Tuesday, September 16, 2014

Jerboy's Weekly Round Up: Ang "No Sex Before Marriage" policy at ang pagkainutil ng Yakult

Naalala nyo pa ba ang patalastas ng Yakult noong 80s? Malamang e natatandaan nyo pa ang mga katagang 'lactubacillus casei Shirota strain' na syang pangalan ng mabuting bacteriang diumano'y nakatutulong sa pagtunaw ng ating kinakain.  

Lumalabas sa mga pagsusuring ginanap sa UK na ang Yakult at iba pang katulad nito e hindi nakakatulong sa digestion sapagkat natotodas ang mga live bacteriang ito sa ating sikmura bago pa man makaabot ang mga ito sa ating small intestines. Wala akong pakelam kung nakakakanser ang Colgate Total, tutal ibang toothpaste ang gamit ko at hindi ko kinalakhan ang Total. Pero, ang malaang ang  e isang malaking dismaya ang dulot sa akin. 



Sa kaso ko, napipilitan laang akong uminom na Yakult noon. Hindi naman sa ayoko ng lasa nito at wala namang problema, masarap rin naman sa totoo laang. Ang problema ko noong ako e bata pa e ang ideyang para meron akong isinasalpak na supot na ari ng batang lalaki sa bunganga ko. Sa ilang dekadang pinilit kong iwaksi sa aking isip ang ideyang ito at umaasang kahit papano e bubuti ang aking kalusugan kapalit nito e malalaan kong wa epek laang pala ang lahat. Sa madaling salita dinildo ko ang bibig ko nang walang dahilan. 


Dapat e lagyan ito ng label na: No Approved Therapeutic Claims. When you wrap your lips around this phallic-shaped bottle, you do it for the taste and not its health benefits.

Kahit mismong anak ko e ibinibili ko nito, lalo na't 'pag nagtuturo ng mga inuming tsokolate, dahil sa isip ko e masustansya ito. 

Maaring sabihin nyong marumi laang ang isip ko. Sigurado akong hindi ako papasa mga tulad ng mga Pinay na celebrities na itong merong pinapauso ngayon. Ineendorso nila ang 'No-Sex Policy Before Marriage'. 

Narinig nyo na ba ang ideyang ito? Hwag raw magsesex bago magpakasal. Noong araw yata, nauso ito noong pinangangalagaan pa ni Rosemary Sonora ang kanyang imahe ng pagiging mas birhen pa ke Maria.  

Ang limang ito ang promotor ng ideya, nakasunud-sunod sa edad mula bata patanda: Janine Tugonon (Miss U contestant), Yeng Costantino (kung sino man iyon), Nikki Gil (ex ni Billy Joe Crawford), Toni Gonzaga (artista) at Miriam Quiambao (Miss U rin). 
  
Sa kaso ni Nikki Gil, hiniwalayan sya ng kanyang shotang Billy Joe Crawford dahil sa mga bagay na hindi... Tayo ba e maglolokohan pa? Aminin na nga nating lahat na ang dahilan dahil 'di makaiskor si Billy Joe Crawford. Billy Joe, wala kang dapat ikahiya. Naiiintindihan ka namin. magkahalong awa't paghanga ang ibinibigay ko sa iyo. Dapat nga e sabitan ka ng medalya sa pagka-Mother Theresa mo sa halos limang taon mong pagtitimpi nang wala man laang napala ni konting BJ.    
Tanong: Ano ang pinagkapareho nyo ni Billy Joe Crawford?
Sagot: Pareho nyong hindi naikama si Nikki Gil.
Ang nakakaaliw para sa akin e ang ideya ng hindi raw nagsesex sina Miriam Quiambao at 'yung shota niya kahit na pareho na silang dating merong asawa at nakasal dati. Inuulit ko: Dati e pareho na silang me asawa kaya't parehong wala na silang iniingatang pagkabirhen. Wala silang pinepreserba puri, 'di gaya ng mga nanumpa sa Santo Papang mananatili silang birhen hanggang sa humarap sila sa dambana ng altar. 

Talaga laang pinauso ng byudong Christian motivational speaker at ng dating beauty queen sa sarili nilang hindi sila magpapandalihan hangga't wala silang permiso mula sa Dios. Itong permisong ito e ginagawa sa pamamagitan ng isang seremonyang pamumunuan ng isang tao. Pagkatapos nito e pwede na nilang pagkabitin ang kanilang mga ari. Sinong lalaki ang nagpopromotor nang ganitong pauso? Kung "Food is the fastest way to a man's heart", lumalabas na "Christianity is the fastest way to a woman's heart." Tanungin nyo ang asawa ni Rica Peralejo kung totoo ang aking sinasabi.


