Thursday, May 29, 2014

Ang Himalang Paggaling ni Lance Raymundo

Sino kaya pinaglololoko nitong Lance Raymundong ito? Matapos maibate ang barbell sa kanyang pagmumuka na naging dahilan ng pagkabasag nito, e heto't nagpapralala syang narinig nya si Hesus na nakipag-usap sa kanya sa Inggles - dahil alam ni Hesus na hindi sya marunong mag-Aramaic. Ngayon, kung bakit hindi Tagalog, e ewan. Alam sigurado ni Hesus kung sa aling lenggwahe mas mahusay ang lalaking nabagsakan ng ilang kilong bakal sa muka. 

Sabi ni Lance Raymundo, pinagdudahan nya ang boses, na inihahambing nya sa boses sa Big Brother, nung sinabi nitong pagagalingin raw sya.  
"This is exactly what the voice said, in English, sabi niya sa akin: 'You're only going to suffer for six days, but on the seventh day, I'm bringing you back, because I have a mission for you. I want you to continue what you're doing,'"
Inisip nyang e baka sya e naghahalusinasyon laang. "Good job at ginagamit mong kukote mo" ang sana'y aking sasabihin, pero lumilitaw na meron syang gustong ibenta sa madla. Sinabi raw nitong  tinig na itong makikita raw nya ang sagot 'pag bumangon sya sa pagkakahiga sa kama ng ospital at umupo - na sya namang kanyang ginawa. Nakita nya ang masalimuot na sagot sa gusot ng kumot. Sya e namangha nang todo at ginising nya ang kanyang ina para Kodakan ang lukot na pinaniniwalaan niyang si Hesus. 

Gusto kong imadyin-in ang pag-uusap nila tungkol dito:

Matapos matuklasan ang sagot ng tinig na kanyang narinig, nalaglag ang kanyang panga't napabulalas sa kanyang namalas na kagila-gilalas. 

Lance: Mama, si Hesus nagpakita sa akin sa kumot!

Mama: (Pupungas-pungas) Sigurado ka ba? (Sa sarili niya) Baka nagsariling sikap na naman ito at kung anong imahe ang nabuo sa pumulandit nyang...

Lance: Sigurado po ako. Tingnan nyo o. At pareho silang nanikluhod at binigyan ng ibig sabihin ang random na lukot sa kumot.

Ito ang larawang iyon.

Muka ni Hesus. Kung nabagsakan rin ng barbell ang pisnge.
Ang ereheng Lance Raymundo, ibinibigay ang credit sa kanyang himala ke Hesus, samantalang malinaw sa mga taga-Tanzang si Tata Osteng o Saint Augustine ang me gawa nito. Itutok ang mga mata at puso sa imahe sa loob ng parihaba at makikita nyo ang aking sinasabi. Aba e dapat magnobena sya sa Tanza, Cavite at magkonsert bilang pagtanaw ng utang na loob! 


Kulang ka sa pananampalataya kapag hindi mo nakita ang sinasaabi ko.
Bukod rito e nakita nya rin raw si Mother Ignacia sa kumot na iyon. Katabi raw ito ni Hesus. Ikinunekta nila ang pagpapakitang ito sa nakabinbing paghihirang ke Ignacia sa pagkasanta. Malamang raw e ito na ang huling himalang hinihintay para tuluyan nang gawing santa ito. Aba'y ang buong aksidente sa gym pala ni Lance Raymundo e bahagi ng Divine Plan ng Dios para gawing isang santa ang pinapausong personahe ng ABS CBN. Na ito e kagagawan ng kakulangan sa pokus o talagang minamalas laang e hindi na mahalaga. 

Tandaang ang nanay niyang deboto ni Ignacia e sa isang institusyong nakapangalan ke Ignacia tumutulong o nagvovolunteer work. Ewan ko, pero para sa akin e isa itong propaganda ng isang panatikong ishinu-shoe horn ang pangyayaring ito para manumbalik sa kasikatan ni Ignacia. 

Sa lahat ng mga bubaeng naka-abito, bakit si Ignacia ang pumasok sa kanilang kukote? Bakit hindi isa sa mga madre sa pelikulang The Devil o kaya e ibang santang madre? Talagang si Ignacia ha?

Heto ang larawang kanyang pinagbibida. Tulungan nyo akong makita at maintindihan kung ano ang ibig nyang sabihin. 



Kasi para sa akin, ibibigay ko ang credit nitong himalang ito sa isang mala-unggoy na hayop. 


Kung hindi man ito unggoy e isa itong balbong Yoda.
Hindi ko pa rin maintindihan ang pagkamangha ng mga tao sa kasalukuyang panahon sa mga tsambahang pagkabuo ng imaheng pilit na ikinakabit ke Hesus, gaya ng sa Jesus Daily - iyun e kung hindi nireretoke ang mga larawan. Akala mo pa rin tayong mga caveman nito kapag ganito pa rin pag-iisip natin. Bakit hindi na laang lumitaw ang isang kamay at magsulat sa pader, gaya ng kwento sa Bibliya? Mas malupet at mahirap ipaliwanag iyon kesa sa sa paghahanap ng  mga Waldo at Larry Alcala sa random na gamit. 

Isa pa, bakit nya pinasasalamatan ang mga pinagmulan raw ng 'himalang' ito? Nasan ang mga ito para umi-spot sa kanya nung binubuhat nya yung 95 pounds (hindi kilo ha, pounds laang) na barbell? Hindi ba't mas himala iyong matapos mabitawan ng gym rat na ka-spot ni Lance e lumutang na laang ito sa ere para hindi lumagapak sa kanyang pagmumuka? 

Sa mga pa-press release nyang ito, sa isa laang ang sigurado at wala itong kinalaman sa himala. Ito e tungkol sa balak nyang gamitin ang panget na pangyayaring ito sa pag-akyat ng kanyang career. Ang misyon niyang itong sinasabi niya sa quote sa itaas e ang gumawa ng Christian album. Abangan nyo't mag-aala-Jojo Acuin ako sa sinasabi kong ito.  

Photos courtesy of Lance Raymundo na kinuha ko sa abs-cbn. Kung interesado rin kayong basahin ang orihinal na balita, e heto.


Monday, May 26, 2014

Obscure Bible Verses #17. Ang Bangkay na Bumuhay ng Bangkay

Matatandaang sa isang dati kong post e nagpamalas ng kakayahang mag-summon ng oso si Elisha pangontra sa mga batang makukulet. Gusto ko sanang ibahagi sa inyo ang prequel, Elisha: Rise of a Prophet.

Bago ang pagpatok ni Elisha bilang madyikerong propeta, nagpaka-Robin muna siya sa pagka-Batman ni Elijah. Malamang e pamilyar sa inyo ang ang kanyang kwento kung saan sya e nakipag-1 vs. 450 sa mga propeta ni Baal. Kung kaninong propeta ang makakapagpaliyab ng toro ang syang tatanghaling tunay na Dios. At dahil sa bibliya natin mababasa ito, nagwagi si Elijah. 

Bukod sa mga himala, kilala rin si Elijah sa kanyang trash talk.

Kung interesado kayong malaan kung ano ang nangyare sa 450 propetang sumunod sa kinalakhan nilang reliyon, pinapatay laang naman sila ni Elijah. Ito e dahil hindi pa sumusulpot si Hesus para ipauso ang pag-aalok ng kaliwang pisnge.

