Wednesday, August 14, 2013

The Gospel According to the Infidel Jerome #5: Mga ginintuang aral mula sa mga pastor at pari


No. Your pastors and priests can spin doctor shit into gold, not God. Ang mga pastor at pari ninyo ang magaling umisip ng mga konsolasyong masasabi sa panahon ng problema at sakuna. Sila ang me maiisip na magandang masabi sa mga nasasalanta ng bagyo, atake ng terorista, pamamaril sa sinehan at kung anu-ano pang hindi kaaya-aya. Mga pambatong linya:
  • God is testing your faith.
  • God is making you stronger by making you go through this moment of hardship.
  • God has better plans for you.
  • God is teaching you a lesson on humility.
  • God wants you to be closer to Him.   
Subukan ninyong sabihin iyan sa mga naanakan ng sarili nilang ama. Kung sabagay, ayos naman sa bibliya nung sinipingan ng Righteous na si Lot ang mga anak niya sa kanyang pagkalasing sa kweba.

Pagdating sa saloobin at mensahe ng Dios, ang takbuhan nyo e ang mga pastor at pari. Mga pastor at paring pagkahuhusay mag-imbento ng sasabihin sa sermon at aral.
 
On a smaller scale, hayaan ninyong bigyan ko kayo ng anekdota. Iintroduce ko sa inyo ang aking kaibigang guro na isang Irish Pastor na kilala ng iba sa aking Facebook bilang ang kalaro ko sa basketball na nagpauso ng isang uri ng foul na kung tawagin e un-Christianlike foul. Tawagin na laang natin syang Roy.

Noong isang  field trip, pumunta kami at ang aming mga estudyante sa isang farm na nagbebenta ng kuneho. Ang raket e pwedeng hulihin ng mga bata ang mga kunehong nasa isang saradong lugar na kasing-laki ng isang classroom sa public school. Ang mahuhuling kuneho ng mga bata e pwede nilang bilhin at iuwi.  

Sa karamihan ng nahuli, nabili't inuwing mga kuneho, ilan ang  nagpakita ng panghihina sa loob ng bus at merong isang kuneho ang namatay bago pa sumapit ng eskwelahan. Natural na ikinalungkot at ikinahambal ng isang batang edad na walo ang pagkakita sa pagkamatay ng kuneho niya. Sa awa ng misis ko e ibingay niya ang kunehong sana e ipapasalubong namin sa aming anak. Maluwag naman rin sa kalooban ko iyon kahit na nanghihinayang akong ang anak ko ang mawawalan sa pagkakataong yaon. 

Fast forward ng ilang minuto, merong isang batang ibinigay sa amin ang kuneho niya dahil hindi sya pinayagan ng mga magulang niyang magkupkop ng mabalahibong alaga sa bahay.

“See how God works?” sabi sa 'min ni Roy. “You gave up one and now you are given one in return. God blessed you with another because of your kindness.” 

Makalipas ang dalawang araw, patay ang kuneho. Nasan roon ang “See how God works?” Ano ang naging silbi ng pangyayaring yaon? 
Siguro, kung hindi parang namimili ng manokl sa palengke ang pisil ng anak ko e baka buhay pa ang kuneho naming is Meep Meep.
At ano ang paliwanag ni Roy sa pangyayaring iyon na kung saan kami e biniyayaan ng kuneho bilang kapalit ng ipinakita naming kabutihan? Dahil hindi naman trahedya ang lahat at isang hindi mahalagang maliit na hayop laang namang ang pinag-uusapan, wala siyang nabanggit na bersong makapagbigay ng konsolasyon sa aking anak. Ang tanging nasabi niya laang e, "The thing is... They're selling them too young. The chances of them surviving is very slim. That's why I told my daughter to pick a big one and not the tiny cute ones."

Kumambyo ang pastor sa agham. Agham ang dahilan kung bakit namatay ang kuneho. Agham rin ang basehan niya sa pagpili ng kuneho. Asan na ang kahit anong piliin ng anak niya at bahala na si God sa pagpapalaki nito? Aba'y akala ko ba e biyaya ng Dios 'yung kunehong iyon? Bakit hindi nabuhay iyon hanggang sa panahong magkainteres sa ibang paglilibangan ang anak ko, gaya ng porno? Dalawang araw? Salamat po, Dios. Sana dinala ko na laang sa zoo anak ko para walang naging attachment.

At dahil hindi ako pastor, ginamit ko ang pagkakataong ito para magkasilbi, sa isang makatotohanang aral. Nilagyan ko ng silbi ang pagkamatay ng kuneho. Ginamit ko ito para magkaroon ng konsepto ng kamatayan ang aking anak.