Kahit si George Costanza e hindi kayang gawin ito.
Ang naiimadyin kong linya ni Ardy: I can't do this. (Habang isinasarang muli ang mga butones ng blusa ni Miriam) I love and respect you so much that I can't go through this sacred act without God's blessing. (Na sinundan ng ilang pambatong linya mula 1 Corinthians 13.)

Bagama't sumusulpot ang itinatago kong pait sa swerte boy na ito, aaminin kong hinahangaan ko ang mga lalaking kagay niyang kayang magbitaw ng mga ganung klase ng linya. Pwede akong mag-imbento ng job description sa aking tarbaho, magpanggap na nagbibigay na nagbibigay ng limos, magpanggap na aktibo sa charity work, pero ibang antas ng BS ang itong binebenta ni Ardy at hindi kaya ito ng powers ko.   

My own bitter caption #236: Hanggang kinikita nyo
laang sa SWA ang kaya nyong ipagmalaki sa FB.
Meron namang saysay, kung sisilipin nyo sa kanilang pananaw. Meron silang permisong makipagtalik sa mga dati nilang asawa, pero sa isa't isa e wala. Ngayon e kasal na sila't malaya na silang nagkakanaan nang hindi nakukusensya at wala ka nang magagawa kung bitter ka pa rin matapos ang ilang buwan ng kanilang kasal. Aba'y hanap na ng pinakamalapit na bibliya't sumali sa #BibleVerseChallenge para makapagpabilib sa mga tsiks. Hwag nga laang ang mga Obscure Bible Verses sa JMD.

Ang mga lalaki malamang e nasusuot sa propaganda ito dahil nakakasira ito sa diskarte nilang makaiskor dahil sa impluwensya ng mga celebs na ito ang utak ng kanilang mga shota. Sa mga bubae naman, malamang e pinagtaasan ito ng kanilang mga ahit na kilay at iniisip ang linyang ito: Ano tingin nyo sa aming mga nakikipagsex na hindi kasal, pokpok? 

Yun nga laang, 'yung mga mahiyaing bubae e hindi makapagkomento sa bagay na ito dahil ayaw nilang ipaalam na tumikim na rin sila ng luto ng Dios nang 'alang paalam. Sinasarili na laang nila tuloy at hindi makapagpatama sa FB o Twitter.  

Maraming nagsasabing nagpapakaipokrita laang sila. Para sa akin e katawan nila iyon at nasa kanila ang desisyon kung ano ang gusto nilang gawin dito. Labas na tayo riyan. 

Isa pa, kung lalake ka, kahit anong pagkasusot at pagkamangha mo rito, wala rin namang mababago sa buhay mo. Meron man silang Yes-to-Sex o Open-Door policy e hindi mo rin naman maiiyut 'yung mga 'yun at hindi sila abot ng powers mo, lalo na kung ang tanging naririnig mo laang na nagsasabing pogi ka e mismong nanay mo - at kapag inuutusan ka laang. 

Pag narinig nyo ang 'No-Sex Before Marriage Policy' e iisipin nyong awtomatikong mangangahulugan iyon ng 'Yes-to-Sex Marriage Policy'. Neknek nyo. Sa mga binata pang nagbabasa nito, gusto kong tandaan nyong hindi Unli-Sex ang ibig sabihin ng kasal. Ang ibig sabihin laang nito e makakatipid kayo sa motel dahil magkasama na kayo sa bahay. 


Ang katotohanan ng sex within marriage.
Anuman ang matitipid nyo sa motel e pagkakagastahan nyo sa ibang anyo ng currency. Sa halip na pera, pagkakagastahan nyo e ang isang uri ng monetary unit na tinatawag kong Mood Points o MP. Anong ibig kong sabihin nito? Kung napagdesisyunan nyong mag-asawa, kasama sa pinagbubulalas nyong 'I do' sa pari ang obligasyong gawin ang mga sumusunod para ilagay sila sa mood:
  • tumulong sa gawaing-bahay, me katulong man kayong pinapasweldo o wala
  • tumigil o magbawas sa paglalaro ng video games at anumang anyo ng laro, panonood ng mga panlalakeng palabas at iba pang gawaing panlalake
  • makinig sa kung anumang reklamo nila tungkol sa tarbaho at katarbaho nila
  • anumang random na bagay na maisipan gawin ng misis nyo at hindi kaya ng utak kong ikategorya sa isang bagong bullet point
Anumang hindi pagsunod sa kontratang ito e mangangahulugan ng kanyang pagtatanggal ng Yes-to-Sex Policy. Kung mababa ang MP nyo, hindi kayo makakakita ng aksyon. Tandaan nyo, kahit gaanong kamacho tingin nyo sa sarili nyo, nasa misis nyo ang pinto ng Langit kaya't wala kayong magagawa kung ayaw nilang magpapasok. Mahirap mang intindihin ng ating utak taong-kweba, merong batas na merong patungkol sa marital rape. 