Nang panahon na para maghirang sya ng papalit sa kanyang posisyon bilang medyikerong propeta ng Dios, napag-alaman niyang ang gusto raw ipalit sa kanya ng Dios e isang lalaknig katunog ng pangalan niya. Nilisan niya ang kinaroroonan niyang yungib at tinunton ang lalaking ito. Nasumpungan niya si Elisha habang ito e nag-aararo sa bukid. 

Maganda pa tubo ng buhok ni Elisha noon.

Walang sabi-sabi e hinubad ni Elijah ang kanyang baro at inilagak ito sa mga balikat ni Elisha, na nanganghulugan ng pagpapasa ng misyon rito. Nagkaintindihan na sila sa bagay na ito. Nagpaalam si Elisha na gusto niyang magpaalam sa kanyang mag-anak at magmula noon e sinundan nya ang mga pakikipagsapalaran ni Elijah. 

Doon nagsimmula ang pag-o-OJT ni Elisha ke Elijah. Manaka-naka laang na nababanggit ang kanyang pangalan sa mga istoryang si Elijah ang bida at sya ang sidekick noong mga panahong iyon. Nagkaroon laang sya ng pagkakataong tumaginting sa sariling kislap ng kanyang bituin noong si Elijah e tinangay papuntang langit. Dun nagkaroon ng main event status ang kanyang karakter. 


Hiniling niyang doble ng pagkapropeta ni Elijah ang ipagkaloob sa kanya. Kung minsan e naisip nyong mambluff sa mga boss nyo na magreresign kayo kung hindi nila dodoblehin ang sweldo nyo, naunahan na kayo ni Elisha. Ang pinagkaiba laang e umepek itong ke Elisha.

Maganda ang resume ng pamomropeta ni Elisha at nagpamalas sya ng iba't ibang himala, bukod sa pagtawag ng mga higanten mammals. Bumuhay rin sya ng bangkay, nagmistulang water purifier na ginawang malinis hanggang sa pwede nang mainom ang tubig-ilat at nagpagaling rin sya ng mga ketongin. Hindi na masama para sa isang dating Dennis Padilla ke Randy Santiago.

At dumating ang panahong namatay si Elisha. Nalampasan nya ang career high ni Elijah sa dami ng milagro, pero kulang sya ng isang himala para mapantayan nang doble ang ke Elijah. Ibig bang sabihin ba nun e hindi nagkatotoo ang itinakda para sa isang propeta? Aba'y magpapatalo ba ang panot na si Elisha? Aba'y ang ipalapa nga ang mga makukulet na bata hindi pinalampas nito para laang makarami ng himala, konting kamtayan pa kaya?

Merong mga taong maglilibing noon sa sementeryo kung saan nakahimlay ang mga labi ni Elisha. Meron silang bitbit na bangkay at naglalakad sila noong nasabat sila ng mga tulisan. Sa kanilang takot, nagpulasan sila sa iba't ibang diireksyon, ala-Three Stooges at nabitawan ang karga nilang bangkay. Sumagi ang walang buhay na katawan ng lalaking ito sa libingan ng propeta. Oo, sa dinami-dami ng babagsakan, doon pa sa malupet-sa-himalang Elisha. Parang isang eksena sa isang pelikula ni Chiquito, bumangon ang nasabing bangkay nang dumampi ito sa mga buto ni Elisha at nakitakbo sa mga kasamahang nagsisitakbo. Imagine-in nyo ngayon ang eksenang ito sa saliw ng walang-kamatayang musika ng Benny Hill Show.


Isang malaking katanungan sa akin knug ano ang nangyari matapos ang eksenang iyon. Wala na kasing binanggit pa sa mga sumunod na berso kung ano ang sumunod na nangyari, kagaya nang walang binabanggit matapos lapain ng mga oso ang 42 na bata. Natakot ba ang mga tulisan sa nakitang pag-a-ala Jestoni ng bangkay? Kinaya ba ng puso nilang silakbot nito at idiniretso ang pagtugis sa mga lalaki? Sinubukan kaya nilang pataying muli ang bangkay? 

At bakit hindi rin bumangon si Elisha? Hindi ba magkakadikit ang mga buto nya? Aba'y ewan.

Ang pinakamalaking tanong para sa akin e ano ang ginawa ng mga tao noong panahong iyon sa impormasyong ito? Meron raw bumangong bangkay noong sumagi sa kalansay ni Elisha. Hindi gaya ng ibang himala, hindi nangangailangan ng pananampalataya para umepek ito. Aba'y mahusay! Kung isa kang sundalo, ituturing mong mas magaling ito kesa anumang uri ng baluti o armor. 

Isipin nyo: Sinumang mag-aangkin ng kalansay ng propetang ito e mabubuhay muli sa 'pag sumagi rito. Kapag nasaksak ka sa isang labanan, mabubuhay kang muli. Aba'y para ka na ring si Wolverine kapag ginawa mong kwintas ang mga ngipin ni Elisha.

Hinukay kaya ng mga tulisan ang libingan ni Elisha at ibinenta ang mga buto por kilo para pampabuhay ng bangkay? Mas tatabo pa sila rito kesa sa baryang madudugas nila sa mga hinoholdap nila. Binili kaya ng isang heneral o hari ang mga butong iyon? Meron kayang kultong nag-iingat nito sa kasalukuyang panahon? 

Kung meron mang balak gumawa si Spielberg, handa akong igawa sya ng screenplay ng Indiana Jones and Ellisha's Bones.   


Friday, May 23, 2014

Nung Sinubukan Kong Lumikha ng Tula


Nung Sinubukan Kong Lumikha ng Tula

Sinubukan kong lumikha ng tula,
Pinilit ko, pero naman, ay punyeta!
Hindi pala ito ganoong kadali,
Natatabingang suso ng ‘sang malandi!

Kailangan kasi e ang bawat linya,
Meroong sukat at nagpuputang ina
Anong tawag run sa pareho ng tunog?
Hindi ko maisip, oh, mabahong betlog!

Tama kaya itong aking pagbabaybay?
Hayok ako sa kawastuha't naglalaway
San ba dapat ilagay ang mga tuldok?
Utong na nakatirik, tusok na tusok.

Iisipin dapat, paksang isusulat
Walang lumalabas, kahit tite’y unat
Tungkol ba sa puso o sa ‘ting lipunan?
Kulang sa tamod yaong sinapupunan.

Saksakan raw ng ilang metapora,
Parang ‘turat sa kepyas, nag-aapura’
Dapat may talinghaga, hwag raw literal,
Hwag basta hubo’t magtanggal ng salawal.

Lagyan ng palabok upang magkalasa,
Nang ‘di nagagagahasa ang mambabasa.
Dagdagan ko pa raw hanggang ‘to’y mapuno,
Parang pwet na tinamuran ng tarugo.

‘Di pa ba sapat ito o kulang pa ba?
Dapat bang otso ang haba, tres ang taba?
Daragdagan ko pa o ‘to’y sapat na?
Ipalaglag ko bang ala disgrasyada?

Ewan ko, ewan ko, ulo ko’y masakit,
Putragis, namputsa, ‘sang shit na malagkit,
Ihihimlay ko na ang gamit kong bolpen,
At bibitawan ang malambot kong uten.

- - -

Pasasalamat sa isang Ma. Cielito Cando Seidel, may-akda ng sinusubaybayan kong mga tula rito sa Mrs Punk RockDahil dito, naengganyo akong magsingit ng isang tula rito sa Jerboy Must Die!

Tuesday, May 20, 2014

Betamax Blues

Uso pa ba sa magkakabarkadang lalaki ang manood ng bold sa Betamax? Sa henerasyon ng mga kabataang lumaki sa Phonerotica at Bang Bros., isa itong konseptong mahirap intindihin at sakyan.