“Namatay na si Meep Meep. Nabagsak mo kasi nang ilang ulit. Talagang ganun, anak.  Ang katawan e merong hangganan, nasasaktan, nagkakasakit at namamatay. Namamatay ang lahat,” paliwanag ko habang inillibing ko ang namatay naming kuneho. Saka ko na laang rin ipapaliwanag sa kanyang ganyan rin ang kahihinatnan namin pagdating na panahon - sa ilalim ng lupa, hindi sa DDA, ang probation room o mga ulap. Wakas.



At isa pang note sa pagsusulat: Dapat e hindi iyon VICTIM into a VICTORY, 'Victim into a victor’ para parehong patungkol sa tao.  


Wednesday, August 7, 2013

Himutok ng isang mister na napahugas ng pinggan

Fuck you, dishwashing liquid ads!

Sa susunod na makakita ako ng taong  masayang naghuhugas ng plato sa isang patalastas, tutuntunin ko kung nasan sya at uurakan ng isang kutsilyong merong bula. Hindi ko malaan kung saan hinuhugot ng mga taong ito ang kanilang enthusiasm sa paghuhugas ng pinggan. Akala mong nakapagkawang-gawa sila sa pagtatapos nilang maghugas ng pinggan.

Hindi naman sa madalas akong makapanood ng komersyal ng dishwashing liquid dahil hindi ako nanonood ng mga soap opera. O kaya ng mga palabas sa tv na merong komersyal. Kung meron mang komersyal ang pinapanood kong palabas sa TV, iyon e condom o kaya e pampakintab ng katana.



Bakasyon ang maid namin ngayon. Dalawang linggo rin ito dahil ang panahong ito ng Ramadan e parang kanilang Pasko at umuuwi sila sa kani-kanlang probinsya. Kelan laang e ako ang naghugas ng pinggang kinainan namin. At kung tinatanong nyo ako kung bakit ako ang naghugas ng plato at hindi ang misis ko, hindi kita tatawaging sexist dahil kahit bibliya mismo e pinagsasalok ng tubig sa balon ang mga bubae. Si Hesus nga mismo kung utusan ang nanay niya roon sa kasal Cana e inam. 


*Actually, di nya pala inutusan ang nanay nya, pero pabalang ang sagot niya nung sinabi nitong ubos na ang wine. Pwede rin akong sumagot sa misis ko nang pabalang kung gayun ang punto ng bersong ito.

Naghugas ako ng pinggan dahil merong sinunod na resiping Bumbay na tinapay ang misis ko sa YouTube at nagluto. At masarap.


Hindi racist ang joke kung kakain ka ng pagkain nila. At oo, giniling na Pinoy laang yung nasa ibabaw ng roti prata.
Kung ako ang tatanungin nyo, mas gugustuhin kong ako na laang ang magluto kesa maghugas ng kinainan. Mas merong saya at pakiramdam ng tagumpay ang makapagluto kesa maghugas ng plato. Kaya’t santambak ang cooking shows, samantalang ni isa e wala pa akong narinig na dishwashing show.

Is Sam using a Korean pot washing technique? It looks like...
At bakit hindi na laang ako ang nagluto sa imbes na maghugas ng plato kesa nagmumutarga nang ganito? Kung tutuusin pipwede kong pag-aralan ito, lalo na’t meron akong mga kaibigang marunong at magaling magluto. Nung sumubok akong magluto noong binata pa ako, napansin kong ke tagal na gawain pala nito, pero ang pagkain at pag-ubos nito e sandali laang. Mas gusto kong mas matagal ang appreciation kesa actual preparation. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako nag-aral magluto nang seryosohan. At tutal, meron na akong asawa, sino pa ang kelangan kong mapabilib for sex?  

Naaalala ko iyong panahong sinasabi sa akin ng aking nanay na dapat e matuto ako ng mga gawain sa bahay dahil darating ang araw na kelangan kong tumuntong sa sarili kong mga paa at kelangan ko rin itong gawin. Mommy, kung pinalaki mo akong merong maid, sa tingin ko e alam mo nang natutunan ko na ang kasagutan sa kung sino ang maghuhugas ng kakainan ko. Lalo na’t pinag-aral mo ako at pinagtapos ng kolehiyo at binigyan ng pagkakataong makakuha ng trabahong makapagbibigay sa akin ng sapat na salaping kumuha rin ng maid, gaya ng ginawa nyo noong ako e bata pa. 

At heto nga, meron kaming maid. Yun nga laang e off sya ng dalawang linggo. Meron kaming nakuhang sub, kaso hindi pa pwede nung gabing ako e naghugas ng pinggan. At dahil dito, naharap ako sa sitwasyon: Ano ang gagawin sa mga paglutuan at kakainan ngayong gabi? 