Bawasan mo pang tsansa mo sa mga masasayang engkwentro kapag me anak pa kayo. Kung mathematician laang ako e iginawa ko na kayo ng equation. 

Kaya't ako mismo e bumabalik-balik sa aking best friend na si Jergens paminsan-minsan. Kapag nag-asawa kayo, simulan nyo nang idagdag sa bokubolaryo ninyo ang mga sumusunod: udlot, purnada, at unsyami bilang pamalit sa 'rurok ng kaligayahan'.

Sa huli, ikaw e mapapa... (insert pun)
   


Tuesday, September 9, 2014

Jerboy's Weekly Round Up: Ang pagtatanggal ng 'Kanor' sa listahan ng mga bagyo

Noong ako e bata pa ang mga pangalan ng bagyo e mga pambubae. Magkakakilanlan tayo ng edad kapag naaalala nyo ang Unsang. Sa tradisyon yata kasi e talgang pangalang bubae ang ginagamit at kung hindi ako nagkakamali ito e kalimitang ipinapangalan noon sa mga biyenan, kung hindi man mismong misis nila. Ito e bilang pangungutya o malambing na biro sa mga tigre sa buhay ng mga lalaking nagpapangalan nito. 

Nakaka-miss tuloy si Pepe Pimentel at ang kanyang biyenan jokes.
Hindi ko alam kung kelan nauso sa Pinas 'yung lalaking pangalan ang ginagamit sa mga bagyo. Ewan ko kung merong kinalaman ang mga feminista sa bagay na ito, pero hindi ko na ikagugulat kung sila nga ang me pakana nito. 

Ngayon e tinanggal sa listahan ng mga pangalan ng bagyo sa PAGASA ang pangalang Kanor dahil 'yung matandang lalaking iyon agad ang pumasok sa isipan nyo - aminin. Sumagi ba sa isip nyo si Nicanor Abelardo? Nakow, iki-click pa ang link para malaan kung sino siya?

Pupusta akong walang problema ang PAGASA
sa bagyong Lito ang pangalan.

Mang Kanor. Yan, sa ganyan kayo magaling. At dahil sa dito kaya't binura ang pangalang ito. Ang 'di ko malaan e kung bakit tinanggal. 

Dahil ba kinukondena nila ang kanyang sex scandal? Kapag pelikula ni Eddie Garcia, hindi kadiri, pero kapag si Mang Kanor e oo. Hindi sa idinidepensa ko ang kalibu... este kaigtingan ng pagnanasa ni Mang Kanor, pero hindi ba't karapatan ng bawat tao ang maipangalan sa kanya ang isang bagyo? 


Aba'y gusto kong merong bagyong maipangalan sa akin. Pero dahil sa pangyayaring ito, naiba na ang misyon ko sa buhay. Gusto kong makapag-iwan ng marka kapag nilisan ang mundong ito at iyon e ang ipagbawal ang pangalan ko sa listahan ng mga pangalan ng bagyo sa Pilipinas, parang si Mang Kanor.

Hindi kaya iba ang dahilan? Walang kinalaman sa kanilang moralidad ito malamang. Hindi kaya iyon e dahil hindi magagawang magbalita ng mga weathermen at news crew nang hindi napapabungisngis sa tuwing babanggitin ang pangalang... Bagyong Kanor! 

Narito na po sa Bicol ang bagyong... Mang Ka... este, Kanohohor!
Sa mga ganitong pagkakataong nakakamiss ang isa pang namaalam na alamat na si Ernie Baron na kilala rin bilang Walking Encyclopedia (dahil hindi pa uso ang Google at Wikipedia noong kasikatan nya). Siguradong kayang-kaya niyang dalhin iyon sa kanyang sense of humor. Naiimadyin nyo ba si Mang Ernie na binabanggit ang pangalang Kanor? 

Imadyinin nyo ito sa boses ni Ka Ernie: "Pinag-iingat po ang Bicol dahil parating na si Kanor. Siguruhin po ninyong ligtas ang inyong mga anak. Ilikas po sila kung saan hindi sila mahahagip ni Kanor."