"Ano, magkakasama kayong manonood ng bold, porn sa bahay? At sa Betamax? Ano iyon? O saan iyon?"

Bago ang panahon ng mga pirated VCDs, DVDs, YouPorn at mga torrent, ang media na aming kinalakihan e Betamax o Beta, bold komiks at mga magasin.

Yung pinakamaliit na tape ang Betamax. Sigurado akong isa sa mga iyan e nirekordan ng Taboo. 
Ninuno ng mga VCD, DVD players at BluRay ang Betamax. Hindi uso noon ang bumili ng movies, bold man o hinde, pirated man o original. Inaarkila laang kasi iyon noon at nangangailangan ng membership card para makarenta. Ibig sabihin noon, 'pag papasok ka sa isang video rental shop, kelangang ipakita mo ang membership card mo, parang sa library. 

At dun nagsisimula ang problema ng mga kabataang gustong manood ng bold. Dahil makikita ng clerk na menor-de-edad kami, hindi kami paaarkilahin ng mga titulong naroroon. Oo, mahigpit na tinutupad noon iyon, hindi gaya ngayong naghambalang ang mga Barely Legal 16 in 1 DVD collection sa palengke, sa mga mata ng mga batang napapadaan. 


Sa tingin mo ba e hindi namin naisip gawin ito?
Ang pinakapwede ko laang gawin noon e dumaan sa XXX section at sauluhin sa gilid ng mga mata ko ang mga pamagat ng mga pelikula roon at pag-uwi e pagparausan ang mga ini-imagine na kwento noon. Halimbawa: Debbie Does Dallas. Ano kaya 'yun, sex tape ni Debbie Gibson at ng cast ng soap operang Dallas? Ang kakulangan sa larawan sa kahon e pinupunan ng imahinasyon.

Kahit picture ng mga pelikula noon kasi e wala sa kahon. Kalimitan e mga kopya laang ng orihinal ang makikita mong mga tapes noon kaya't mga kahong walang larawan ng pelikula laang iyon dahil walang RA Home Vision sa probinsya namin. Hindi pa uso noon ang Video City at ACA. 

Dahil sa kahirapang makaiskor ng tape noon, kelangan mo ng source. Sa bawat barkada ng mga kabataan noong 80s, merong pinagkukunan ng mga tape na ito. Kung saan nanggagaling, ewan ko. Tape ba iyon ng mga magulang nila, nakakatandang kapatid, lokong tiyo o iniiskor nila sa bagsakan ng bold sa ilalim ng isang madilim na tulay? Basta, sila ang pinagkukunan ng tape at me mga bagay na hindi mo na inaalam kung anong pinagmumulan at masaya ka nang nariyan iyan. Ang lagay e itatanong mo pa ba kung saan nanggagaling ang oxygen? 

Bukod sa source, kelangan ng venue. Ang napipiling art house naman e ang bahay kung saan ang mga magulang e laging wala, gaya nung mga nasa abroad o iyong mga nagtatarbaho nang Sabado. At dahil kokonti pa laang ang merong Betamax noon, nagsasama-sama ang mga magkakabarkadang lalaki para makinood sa bahay na ganito. Makikilala mo agad ang bahay na ganito kapag kasingdami ng tsinelas sa labas ng isang moske ang nagkalat na tsinelas sa labas ng pinto nila. 

Meron rin naman kaming Betamax. Sa katotohanan nga, nag-DVD na lahat ng mga kabarkada ko, kami e Betamax pa rin. Di na kami nakaranas ng VHS dahil bumili na ko ng VCD player nun noong nagkatarbaho na ako. Naghintay muna ang mga magulang ko na magtapos ako ng high school, college at magkatarbaho sa halip na makisunod sa teknolohiya ng home video entertainment. 
Minsan e naglinya nang tama ang mga buntala sa langit at nginitian ako ng Kapalaran. Nakahiram ako ng bold. Alam nyo ba kung gaanong kahirap nun? Ibig sabihin sa loob ng ilang oras o araw e mawawaglit sa taguan ng mga may-ari ng bold ang kanilang tape. At kung iyon e pag-aari ng mga magulang nila, ipagdarasal nilang hindi mapansin ng mga magulang nilang nawawala ang isang tape. 


Mauuna pang mapansin ang nawawalang bold na tape 
kesa nawawalang kamay ng santo sa simbahan.

Tandaang para makanood ng Beta, dapat e nakakunekta ito sa TV. Hindi ito gaya ngayong pwede mong bitbitin ang laptop o mobile device mo, kahit hanggang banyo ng opisina. Ang aming Beta noon e nasa sala. Syempre, hindi ako pwedeng manood run nang lantaran dahil mahuhuli ako ng mga magulang ko. Para akong tatakas sa Alcatraz o mag-i-Italian Job kung gusto ko talagang manood nang maluwalhati. Kelangan ng pagpaplano, pagdodrowing ng mga mapa at diagram sa salamin ng bintana para maisakatuparan ang panonood. Dapat e gumawa ako ng record ng kung anong oras at araw walang tao sa bahay. Dapat e kalkulahin ko ang mga anggulo ng kwarto at TV, mga picture frames na magtatalbog ng repleksyon ng palabas, gaanong kalakas ang volume ng TV, atbp. Basta, merong agham at matematikang pang-Wile Coyote na nasasangkot sa pagsasagawa nito. 

At ayon sa aking kalkulasyon, ang pinakamagandang pagkakataon e alas-onse nang gabi kung kelan nakakatulog na nang isang oras ang lahat. Sa gayon e nakasisiguro akong hindi na sila babangon para lumabas ng kwarto at mag-CR. 

Nanginginig ang mga kamay na isinalpak ko ang tape sa Betamax player. Hindi na ako umupo sa sofa dahil walang remote. Sa gayung paraan, 'pag narinig kong lumalangitngit ang pinto ng kwarto ng mga magulang ko, alam na ng aking kamay na dapat alisin ko sa Channel 3 at ilipat ko sa Channel 4 ang dial ng TV. Praktisado ko na at nakalagak na sa aking muscle memory ang gagawin sa sitwasyong ito.

Naririnig ko ang paghinga ng bawat tao sa loob ng bahay. Tahimik at sigurado akong nahihimbing na silang lahat. At syempre, natesting ko na kung gaanong kahina dapat ang volume ng TV para marinig ko nang sapat ang mga ungol, este, maintindihan ang dialogue, pero hindi sapat para marinig nila. 

Hinipan ko ang dulo ng mga daliri ko, pampahiyang. Pinindot ko ang play. Nasa gitna na ang palabas na puro brown ang kulay. Kamputa, nalimutan ko palang i-rewind muna! Lahat ng pagpaplanong ito, naantala nang bahagya dahil nalimutan kong i-rewind. Pero, saglit laang ito. Konting rewind-rewind laang, tapos play ulit nang limang segundo, tapos ulitin ito hanggang marating ang simula. Narinig ko ang pamilyar na tunog ng isang Betamax na nagrerewind. Kapag pala ganitong meron kang inililihim e malakas ang tunog nito.

"Aba't teka, parang hindi nagpe-play?" 

At ang kinatatakutan ng lahat ng mga taong nagpupuslit ng bold sa kanilang Betamax e naganap sa akin. Kinain ng player ang tape. At wala kaming screw driver. Santambak na hindi na ginagamit at inaagiw na text books, marami. Pero, ni isang screw driver, martilyo o thumb tacks e wala. Kapag hindi ako nakahiram ng screw driver sa lalong madaling panahon e matutuklasan ng mga magulang ko ang aking krimen.     


Operation Open and Retrieve

Sa loob ng mga sumunod na araw e ang panghihiram laang ng screw driver ang nasa isip ko. Naka-auto pilot akong pumasok sa eskwelahan noon. Bawat pagpapalit ng klase e hudyat sa paglapit ng oras para magwakas ang araw ko sa paaralan. Binibilang ko kung ilang oras pa ang natitira para makauwi at makahiram ng screw driver.

Nung mismong hapong na nakahiram ako ng screw driver e naabutan kong nanonood ng Gabi na Kumander ang aking mga magulang. Mabilis kong tinago sa likuran ang kamay kong merong hawak na screw driver, pero alam kong nasilayan nila iyon. Hanggang ngayon, higit na 20 taon na ang nakakaraan, e hindi pa rin namin pinag-uusapan ang pangyayaring ito.      

At sa kasalukuyan e mga 100 gigs ng porn ang laman ng aking external hard drive. Abot-kamay laang ang lahat. Hanggang ngayon pag walang tao sa bahay, 'pag naisipang lumabas ng misis ko at isinasama nya ang aming anak at helper, ganun pa rin ang instinct ko - Uy, pagkakataon!


Saturday, May 17, 2014

Sa Pagpapasikip ng Pwerta ni Ai Ai

Sa bit ni Louis CK, binanggit nyang masusukat mo raw ang kabutihan ng mga Kano kung gaanong kabilis mula nung inatake sila nung 911 bago sila nag-Mariang-Palad uli. Gamit ang template na ito, para sa akin naman ang sukatan ng sa Pinoy e kung gaanong kabilis silang nagpost uli ng kanilang mga pagkain matapos ng Yolanda. 

At para sa isang blogger na naghahanap ng cheap chuckles e kung gaanong kabilis na ginamit ang Yolanda para sa isang joke. 

Siguro nga e dapat tayong makisimpatiya sa mga taong dumaranas ng pagdurusa. Naiiintindihan ko kung bakit dapat makiramay tayo at magpigil ng gigil sa pagpopost ng mga larawan ng mga burger, steak at pasta samantalang naghihikahos na maitawid ng mga biktima ng Yolanda ang kanilang gutom sa pinagsasaluhang isang pakete ng instant noodles na puro tubig. Na hindi naman makikita ng biktima ang posts natin dahil wala silang internet access nung mga panahong iyon e hindi ang punto. Konting sensitivity laang naman, 'ika nga.


Kung noong Yolanda mo ito pinost, mapapaisip ka kung ilang biktima sana napakain ng halaga ng order na ito.
Pero, pagdating sa pagpapasikip ng pwerta, kelangan pa bang maghintay ng tamang panahon sa kaparehong dahilan na nagtimpi ang mga foodographers nung kasagsagan ng Yolanda?

Heto ang tweet ni Lourd De Veyra, bokalista ng isa sa paborito kong bandang Pinoy. Sa kanya ko nabalitaan ang bagay na ito. Balita ko e TV personality na rin sya. Host yata. Hindi ko alam dahil ang huling pinanood ko sa TV e Heredera. 


Hindi ko alam kung ang kinaasar niya sa bagay na ito. Kinasosora nya ba ang timing ng pagpapasikip ng pwerta ni Ai Ai de las Alas? Aba'y kung gustong magpasikip ni Ai Ai ng kanyang pwerta, ano ang kuneksyon nun sa problema sa pulitika o kaya ng Pilipinas? Nasan ba ang gobyerno sa tuwing nakikipagdyugdyugan si Ai Ai at nakikita niya ang kawalan ng gana at atensyon ng kanyang kasiping dahil nag-ala tunnel na yata ang kanyang pwerta? Mapapasikip ba ng isang wala-nang-problemang gobyerno ang kanyang nagsisimula nang mawanggang hiyas? At ano, hihintayin nyang mapawi ang ulap ng suliranin ng pamahalaan bago tamasahin kaligayahang dulot ng pinakipot na pinto ng langit? 

Ang pinagmumutarga ba niya e iyong pagbabalita ng channel na kinabibilangan nya? Kung meron syang problema sa itinuturing niyang napaka-trivial na balitang ito, samantalang santambak ang mga mas mahahalagang pag-uusapan, nalilimutan niya at ng ibang maraming Ai Ai delas Alas fans na nakatutok sa kung ano ang diameter ng pwerta ng kanilang idolo. 

Napoles? Ekonomiya? China? Rod Strunk? Ho-hum! Nagpasikip ng keps si Ai Ai? Kunin mo ang dyaryo sa tiyo mo. 

Hindi ba't nauuso ngayon ang mga soap opera sa TV tungkol sa mga naglolokong mister? Di ba't salamin ng lipunan ang soap opera? Ibig sabihin nito e malamang talamak ang pambubuae at pagiging hindi tapat ng mga lalake para mamayagpag ang isang soap opera nang ganito't nagtetrending sa social media. Kung tinatanggap nyo ang ideyang iyan at itinuturing nyong isa itong suliranin, aba'y ituring nyong bayani si Ai Ai. Hindi si Ai Ai ang problema, sya ang solusyon! At basahi:
“Dapat i-try ang Pussykip para sa ikauunlad ng sexlife at mabawasan ang mga babaeng sawi na niloloko ng mga asawa nila. Babalik sila kay misis dahil masikip na.” -Ai Ai Delas Alas 
Pussykip pala ang naisip niyang gamiting pantawag sa operasyong iyon. Mukhang mas papatok ito kesa sa mga naisip kong Tagalog sa vaginal tightening: pasikep-yas, pasikeps o pampa-KEP-spot.


Ewan kung anong award ito - para ba sa pelikulang Enteng ng 'Tang Ina Nyo?
Isang 49 anyos na bubaeng ikinasal at nahiwalay sa isang mas batang 28 anyos na lalaki, naiintinidihan ni Ai Ai na pagdating sa pambububae, ang hinahanap ng mga mister e mga butas na masisikip. Yup, dahil hindi mahalaga sa aming mga lalaki kung ano ang itsura, ugali, kabaitan, talino at personalidad ng mga bubae. Kalimutan na ang pagpaparlor, paglalaan ng oras sa mister o shota, pagpapakadalubhasa sa pagluluto, pagpapanggap na mahilig rin sila sa video games, anime at wrestling at kung anu-ano pang sikreto sa magandang buhay mag-asawa o shota dahil ang tanging mahalaga sa aming mga lalaki e ang kasikipan ng butas na papasukan ng aming mga sandata. 

Sa maikling salita, ang gustong palabasin ni Ai Ai e karneng palipasan laang ng init ang mga bubae at kung hindi na masikip, maghahanap ng mas masikip ang mga lalaki. At iyon ang punu't dulo ng lahat - wangga na ang mga misis, lalo na iyung nanganak na, kaya't nagloloko si mister. 



At sa mga basurang lumalabas sa bungangang ito ni Ai Ai, lumilitaw na mukang maling butas ang pinasikipan niya. 


Wednesday, May 14, 2014

Sa Pinakamamahal Naming mga Kaibigang Spoiler

Dear Spoiler,

Kumusta? Sana e hindi ko naaabala ang panonood mo. Alam kong matindi ang dedikasyon mong mauna sa lahat sa panonood ng mga pelikula at palabas sa TV at sana e hindi ako nakakaistorbo. 

Balita ko napanood mo na raw ang Amazing Spider-Man 2 at pinamamalita mo na raw sa balana kung sinong karakter ang namatay. Sininulan mo raw ang post mo sa pamamagitan ng tatlong dramatic na letrang O, M at G. Nasa Facebook status mo raw at nabasa nila sa kanilang news feed. Hindi ako gaanong nakakapag-online ngayon kasi at medyo busy sa tarbaho kaya’t hindi ko nabasa. Nabasa ko na laang na parang pinariringgan ka ng mga FB friends natin at tinatawag kang spoiler. 

Sayang at hindi ko nabasa kung sino iyung namatay. Sigurado akong hindi isa sa mga basurero sa NYC ang sinasabi mo. Hulaan ko, medyo major character, ‘no? Si Aunt May kaya?   

Nung college tayo, ikaw 'yung nagsabi sa akin kung sino si Keyser Soze, ‘di ba? Kabibili ko laang ng tiket noon at nakangiti nang nakasalubong mo ako habang nakaakbay ka sa shota mo. Tandang-tanda ko ang pagkakasabi mo noon. “Ke ganda nyang The Usual Suspects! Mantakin mong ang Keyser Soze pala e walng iba kungdi si…” Aba’y ako e excited na excited! Isipin mo, papasok ako ng sinehan at manonood ng isang pelikulang merong malaking twist ending, pero alam ko na kung ano. Ganito rin daw ang ginawa mo noon sa Sixth Sense

At sabi ng tatay ko, ‘yung tatay mo rin daw ang nagsabi sa tatay kong anak pala ni Darth Vader si Luke Skywalker nung nakapila siya sa labas ng Odeon kasama ang ka-date nya. Papalabas raw ang tatay mo ng sinehan noong nakita niya ang tatay ko’t isinigaw, “Ke ganda ng palabas! Tatay pala ni Luke Skywalker si Darth Vader!” Isipin mong hindi na kinailangan ng tatay ko at ng mga limampung taong nakapila na maghintay ng build up at climax sa eksenang iyon kung kelan niya ito ibubunyag dahil nalaman na nila sa mahusay mong tatay. Yagbols laang ang climax. Ano ang panama ng climax sa delivery ng tatay mo?

Tatay mo nga pala rin ang nagsabi sa nanay kong balak syang pakasalan ng tatay ko. Pinayuhan raw ng tatay mo 'yung nanay kong magbihis nang maganda dahil magpopropose ang tatay ko. Gugulatin sana ng tatay ko yung nanay ko sa kanilang date kung saan pinalagay niya sa dessert yung singsing. Tuwang-tuwa ang nanay ko dahil pwede raw syang magpraktis sa salamin kung paano magulat sa surpresang proposal ng tatay ko.

Nakow, ang laking tuwa ko nung isang beses na ako e online at nabasa ko ang post mo tungkol sa Purple Wedding sa Game of Thrones. Mabuti nama't kita ang litrato ng namatay sa lason. Akala ko kasi e matatakpan ng mga katagang 'spoiler alert' na nakasulat sa size 6 na italicized na Times New Roman sa ibaba ng close up ng lalaking inuugatan ang muka at halatang namatay sa lason. Ke saya, hindi ba, ang malamang sa kasal na iyon pala e ganun ang mangyayari? Ganun rin ang ginawa mo dati sa isang episode nung Season 3, ‘di ba?

Sa totoo laang, mas gumaganda sa akin ang panonood ng pelikula o episodes sa TV kapag nalalaan ko sa iyo kung ano ang mangyayari at kung sino sa mga pinapanood kong tauhan ang mamamatay. Pakiramdam ko e nabasa ko na ang biography ng bawat tauhan at detailed synopsis ng isang episode sa tuwing nagpopost ka sa FB. 

Dahil sa iyo e hindi na ako nauuto ng direktor na walang hangarin kundi bigyan ng emosyon ang isang kwento. Hindi ba't nakakairita iyung pinaglalaruan ng isang direketor ang iyong emosyon? Sinong tanga ba ang nanonood na ang layunin e maiyak, matawa, malungkot, matakot o magimbal? Hindi ba’t ang tanging layunin natin kapag nanonood e ang malaman ang mga malamig na impormasyon sa kung ano ang mangyayari? 

Halimbawa: Episode 2: Namatay si X. 

Iyon laang naman ang kelangan nating malaan, 'di ba? Wala naman tayong pakelam sa kung paano sine-set up ang mga eksena: ang akting, lighting, musika, subtext, atbp. Over-rated ang mga bagay na ito. Hindi natin kelangang malaman ito, gayong pipwede namang sabihin mo na laang sa akin kung sino ang mamatay sa susunod na episode?  

Sa totoo laang, mas mahusay ang mga one-liners mo kesa mga direktor sa TV at pelikula. Sana sa susunod na Oscars e ma-nominate ka dahil mas mahusay kang magkwento ng mangyayari kesa sa mga direktor. Mas magaling ang paglalahad mo ng kwento sa pamamagitan ng paggamit mo ng memes o ‘yung joke na merong tig-isang linya ng nakakatawang pangungusap o parirala sa itaasa at ibaba ng isang nakakatawang picture.

Bakit hindi natin gawin uli iyung ginagawa natin noong high school tayo? Di ba ‘pag umaarkila kami ng Betamax at kasama ka naming nanonood e lagi kang nagkukwento kung ano ang mangyayari? Hindi pa uso ang DVD noon, pero naunahan mo na ng ilang taon ang ideya ng director’s commentary sa features ng DVD nun sa tuwing nanood tayo ng mga slasher films e sinasabi mo kung saan susulpot si Jason at Freddie at kung alin sa mga teenagers ang hindi mamamatay sa huli?

Di ba’t patuk na patok ka rin nung high school dahil sa tuwing meron tayong kaklaseng magkukwento ng joke kapag recess e tinatapos mo para sa kanila ang punchline, gaya nung may nagkukwento ng Death by Booga-booga?

Ako rin e enjoy na enjoy sa tuwing tayo e magkakasalubong sa opisina at ibinabalita mo sa akin kung sino ang nanalo sa playoffs dahil tapos mo nang basahin sa internet ang isang article. Di ba't binubusisi mo pa sa akin at kulang na laang e igawa mo ako ng diagram kung bakit nanalo ang isang team. Hindi rin pumipigil sa iyong magpakaeksperto sa paghihimay ng laro kahit na hindi mo napanood. Sapat na iyung ulitin mo laang 'yung nabasa mo sa ESPN. 

Alam na alam mo ang pangangailangan ko. Hindi mo na ako tinatanong kung napanood ko na ba ang laro. Hindi mo na ako tinatanong kung interesado ba akong malaan kung sino ang nanalo. Hindi mo na ako tinatanong kung inaabangan ko ang replay sa gabi. Ina-assume mo na laang na mas magandang manood ng replay ng basketball na alam na kung sino ang mananalo. Hindi ba’t ang saya nung Game 6 ng Blazers at Rockets nitong playoffs nung sinabi mong sa 0.9 seconds e titirada ng tres si Lillard para ipanalo ang series?

Para lang ito nung sinabi mo sa akin kung sino ang mananalo sa WrestleMania 6 sa pagitan nina Hulk Hogan at Ultimate Warrior. Hindi ba’t mas masarap mag-cheer kapag alam mo na kung sino ang mananalo? 