Ang mga lalaki e mga logical na tao. Ang tingin namin sa mga sitwasyon e mga problemang kelangang solusyunan. Maraming paraan para solusyunan ito nang hindi nababasa at nabubulaan ang aming kamay. Kung sinasabi mo e mag-asawa, dyan ka nagkakamali. Natatakasan mo ang nanay mo, pero ang misis e hinde.

Sex? Pag-iisipan ko muna. Depende sa hugas mo.
Sa tingin mo ba e maghuhugas ako ng pinggan kung binata pa ako? Mga misis laang naman ang ayaw sa ideyang kumain ng pizza mula sa kahon, bumili ng paper plates, bumili ng siopao sa naglalako sa kalsada, bumili ng liver spread at ipalaman sa tinapay o kaya e makiisa sa mga Muslim sa kanilang pagfafasting sa loob ng dalawang linggo.

At marami silang paraan para mapaghugas ka ng pinggan. Pipili pa sila ng pinakamagandang oras para maghuhugas, gaya ng isang UFC main event at sisirain ang mood mo sa panonood dahil magmumuka kang tamad at walang pakelam kung 'nahihirapan' asawa mo. Bagama't totoong tamad at wala kang pakelam kung 'nahihirapan' asawa mo, ayaw mong maipamuka nila ito sa iyo.

Sa panahong sinusulat ko ito e dumating na ang aming sub na maid na malapit lang sa main ang bahay, pero mag-o-off rin kinabukasan dahil 'Pasko' na nila. Tingnan ko kung mapipilit ko misis ko ang misis kong magfasting.




Saturday, August 3, 2013

Foodography 101: 5 Bagay na Dapat Nyong Malaman sa Pagkuha ng Litrato ng Pagkain Ninyo


Sa mga Facebook 'friends' nyo, hindi maaring mawalan ng mga taong magpopost ng mga kung anu-anong pagkain nila. Hindi ang mga food bloggers ang tinutukoy ko, kundi yung mga taong kumukuha ng larawan ng pagkain nila, ia-upload saFacebook. Bilang 'friend' na makakakita nito e mapapakamot ka ng ulo para intindihin kung ano ang saysay nito. "Bakit sya naglagay ng picture ng tinola?" 

Hindi gaya ng mga food bloggers na naglalayong magreview ng pagkain para malaan mo kung saan magandang kumain o magdala ng date, ang mga foodographers na ito naglalagay laang ng pics ng mga pagkain para sa mga misteryosong dahilang hindi ko pa rin maintindihan. 

At ngayon ko laang natuklasan ang lahat at hayaan nyong ibahagi ko sa inyo. Kasalukuyan tayong nag-eevolve bilang human species. Nag-eevolve ang ating digestive system, gaya ng nasa larawan:  



Kaya pala malimit hindi ako matunawan ng pagkain dahil hindi ko nasusunod nang tama ang proseso ng digestion. At kung kayo e katulad ko rin at gusto nyong sundan ang tamang paraan ng pagkain, makatutulong na sundin nyo ang mga alituntuning ito.

O kung kayo e natutunawan at ang gusto nyo laang e ang makiuso at ngayon ka laang nakadampot ng camera at naka-online, hayaan mong gabayan ko kayo sa mga dapat nyong tandaan bago magpost.

1. Dapat e sarili ninyong pagkain ang ipopost ninyo.

Hindi maiiintindihan ng mga FB-tizens ang isang post ng picture ng pagkain kung hindi ito sa iyo. Hindi pipwedeng litrato ito ng katabi mong ang inorder e iyong mga mahal na pagkain sa menu. Kung ang inorder mo e isang tasa ng mainit na tubig lang para sa iyong Maggi Bouillon Cubes gaya sa isang 80s na patalastas, iyon dapat ang kunan mo ng litrato, hindi ang nasa kabilang mesa.

Kasama na rin rito ang mga nakadisplay na pagkain sa istante, larawan sa internet at larawan ng larawan mismo ng pagkain sa menu. Dapat ang kunan mo e ang mismong ilalaman mo sa sikmura mo.

2. Ang mga pinopost na pics ng pagkain ay dapat bago.

Kung napapatawad ng mga FB-tizens ang mga late post kung meron nakahashtag na late post (o #latepost o #sorrylatepost), ang isang lumang post ng picture ng pagkain e frowned upon. (Pwera na laang kung ang intensyon mo e isang #ThrowbackThursday.) Mapagbibigyan ka nila sa iyong post ng isang bagong luto mong pagkain, ng kakainin mo sa isang restawran o handaan, kung ito e bago mo kainin, pero pagtataasan nila ng kilay ang isang post ng pic ng isang pagkaing tatlong linggo na ang lumipas. Masyado pang maaga para isali ito sa #ThrowbackThursday. Para ka laang nagpapahili pag ganun, pero kapag bagong post, naiiintindihan nilang ‘Uy, kakain ng masarap si Jerboy!’