Ewan ko kung kaya iyon ng lalaking gumigimik pag-we-weatherman sa pamamagitan ng pagsusuot ng sombrero na kung tawagin ng nakararami e bilang Kuya Kim. Hindi makabenta sa akin ito. Aba teka, ito pala e muntik nang mamatay ng dalwang beses? Tingnan mo nga naman, dalwang muntik na balita iyon. Aabangan ko na laang bago ko ibalita.

Hindi naman sa gusto ko na syang mamatay. Kilala natin ang mga Pinoy kapag meron namamaalam, lalo na't bata pa. Ang malimit nating nasasambit e, "Sa dinami-dami ng kukunin na ni Lord, bakit si __________ pa?" Bakit nga ba si Mark Gil pa? 

Sa araw na namaalam si Mark Gil, e noon rin sumambulat ang mga hubad na litrato sa internet nina Jennifer Lawrence ng Hunger Games (para sa mga Kanong hindi nakapanood ng Battle Royale) at ng isang Elizabeth Winstead na ginoogle ko pa para malaang 'yung cheerleader na maganda sa Death Proof

Hindi man ako nakapagpost ng tribute post sa Facebook para ke Mark Gil e gusto kong malaan ng mga kamag-anak nyang sa imbes na magdownload ako ng mga litrato ni Death Proof e mas inatupag kong manood ng Batch '81 bilang pagpupugay. 

Aba'y dapat pala e binabalikan ko ang Soldatenkaffee.
Alam kong cirrhosis of the liver ang ikinamatay ni Mark Gil at sana e hindi insensitibo para sa kanya ang ginawa kong pagpupugay, pero gusto kong ihandog sa kanya ang isang baso ng beer na paulit-ulit kong ipinasok sa bibig at iniluwa hanggang matapos ang pelikula. 

Sa mga nakakaalam, si Mark Gil ang tunay na Sid Lucero
at ang binanggit kong baso ng beer.


Thursday, September 4, 2014

Facebook satire tag: ang pag-amin nating netizens sa ating pagkaulaga

Noong una kong nabasang merong plano ang Facebook na gumamit ng satire tag sa mga articlesgaya ng The Onion, para ipaalam sa mga makakabasa nitong iyon e joke time laang at hindi totoo, akala ko e nagiging satirical mismo ang article na nabasa kong ito.


Heto ang ilang nilalaman nung article na inilink ko, galing sa jezebel.com.
"Mashable reports Mark Zuckerberg's famous repository for pointless complaints about Red Lobster is testing a "satire" button, which would help people discern real news from stuff..."  
Ambilis kong nagkumento sa nabasa ko't sinabing isang malaking satire ang lahat at isa itong paraan ng pagpuna sa kahinaan sa kakayahang magbasa at mag-isip nang kritikal ng mga tao. Aba't lumalabas na totoo pala dahil nung ginoogle ko ang balita e lumalabas na totoo nga. Aba'y ako napa-double take at muntik nang mapabulalas ng "Atse-tse!" sabay harap sa kamera. 

Ano nga ba ang satire?

Ayon sa diksyunaryo e ito: 


Can also be confused as real news.

Isa sa mga karaniwang anyo nito sa ngayon e sa mga balitang ang layunin e makapapagbigay ng puna at makapagpatawa na rin. 

Pero, hindi nga, kelangan pa ba natin ng tag na magsasabing ang binabasa nating balitang gumagamit ng pang-uuyam, pang-aalipusta at eksaherasyon para makapagpatawa at makapuna sa lipunan e kelangan pang baybayin para sa mambabasang hindi iyon totoo? Yugyugin nyo ako't sabihing hindi ito totoo't hindi ganitong kaulaga ang mga tao ngayon. 


Mga halibawa.

Tayo e bumaling sa mismong sarili nating bansa't alalahanin ang ilang mga satire news na pinagkamalang tunay ng mga ulaga. Naalala nyo pa ba itong balitang ito tungkol sa kinansela raw ang FIBA World Cup 2014 matapos maglabasan ang mga racist remarks ng mga Pinoy sa Facebook kontra sa mga Persians na tumalo sa atin noon. Maraming mga ulagang naniwala rito at sinabing dapat raw ilagay natin sa tamang lugar ang ating Pinoy Pride, huwag manakit ng damdamin ng iba, dapat sisihin ng mga Pinoy na fans na nangutya sa mga players ng kalaban ang sarili nila't hindi na raw makakalaro ang Gilas sa FIBA World Cup, atbp.  