Aba, teka, napasalamatan na ba kita nung tinawagan mo ako sa landline at sinabing mananalo si Pacquiao ke Bradley ng decision? Nasa round 3 pa laang kami sa channel 7 nun dahil sa dami ng patalastas. Nanood ka malamang sa SM nun. Ako e tuwang-tuwa sa effort mo dahil talagang kahit na naka-off ang cellphone ko at hindi ako makakatanggap sana ng texts o makakabasa ng tweets o news feed, e nakagawa ka ng paraan. Mas masarap manood ng 12 rounds ng boxing na alam mo nang walang knock down at sa decision magkakatuos. 

Ako e naiinggit sa iyo. Malamang e sikat na sikat ka sa dumarami mong mga kaibigan. Bilib na bilib rin siguro sila sa iyo, kung paanong bilib na bilib ka sa sarili mo sa pagsisiwalat ng mga napanood mo nang palabas. Ilang rebulto na kaya ang naipatirik nila para sa iyo? May nagpangalan na rin kaya ng kanilang anak nang gaya sa iyo bilang pagbibigay-pugay? Ilang portrait mo na kaya ang mga pinatato ng mga kaibigan mo?

Sa season ender nga pala ng isang inaabangan kong series e inaanyayahan kitang magkwento sa akin sa bahay. Ipagpapa-softdrinks pa kita. Kung gusto mo, uupa na rin ako ng prosti para merong magpapalabas ng init mo sa katawan habang nagkukwento ka sa akin. Kahit ano, basta't komportable ka at hindi mahahadlangan ang paglabas ng spoilers sa bibig mo. Idol na idol ka naming lahat kasi at dapat kang ituring na parang prinsipe. 

Nga pala, merong ikakasal sa tropa natin at imbitado ka. Maganda ang venue ng reception. Merong balcony. Umarkila kami ng mga musikerong tutugtog doon habang kumakain ka sa ibaba. Magsuot ka raw ng pula dahil iyon ang theme ng wedding. Hwag kang mawawala. Hihintayin ka namin dun. Hwag ka na rin daw mag-abalang magdala ng regalo.   

Nagmamahal,

Spoilee

Monday, May 12, 2014

Mga Palusot sa Hindi mo Pagbati sa Nanay Mo Nung Mother's Day

Sa hindi malamang dahilan, nalimutan mong batiin ang nanay mo noong Mother's Day. Meron kang matinding hangover sa sobrang pag-inom noong Sabado nang gabi, hindi ka nag-online dahil umiiwas ka sa mga spoilers ng playoffs na isang linggo mong tinorrent o kaya naman e talaga laang manhid ang kukote mo sa pag-intindi kung bakit santambak sa mga kaibigan mo ang nagpost ng pictures ng nanay nila sa Facebook kahapon. 



At ngayon e Lunes nang hapon at nahimasmasan ka na sa mga nangyari noong nakaraang weekend at nakatanghod ka sa tarbahong nakatambak dahil nagpapetik-petik ka nung Byernes nang hapon. Pag-log-in mo sa Facebook dahil pauwi ka na ng tarbaho, napansin mo ang isang napakalaking pagkakamali. 

"Nako, nalimutan kong batiin ng Happy Mother's Day si Mudrabelski!"

At ngayon nga e nasa turbo drive ang utak mo at naghahanap ka ng palusot para makabawi sa pagkalimot na ito. Ano ang magandang gawin? Heto't binabasa mo ngayon ang isang article sa isang blog na nagsasabing pwede ka pa palang magpalusot sa pagkakamaling ito. At alam mong nasa kumunoy ka't desperado na dahil binabasa mo ngayon ito sa isang blog site na ang pangalan e Jerboy Must Die!

Pwede pa ba akong makabawi? 

Wala. Walang paraan para makabawi sa kaengutan mo. Anong gagawin mo, magpapadala ka ng santambak ng bulaklak isang araw matapos ang okasyon? Ang bawat talulot nito e magpapaalala laang ng kung anong klaseng anak ka - walang kwenta. Kung makakanakaw ka ng Plutonium sa mga Libyan terrorists at kakilala mo si Doc Brown, baka pwede kang mag-Back to the Future sa kahapon. 

At ang unang sinasabi ng instincts mo e ang magsinungaling na laang. Alin sa mga bulok na linyang ito sa ibaba ang gagamitin mo?
  • Di nyo po ba natanggap ang text ko? 
  • Tinatawagan ko po kayo, kaso wala akong signal.
  • Lintek na FedEx iyan. Hindi ko po talaga kayo binati dahil gusto ko kayong sorpresahin sa isang dosenang roses at isang dosenang boxes of chocolates na pinadala ko sa inyo. Nagtataka nga po ako kung bakit hindi kayo tumatawag sa akin para magpasalamat.
  • Naaksidente po ako't naospital nang isang linggo. Pasalamat nga po kayo't buhay pa ang anak nyo.
Tandaan mong bago ka natutong magsinungaling, namaster na iyan ng nanay mo. Naglulubid ka pa laang ng kasinungalingan e nalathala na ang libro ng nanay mong pinamagatang "Nakakabansot ang Pagkakaroon ng Crush sa High School at Ilan Pang Kasinungalingan". Sa tingin mo ba e makakalusot ka sa nanay mo sa pamamagitan ng pagsisinungaling? Hindi ka laang magiging inggrato, magiging sinungaling ka pa. 

Kung gusto mo talagang makalusot, kelangang saliksikin mo ang kasaysayan ng Mother's Day at humanap ng loophole. Narito ang ilang pwede mong subukan:

1. Pauso laang naman ng mga greeting card companies iyang Mother's Day, bakit ako makikiloko sa commercialized na okasyong iyan? 

Mali. Isang Anna Jarvis ng USA ang nagpauso nitong okasyong ito para bigyang-parangal ang kanyang namayapang ina. Mga isang daang taon na itong pinagdiriwang sa ikalwang Linggo ng Mayo matapos niyang ipauso. 
Note: Hindi ito si Anne Frank.
Walang kinalaman ang mga greeting card companies rito, taliwas sa mga sinasabi lagi ng mga kuripot na ayaw magregalo sa tuwing merong dumaraang okasyon, gaya ng Valentine's Day. 

Hindi nga greeting card companies ang promotor niyan, pero...

2. Kontra si Anna Jarvis sa commercialization ng Mother's Day. 

Tama ka. Sa katunayan e ikinasama ng loob ni Anna Jarvis ang komersyalisasyon ng Mother's Day, ang pagpapadala ng cards at matatamis. Ayon mismo sa kanyang bibig:
"A printed card means nothing except that you are too lazy to write to the woman who has done more for you than anyone in the world. And candy! You take a box to Mother — and then eat most of it yourself. A pretty sentiment. — Anna Jarvis."
See? Meron kang palusot. Kung ang promotor mismo ng Mother's Day e ayaw sa mga ganoong greeting cards at candy, sino ka para hindi makiisa? - Iyon e kung illiterate ka. 

Bagama't sinabi ni Anna Jarvis na ayaw nya ng mga pagpapadala ng greeting cards, ang ibig nyang sabihin e mas malalim na pagtanaw ng pagmamahal ang dapat mong gawin. Sa imbes na magpadala ng greeting card, gumawa ka ng sulat na galing sa puso mo. Sa imbes na magpadala ng candy, ipagluto mo sya ng leche flan. You get the idea. Hindi nya sinasabing kalimutan mo nang ganap ang pagbati man laang sa nanay mo kahit sa text. Huwag mong baluktutin ang kanyang sinabi. 

Pero, teka, hindi ba't Kano itong si Anna Jarvis at walang kinalaman ang pauso niya sa Mother's Day nating mga Pinoy dahil...

3. Officially e hindi dapat Mother's Day nung Linggo, May 12, 2014 Sa Pilipinas.

Dapat e sa unang Lunes ng Disyembre ang Mother's Day, kasabay ng Father's Day, ayon sa Proclamation 266 na pinirmahan ni Erap nung 1988, nung sya pa ang presidente. Ito rin ang date noong panahon ni Macoy, bago ito palitan ni Cory at ginawang ikalawang Linggo ng Mayo. Pwede mong sabihing ang ginugunita mo e 'yung pinakahuling proclamation, yung ke Erap at lahat ng nagdiwang na Pinoy noong Linggo e mga hangal o rebelde. 

At sa mga pangulong nabanggit, sino ang mas paniniwalaan mo at susundin ang proclamation, yung maraming anak sa labas na gaya ni Erap o 'yung isang nagsilang ng isang Kris Aquino? 
Ina man ng Demokrasya sa Asya si Cory, ina pa rin sya ni Kris.
Kris Fucking Aquino. Boom. Solid na ang palusot mo.


Thursday, May 8, 2014

Ang 5 Nirerecycle na Posts ng Jesus Daily

Kung hindi ka pa pamilyar sa Jesus Daily, iyon e dahil malamang e Friendster pa rin ang gamit mo, sa halip na Facebook. May pinagmamalaking 25 million likes, ang FB page na ito e nagsisilbing taga-paalaala sa mga taong namumuhay sa paspasang buhay sa mundo at era ng mobile devices sa ngayon, pero ayaw makalimot ke Hesus. Kumbaga e para itong app version ng lola mong nagsasabing, "O, tama na muna ang FB at alalahanin mo naman si Hesus."


Kapag pakiramdam mo e inaatake ka ng deja vu sa tuwing nakakakita ka ng isang Jesus Daily post, ito e sa dahilang lilima laang ang nilalaman ng mga posts nitong pinapaulit-ulit laang at binibihisan nang bago sa pamamagitan ng pagpapalit ng pictures. Kumbaga sa mga pelikulang gera noon, e para silang mga ekstrang gumaganap na sundalong Hapong matapos mamatay sa isang eksena e bumabangon muli para lumabas sa iba. Ito ang limang bumabangong posts na iyon:

1. Choose: Jesus or X. 

Naaalala nyo pa ba yung tanong ni Bishop Tagle nung Palm Sunday? 



Alin raw ang pipiliin nung mga sumimbang tinanong nya, 30 million pesos o ang sumimba? Nuknukan ng ipokrito o tanga ng taong pipili ng misa. Sa halagang iyon e pwede ka nang magpatayo ng kapilya at makapagsimba at makapagpamisa para sa mga kabarangay mo nang ilang ulit. Yun e kung literal o pilosopo kang tao.

Hindi syempre literal iyong tanong at simbolo laang iyon -galing na ito sa isang taong kina-career ang pagpapaliteral sa interpretasyon ng Bibliya para meron laang mai-blog. May dahilan kung bakit 30 iyon. Sheesh... 30 pieces of silver na tinanggap ni Hudas. Does it ring a bell?

Tinatanggal ng Jesus Daily ang pilosopohang sagot sa tanong na ito sa pamamagitan ng literal na tanong kung alin ang pipiliin nyo. Meron pang kalakip na litrato ni Hesus at ng kung sino/ ano man ang kalaban niya sa araw na iyon: karangyaan, katanyagan, pera, at iba pang makamundong bagay. O minsan e kung sinumang superherong nasa sinehan at pinagseselosan nya sa mga sandaling iyon. Dati e si Superman nung lumabas ang Man of Steel. Ngayon naman e si Spidey. 

Pinili ko ang ignore para me pambili ng video cam, pero walang bumahang pera sa bahay ko. 
Ang malupet e iyung ikatlong larawan. Talagang mapupwersa kang mag-like dahil kung hindi ka maglala-like, ang katumbas niyon e ignore. At kung ignore, e talagang tinatatwa mo si Hesus. Maitim ang budhi mo 'pag ang pinili mo ang pera kesa ke Hesus.

Bakit kelangang ganito ang tanong? Kelangang mamili ke Hesus at sa mundo? Hindi pipwedeng pareho? Maraming mga sikat rin namang celeb na gaya ni Gary Valencianong dinadakila ang Panginoon sa kanyang mga gawa. Bukod sa isa sya sa mga pinakatanyag, e respetado pa syang singer na Pinoy at bilang isang indibidwal. Hindi nga siguro sya mala-Bill Gates sa yaman, pero hindi ko ma-imagine na nagpapa-load laang sya sa isang tindahan ng P50.  

Ilang kanta na rin ang inilaan ni Gary V. para purihin ang Dios, 'di ba? Ilang taon na akong naghihintay ng mga kantang gaya ng "'Di Bale na Lang", pero walang lumalabas dahil inialay nya nang lahat ke Hesus. Hindi pa ba sapat iyon? Hindi pa ba sakripisyo yung nawalan sya ng ilang fans na ang hanap sa kanyang mga kanta e "Di Bale na Lang" at hindi praise songs? Hindi ba't demanding masyado ang peg ng Hesus sa Jesus Daily?

2. Type 'Amen', like or share = prayer

Sa ngayon, pwede ka nang magdasal para sa iba sa pamamagitan ng pagki-click ng 'like' button. Pwede mong ipagdasal ang isang batang me kanser, isang biktima ng sakuna o matandang me sakit. Hindi mo na kailangang magtirik ng kandila sa simbahan, magrosaryo, magpamisa, magnobena, maglakad nang nakaluhod o magdasal sa isang sulok ng bahay mo. Ang kailangan mo laang e isang pindot ng like sa mobile device mo at meron ka nang naipagdasal na taong nangangailangan. Hwag mag-alala, kung masyadong abala ito, baka may nagtatarbaho nang gumawa ng shortcut keys sa keyboard ng computer nyo para sa amen, like at share: Ctrl + ____ (insert unused letter for shortcut key).  

Ang maganda rito e kung meron kang kamag-anak na me sakit at kelangan mo ng dasal. Pwede kang magpost ng pics sa Jesus Daily para manghingi ng likes, na para na ring dasal, sa mga taong nakakabasa nito. Hindi ko na ilalagay ang pictures nung mga tunay na merong sakit na naroon dahil meron akong sarili kong halimbawa. 

Sinubukan kong magpost ng pic sa Jesus Daily. Ni-like naman ng Jesus Daily mismo, pero ni isa yatang follower e hindi. Ewan ko kung bakit, basta ang alam ko e pinagdarasal naman nila iyung ibang naka-wheelchair, pero hindi itong nasa ibaba: 



3. Like if you see Jesus. (Or "See the Jesus as depicted in mass media")  


Para sa akin e giraffe pa rin iyung nasa picture sa gitna.
Sa henerasyon kong hindi lumaki sa Where's Waldo, ang hinahanap natin noon sa drowing e si Larry Alcala. Hindi ko alam kung ganito rin ang punto nitong "Like if you see Jesus". Pero, parang hindi e dahil ang daling mahanap. Ulaga na laang o bulag ang hindi makakita sa loob ng isang minuto.

Hindi ko alam kung ano ang layunin nitong mga di-umano'y imahe ni Hesus sa mga kung anu-anong bagay. Dapat ba itong ituring na himala? O isang palatandaan ng kanyang kapangyarihan? At bakit sa mga random na bagay na gaya ng toast sumusulpot? O kaya sa isang ultrasound na me kasamang butiki, gaya ng halimbawa sa itaas? Teka, hindi kaya't dapat e sambahin ko 'yung butiki o giraffe na nasa mga larawan sa itaas?