Ang aking tanghalian

3. Dapat e gandahan ninyo ang presentasyon ng inyong mga larawan.

Dahil nagpopost kayo ng pagkain, dapat gandahan ninyo ang kuha ninyo. Makukuha ito sa anggulo, tamang paggamit ng liwanag at konting retoke, gaya ng Instagram (hindi instant gram, ika nga ng isang matanda kong kaibigan). Maraming mga libreng app para mapagmuka mong pagkain ang mga basurang isinasaksak nyo sa katawan ninyo. Gamitan ng iba't ibang filter para gumanda itsura. Kahit isang pritong itlog, ‘pag kinunan nang mahusay e magmumukang galing otel.

Gaya ng tao, meron ring photogenic na pagkain at merong panget kuhanan ng litrato. Ika nga ng katoto kong si Acton De Ocampo, hindi photogenic ang kare-kare kung wala sa palayok kaya’t hinay-hinay laang sa zoom kung ayaw nyong mapagkamalang naghahanap kayo ng pinakamalapit na branch ng Malabanan.

Buti na laang merong gulay na sahog ang kare-kare, kundi magmumuka itong huling step sa digestion.


4. Ang pagta-tag ng picture ng isang pagkain sa mga taong hindi kasama sa inyong lakad e maaaring makalikha nghidwaan.

Naenjoy nyo ba masyado ang pagkain nyo? Sobra ba kayong enjoy na sa tingin nyo e pati ang mga hindi kasama sa lakad e dapat tina-tag para ibahagi ang inyong kaligayahan? Minsan, maaring iba ang dating nito sa ita-tag ninyo. Baka mapagkamalang nang-iinggit laang kayo.

5. Nagmumuka kayong engot sa tuwing kukuha kayo ng litrato gamit ang mga i-Pad nyo, pero sulit naman.

Ito ang itsura ng mga kumukuha ng picture gamit ang i-Pad.

Hindi pa ako nakakakita ng taong hindi nagmumukang ulaga sa tuwing magkukuha ng litrato gamit ang mahiwagang salamin, este, i-Pad, lalo na’t mga pagkain ang kukunan. Sa hugis at laki pa laang ng i-Pad e alam nyo nang isinaksak laang ang feature na camera kahit alangan dahil ayaw nilang mapag-iwanan ang kanilang gadget. Sigurado akong nung iniimbento ng Apple ang i-Pad, hindi nila gustong isama ang camera dahil napahirap gamitin nito sa paglilitrato. Nasubukan nyo na bang magkuha ng litrato gamit ang i-Pad? Pero kahit ganito ang kanilang paniniwala, isinama nila ito dahil gusto nilang ipagmalaking lahat e kayang gawin ng isang Apple at alam nilang kahit anong kalokohan, basta’t lalagyan nila ng Apple logo e tatangkilin ng mga Apple users. Syempre, damay na rin dito ang iba pang mala-i-Pad na produktong kamuka nito ang hugis at laki.


At ganito naman ang itsura ninyo pag nang-a-i-Pad kayo ng pagkain nyo.
At nagmumuka rin kayong ulaga pag inilabas nyo ang mamahalin nyong camera na merong malulupet na lens. Alam nyo itsura nyo sa tuwing kukuha kayo ng litrato gamit ang mga fancy-schmancy ninyong cameras? Para kayong taga-press na nag-aabang ng paglabas ng mga sikat na artista sa isang red carpet event, pero sa imbes na taga-press, kayo e kayo; sa imbes na artista, e pagkain; at sa imbes na red carpet event, kayo e nasa isang sulok ng restawran na malapit sa banyo dahil hindi kayo nakapagreserba ng mesa. Ang problema pa sa paggamit ng mamahalin nyong camera e hindi nyo agad ma-upload ang pics nyo at baka ma-late post kayo nang hindi sinasadya.
"C'mon, work with me, baby. Give me fierce."

1 lke = isang sapok sa muka ng kupal na ito.
Good news foodographers! Merong inimbentong camerang kinabitan ng internet para mai-unleash, este, upload sa FB ang inyong foodography!

Para sa mga atat mag-upload at hindi na makakahintay umuwi ng bahay at maglipat ng files.

Pero, tandaang sulit naman ang lahat pagkatapos. Ang produko ng inyong larawan ay panghabambuhay nang maiiwan sa inyong FB para makita ng madla dahil meron kaming pakialam kung ano ang kinakain nyo. Now, you're ready to click and chow!

Related posts: