Monday, March 17, 2014

Obscure Bible Verses #13: Ezekiel 23:19 Mga kalahi ni Totoy Mola sa bibliya

Sa blockbuster na libro ng Dios, kapag gustong niyang ipakita ang kanyang pagmamahal, gumagamit sya ng mga simbolismo. Siguro dahil hindi pa uso ang Hallmark cards at pagpapadala ng isang bouquet of flowers. Gaya sa Hosea, ginamit ng Dios ang puta bilang simbolo ng kataksilan ng Israel sa Dios. Sa Hosea e inatasan niya ang propetang si Hoseang mag-asawa ng puta para ilarawan ang pagmamahal niya sa Israel at kung paanong kahit ang isang puta e kayang mahalin ng Dios. 

Sa kwentong ito e inihahambing ng Dios ang kataksilan at pagkasalawahan ng Israel at Judah sa dalwang magkapatid na patotot na binansagan niyang Oholah na sa wikang Hudyo e 'her tent' at Oholibah na 'my tent is in her'.  

Matapos ang mga kabanata tungkol sa mga mala-bangungot na visions, paghilata nang patagilid nang higit isang taon, pagluluto gamit ang etsas bilang panggatong sa harapan ng mga tao, kumambyo ang librong Ezekiel at nag-ala Xerex Xaviera on crack sa kabanatang ito. Kung ang Hosea e love story, ang Ezekiel 23 naman e bible version ng The Unfaithful Wife (o Wives)Inilalarawan ang kalibugan ng magkapatid na Oholah at Oholibah at kung paanong sila e nagpa-gangbang sa mga Egyptians, na kung matatandaan nyo e ang mga kalaban sa Prince of Egpyt at The Ten Commandments. 
1 like = 1000 prayers for an Ezekiel 23 movie.
Namumutiktik sa mga imaheng pwedeng gamiting script sa porno ang kabanatang ito para ilarawan ang idolatry o pandyo-dyos sa mga diyos-diyosan ng Israel at JudahKung gustong magpalipas ng oras at magpainit ng mga Hudyo noon, sumusulpot sila sa lugar kung saan merong nangangaral ng galit ng Dios dahil hindi pa uso ang bold magazines, Abante at internet. 
Ang porno ng mga Israelita noong araw.
Ilan sa mga piling berso: 
"They became prostitutes in Egypt, engaging in prostitution from their youth. In that land their breasts were fondled and their virgin bosoms caressed." Kailangan pa talagang sabihing nagpalamas ng suso? Hindi pwedeng sabihing sa Egypt sila nagpadonselya?
"She did not give up the prostitution she began in Egypt, when during her youth men slept with her, caressed her virgin bosom and poured out their lust on her." Hindi laang ito ang pagkakataong binanggit ang money shot at bukkake sa bibliya!   
"17 Then the Babylonians came to her, to the bed of love, and in their lust they defiled her." Gangbang sa bibliya! 
Nasa pages 69-115 ang hinahanap nyong kwentong isinalarawan ni Rey Arcilla.
At ang pinakamalupet rito e ang tungkol sa mga taga-Ehiptong meroroong malalaking mala-Totoy Molang kargada at kasindami ng sa kabayo kung bumuga. Ganun pala kalaki ang mga Egyptians? Ganung karami rin pala ang similya nila? Kung ako e ipinanganak na Egyptian sa panahong ito, ipapatato ko sa braso ko ang bersong ito, Ezekiel 23:19-20, para ipaalam sa lahat na ang aming lahi e meroroong uteng ganoong kalaki at meron kaming ganung sandamakmak na punlay na pwedeng ipamahagi sa kababihan. 

Kungsabagay, kumpara sa kwento ni Abraham, mas maikukwento ko sa anak ko ito.

Ang hindi ko laang mawari sa bersong ito e kung naiiinggit ba ang Dios na malalaki ang kargada ng karibal niya. Bakit niya sinasabing pinagpapantasyahan ng magkapatid ang mga dati nilang kaulayaw na meroroong malalaking tarugo? Hindi ba dapat e mas malaki sya run at hindi na kelangang mabahala sa mala-asnong uten ng mga dyus-dyosan dahil sya ang Dios na lumalang ng lahat, pati na pagbibigay ng ari? Teka, ang sinasabi kong mga ari rito e simbolo ng kapangyarihan, pagmamahal, o kung anumang gustong isagisag dapat ng mga uteng iyon, hindi aktwal na naghuhumindig na pagkalalake.

Lumalabas bang hindi nasisiyahan sina Oholah at Oholibah sa kanilang 'asawa'? Kasi kung masaya naman sila sa kanilang asawa, hindi na aalalahanin pa ang mga lalaking mala-mola. Kungsabagay, ano nga ba magagawa mo kung ang susundan mo e si Ron Jeremy o kaya e isang 7-footer na NBA player? Teka, simbolismo pa rin ang pinag-uusapan natin, hindi aktwal na pagtatalik sa mga higanteng ari.  

Sa kabanatang ito e hihiyain ng Dios ang Israel at Judah at huhubdan, ipapahamak sa mga dati nitong kaulayaw at... alam nyo na ang kasunod, basic Old Testament rage at bloodlust.  
"49 You will suffer the penalty for your lewdness and bear the consequences of your sins of idolatry. Then you will know that I am the Sovereign Lord."

Sige na nga, Sovereign Lord na nga. Hetong clip sa The Meaning of Life ng Monty Python tungkol sa punto kong ito tungkol sa paligsahan ng palakihan. 

 




No comments:

Post a Comment