ang maghihintay pang hingan ng tulong bago tulungan ang isang kaibigan? Kasinglaki na ng melon ang tumor sa muka, lalapit ka pa sa Dios para humingi ng tulong? 
Nabanggit na rin ang tumor, ano naman ang problema ng mga taong nagpapasimula at nakiki-like o share ng posts na gaya nitong nasa ibaba? Kung gusto ninyo talagang ipagdasal ang mga ganito e 'di ipagdasal ninyo sa paraang natutunan ninyo o kaya e sa aking paraan -sa isang wishing well.
Baby with tumor: 1 like = 1 prayer, 1 share = a hug from an angel
Meron akong palagay na hindi ang Dios ang KSP, insecure at kupal sa sitwasyong ito, kundi ang mga taong gusto i-broadcast na sila e mababait na tagasunod ng Dios. 

Tandaan ninyong hindi kamay ng Dios ang nagtipa ng mga posts na ito, kundi tao. 

Sa likod ng isang computer niya e merong isang taong nagdesisyong magsulat ng kabulastugang spiritual blackmail na ito dahil alam niyang merong magpapauto o matatakot kaya't magse-share dahil ayaw nilang maparatangang hindi niya pinansin ang Dios at hindi niya like si God. Meron rin namang gusto laang nilang mag-feel good about themselves kaya ginagawa ito. 


Tutal malapit na kong humarap sa Panginoon, makasipsip na.