Hindi na raw itutuloy ang FIBA dahil sa ilang Pinoy
na tumawag ng kapre sa player na ito.
Patunay na ito e satire: Naglalaro na sila ngayon at nakapagtala ng ilang AW sa W-L column, 'di ba? Almost won, kung gusto nyong malaman kung ano ang AW.

Nung kelan laang e napabalitang tinanggal ng DepEd sa vision and mission statement nito ang mga katagang 'God-fearing'. Natural e umikot ang tumbong nga ilang mga reliyosong ang tanging iniisip laang e ang kanilang relihiyon at hindi ang kapakanan ng mga Pinoy na hindi naniniwala sa diyos (o ibang bersyon ng diyos).  



Ang orihinal na linya: " "By 2030, DepEd is globally recognized for good governance and for developing functionally-literate and God-loving Filipinos."

Nagbukas ng isang debate ito sa magkabilang kampo: pabor sa pagpapatanggal nito at ang kontrang pinangungunahan ng CBCP at ng isang Christian group na merong pangalang Filipinos for Life. 

Pinili ng isang Andy Uyboco na libakin at tuyain ang mga reliyosong grupo sa pamamagitan ng pagpukpok sa kukote ng mga ito kung ano ang kanilang argumento sa Sunstar Davao. Heto ang piling linyang sumisingasing sa anghang ng pang-uuyam:
"There was also a handwritten letter with dark-red ink, whom some suspect to be dried blood, from the Secret Satanic Society of the Philippines, "How about Satanists? DepEd should include Satan-loving also for us. We want to educate people about Satan as he has often been unfairly portrayed as evil. That is certainly not true. Demanding God-loving or non-God-loving is both offensive to us."
Bago ito e meron ring mga pahayag raw na nagmula sa isang Hindu Scoiety sa Pinas, mga sumasamba sa Diyosang si Isis, na nagsasabing dapat e isama ang kanilang pananaw sa vision and mission statement.

Kailangan pa ba natin ng tag na nagsasabing ito e hindi isang tunay na balita? Kelangan pa ba natin ng canned laughter at applause para ipaalala sa ating dapat na tayong tumawa sa joke? [applause]

Ang kawawang manunulat, sa hindi ko malaang dahilan (pinilit ng publisher o sa kakulangan ng tiwala sa balana?) e kinailangan pang isulat sa hulihang isa laang satire ang kanyang sinulat. 


Ang katumbas nito e ang pagpapaliwanag ng punch line
ng iyong joke.
Kakambal ng kakulangan ng kakayahang umintindi ng kanilang binabasa ang pagkilala sa facts at opinion. Ilang buwan na ang nakakaraan e pinaratangan akong bopols ng isang nagpahayag ng puna gamit ang pangalang truthcaster. Nagpupumutok ang kanyang butse sa aking sinulat tungkol sa mga taong nagsisingit ng hindi kinakailangang 'H' para makabuo ng palayaw o nickname para sa kanilang sarili. Heto ang isa sa kanyang mga sinabi: 

Mother Theresa ako ng pagpapasensya sa pagpapaliwanag sa taong ito
kung paanong mali sya sa pag-intindi ng kanyang binasa.

No shit, Sherlock? Kaninong opinyon pa nga ba ito, kung hindi sa akin? Ako ang nagsulat nito, 'di ba? Naturalmente, ano mang lumabas na pananaw e aking opinyon. Kelangan ko pa bang sabihin sa mga nagbabasa nitong opinyon ko laang noong sinabi kong hindi cool ang nickname na merong isiningit laang na 'H' sa gitna, gaya ng 'Lhorna'? 

Pinagkukunwa ko bang fact iyon? Kailan pa maituturing na fact ang ganoong klase ng pangungusap? Kung masokista kayo't gusto nyo ng sakit ng ulo, basahin nyo 'yung buong usapan dito
  
Mabalik tayo sa satire button. Gusto nyo ng satire tag? Hindi na kelangan niyan. Ugaliin nyong magbasa ng mga shine-share na balitang pinapaniwalaan ng mga FB friends nyo at malalaan nyo kung ito e satire o hinde. Kapag sila e tatlong beses na naniwalang namatay si Tom Cruise sa isang aksidente sa loob ng isang taon, isa na iyong masikat pa sa araw na palatandaang madaling maniwala iyon sa mga hoax news at sumablay sa pag-intindi ng punto ng satire. 


Anumang lumabas na balitang kanyang binabahagi e lagyan nyo na ng malaking invisible, imaginary asterisk bilang satire o hoax. At iyon na ang inyong satire tag. Hindi na kelangang manghimasok ng Facebook.

At oo, alam kong magkaiba ang hoax at satire.