Nung isang beses na nagswimming ako sa isang hot spring nang ilang oras at nangulubot ang mga daliri ko e lumitaw ang imahe ng matandang Leonardo da Vinci sa dulo ng hintuturo ko. Oo, sigurado akong si Leonardo da Vinci iyun. Hindi ko laang makita 'yung file ng pic. Ano kaya ang mensahe nito sa akin? Pinapaalalahanan ba ako ni Leonardo na magpinta? O mag-imbento ng eroplano? O alamin ang nakatagong musika sa kanyang painting na Last Supper? 

Isa pa, lahat ng imaheng ito ni Hesus kuno e mga pagsasalarawang ginawa ng mga painters laang, gaya ni da Vinci. Iniisip ng modernong taong ganun ang itsura ni Hesus, samantalang 'pag inisip mo ang rehiyong pinagmulan niya dapat e hindi dapat sya tisoy. 

4. Will you let Jesus in/ accept him?

Meron akong knock-knock joke na nabasa kelan laang. Di ko matandaan, pero parang ganito: 
Apocryphal version: Let me in, Goddammit!

Sa tingin ko obvious nang pinapasok nila sa Hesus sa buhay nila noong pinindot nila 'yung like button ng Jesus Daily page noong unang pagkakataon para makatanggap ng status updates sa kanila. Kung bakit lagi pa silang tinatanong ng Jesus Daily e ewan ko. 


Variation: FaceTime o chat, gaya ng nasa ikatlong larawan.

Malamang e para ito sa mga hindi pa nagla-like ng Jesus Daily na parang sinasabihang "Uy, kapag hindi ka nag-like ng Jesus Daily e parang hindi mo pinapapasok sa puso mo si Hesus."  

5. Jesus died for your sins you so you should remember to thank him every time you log in on Facebook.



Alam mo iyung uri ng kalaro mo noong bata, 'yung batang pinahihiram ka ng laruan o binibigyan ka ng pagkain, tapos e lagi na laang sasabihin sa iyong 'Uy, penge ng kinakain mo. Binigyan kita dati ng Chippy, 'di ba?" Parang ganito ang uri ng Hesus na lumalabas sa Jesus Daily. 

Kung alam ko laang na isusumbat sa akin ito nang ganitong kadalas, tutuklasin ko ang time travel nang mapigilan ko sya sa pagpapapako sa krus at nang mailigtas ko sa mga ganitong panunumbat ang mga tao sa Facebook. 

May kanya-kanyang paniniwala ang bawat isa pagdating sa kahalagahan (o kawalan nito) ng sakripisyo o ng pagpapapako sa krus ni Hesus. Malamang meron laang talagang gusto e alalahanin ito ng oras-oras. Samantalang ang iba e nagkakasya sa pagsusuot ng kwintas na merong krus o nagpapatato ng krus o verses para maalala ito sa tuwina, meron namang mas gusto ang nababasa ito nang oras-oras sa kanilang mobile devices. 

Ewan ko, para siguro maalala nila ang sakripisyo ni Hesus nang sila e hindi na magkasalang muli? Kunwari, isang lalaking mandadale ng kalaguyo nya at papasuot na ng condom, tapos makikita nya itong post. Baka nga naman magdalawang-isip sya sa oras na maalala nya yung sakripisyo ni Hesus at makonsensya. 


"Oops... Too late, daanin ko na laang sa kumpisal sa Myerkules."

Honorable mentions: 

Dalawa pang posts na nirerecycle, pero hindi ko na isinama dahil hindi gaanong tungkol ke Hesus. 

1. Mga hayop na before and after pics. Before: Merong sakit, injured, miserable. After: Malusog at maayos. Caption: Jesus did something o kung anuman talaga. 

2. Mga taong merong disability na nagpupursige/ masaya kahit ganun ang kalagayan. 

WWJD. What Would Jerboy Do? 

Maganda itong gagawing drinking game. Sa tuwing merong lalabas na post na ganito sa mobile nyo, kung anuman ang corresponding number sa listahan ko, iyon ang dami ng shots na iinumin nyo. "Uy, Jesus vs X = 1 shot."   


Sunday, May 4, 2014

Not-So-Obscure Bible Verses #5: Ang Pagkakataong Gumamit ng Hindi Kaaya-ayang Lenggwahe si Hesus

Sinong mag-aakalang si Hesus e nagkaroon ng pagkakataong gumamit ng lenggwaheng hindi gaanong kaaya-aya. Sa kabuuan ng mga kwentong binabanggit siya sa Bibliya, mawawari mong isa syang larawan ng pagiging maginoo, pino't banayad ang pag-uugali't pananalita. 
Blessed are the meek...
Kilala sya sa pagkakaroon ng matinding pasensya, sa puntong kahit na sya e hinahamak at ginugulpi nong araw na sya e ipapako sa krus e ni isang pagmumura e walang umalpas sa kanyang bibig. Naiimagine nyo ba kung gaanong kasakit makoronahan ng tinek? Aba'y nasundot ko laang ang gilagid ko habang nagtu-toothpick e napasigaw agad ako ng 'Kamputa!' Isipin nyo pa 'yung ipinapako ang mga kamay nya sa krus. 

Kung meron ka mang pwedeng masabi sa kanyang pagtitimpi e merong pagkakataong isinumpa niyang mabaog ang isang fig tree dahil sa gutom. At narun rin pala 'yung pagkakataong nagwala siya sa templo.  

Isang bantog na motivational speaker, nagturo sya ng aral sa moralidad at tungkol sa kaharian ng Ama sa pamamagitan ng mga parables gamit ang mga piling-piling salitang makapaglalarawan ng kanyang punto sa pamamagitan ng simbolismo. 

Hindi gaya nitong tele-evangelist na itong nasa komiks, kung ito'y paniniwalaan.
Baka naman gutom laang sya uli sa pagkakataong ito dahil mababakas na ang mga ginamit nyang simbolo e tungkol sa gera, sa imbes na ang mga pambato niyang nawawalawang tupa, barya o mga bubaeng hindi naglagay ng langis sa lampara. 

Sinimulan nya itong pangangaral sa bahagi ng kabanatang ito sa ideyang kung gusto ng isang taong maging disipulo ni Hesus dapat e mas malalim ang pagmamahal niya ke Hesus kesa sa sarili o pamilya nya. Demanding!    

Inihambing rin niya ito sa isang haring makikidigma nang hindi gumagamit ng scout at hindi nagbibilang ng kalaban. Mababakas na merong kakaiba sa kanya sa araw na ito, dahil sa imbes na metaporang merong kinalaman sa pagsasaka, e gera ang kanyang ginamit. 

Winakasan niya iyon sa pagsasabi na ang asin pag wala nang alat e dapat nang itapon sa tumpok ng tae o pile of shit. Ang ginamit na kataga e manure pile o dunghill sa mga English translations, pero alam na natin kung ano iyon sa modernong lenggwahe: pile of crap o pile of shit
Modern English translation: It ain't good enough for land nor a pile of shit!
Shet na malagket! Kungsabagay, 'shit' laang naman iyon at hindi 'fuck you', pero parang out of character laang. Kung ano ang nagbunsod sa kanyang iyon ang gamitin, sa imbes na pile of rubbish, e ewan. Malamang e ganun magsalita ang karpintero niyang amang si Jose at napulot laang niya iyon sa kanya.

Apocryphal version.