Obscure Bible Verses: Ang Royette Padilla ng mga Bible Verses


Ang Bibliya ang gabay ng mga Kristyano sa pang-araw-araw na buhay. Pinaniniwalaang sinulat ito mismo ng mga kamay ng Dios o ibinulong niya ito sa mga tenga ng mortal na nagsatitik ng koleksyon ng kanyang mga anekdota, aral at sa kaso ng libro ng Ezekiel e battle rap. Hitik ito sa mga magagandang aral, gaya ng kung ano ang dapat mong gawin kapag sinampal ka ng kaaway mo, gaanong kahaba laang dapat ang buhok ng mga lalake, ano ang dapat kainin at hindi at kung saan mo dapat isinusuksok ang iyong ari at saan palalabasin ang pumupulandit run. 
O ika nga nila e pinadaraan sa anghel na Metatron ang mensahe dahil hindi kakayanin ng ating utak ang boses ng Dios

Kung gusto mong gumanda ang tingin sa iyo ng mga kaibigan mo sa Facebook, huwag mahihiyang mag-quote ng ilang verses mula sa bibliya. Panoorin mo na rin ang pagtaas ng dami ng likes mo, matapos ang simpleng gawaing ito.

Bagamat' blockbuster ang Bibliya at patok na patok ito sa mga naniniwala rito, meron itong mga bersong hindi gaanong kilala. Kumbaga sa discography ng isang rock band, merong mga kantang hindi napapasama sa Greatest Hits o Anthology album. Gaya ng mga sikat na banda, meron rin itong mga B-sides na tinatawag. 

Kumbaga sa mga banda, meron rin itong mga verses na ituturing mong 'Lip Lock Rock' ng Alice in Chains. Kung hindi mo alam ang kantang ito ng AIC, iyun e dahil kilala pa sila noon bilang Alice N' Chains. I-youtube mo ito para malaan ang aking sinasabi.
Naglalaslas na ng pulso ang mga grunge fans nung 90s dahil sa larawang ito.

Kumbaga sa mga Padilla, ito yung mga Royette. Kilala nyo ang mga Robin, Rustom at Daniel na merong mga fans sa kani-kanilang dahilan at meron rin namang Royette na nagsasabing isa syang brigadier general ng grupong H World United Nations Military Department International Police Commission o H World. Dahil fuck you, Royette, naunahan na kita sa titulong Supreme Grand Master ng Inter-Galactic United Planetary Cosmic Hardcore War Defense Militia Anti-Terrorist Special Death Squad.   
Hail Royette!

At ang mga ibinabahagi ko sa inyo rito sa aking blog e ang mga Royette at 'Lip Lock Rock' verses na hindi gaanong nabibigyan ng limelight sa mga posts ng mga Kristyano nyong Facebook friends. Ito rin ang mga verses na hindi isinasama ng Simbahang Katoliko sa mga first at second readings at homily at iniiwasan ng mga pastor na talakayin sa mga bible studies.  

Ituring nyo akong kaklase nyo noong high school na sa imbes na sinasaulo ang John 3:16 e naghahalungkat ng mga pahina ng Bibliya ng mga verses kung saan merong binabanggit na yagbols. Inaanyayahan ko kayong basahin ang mga posts na merong tags na Obscure Bible Verses sa aking blog.  

Ilan sa mga makikita nyo rito sa kasalukuyang koleksyong ito e mga tungkol sa:
  • yagbols at ari
  • pagkalasing nina Noah at Lot
  • rape, sex at incest   

Hwag ikalilito itong mga verses na ito sa mga apocryphal books na kung gagamitin ang discography bilang analogy e mga Rarities na hindi naisama sa stuido albums o kung sa angkan ng mga Padilla e mga anak sa labas. O kaya e Jeric Raval, kung itinuturing nyong mala-Robin Padilla na rin ito. Balang araw siguro, pagtutuunan ko ng pansin ang mga Jeric Raval, pero sa ngayon e solb na ako sa mga Royette. 

Kung isa kang Kristyanong naniniwala sa Bibliya, hindi naman ikasisira ng mga ilang Royettte ang kabuuan mong pagmamahal sa mga Padilla, 'di ba? At kung ateista ka naman, pwede mong pulutin ang mga buod ng mga ideya nito para ipanggawa ng iyong meme o ang Bibliya ng mga atheist. Bottom line, katuwaan laang lahat ito. Halina't kilalanin ang mg Royette verses. 


No comments:

Post a Comment